chapter thirty six

1.5K 70 16
                                    

Maymay's Point Of View


Christmas Ball .1



Omgee. This is it pansit! Christmas Ball na namin. Wohooo! Pero grabe! Pinatay naman kami ng mga subjects namin nitong mga nakaraang araw.

Pagkatapos naming magpakasaya nila Laura, Kinabukasan nagkaroon kami ng Midterms. Buti nalang talaga nag aral kaming Lima, Kung hindi. Paktay na mga bai!

Tapos nung Kahapon naman, Lumaban naman sila Edwardo sa Basketball. Kalaban nila yung kabilang University. As usual, Nanalo sila Edwardo. 5points lang naman ang lamang pero atleast diba? Nasa University namin yung karangalan.

" Anak.. Excited na ako sa Gown mo.. " Napatingin ako kay mama. Nasa kwarto ko siya ngayon, habang si Ryu naman e nasa sala naglalaro ng mga cars niya.

Napatigil tuloy ako sa pag aayos ng mga dadalhin ko sa bahay nila Kisses. Dun kasi namin napag desisyunang mag ayos para sa Ball. " Ako din ma. Sayang no? Eksakto kasi na ngayong araw din ang padala nun e. hindi mo tuloy makikita " Sagot ko sa kanya. Ewan ko ba kasi, Akala ko bago yung Ball, Makikita ko na at masusukat ko na yung gown ko pero ang sabi daw ng tita ni seski, Nalate daw ng pag gawa. Kaya yung apat, ayun tuwang tuwa na dahil sa gowns nila habang ako, eto hanggang ngayon excited padin.

Niyakap lang ako ni mama at nginitian. Sinabihan niya nalang ako na picturan ko daw yung gown ng diko pa suot at yung nasuot ko na saka ko isesend sa kanya para naman daw makita niya.

Mabilis din akong nag ayos at naligo dahil nakailang text na sila Kisses sa akin. Eh si Rita nga wala pa eh. Di naman halata na excited sila no?

" Ma! Alis na po ako.. " Paalam ko kay Mama na naghahanda na ng tanghalian para sa kanila ni Ryu. Napatingin tuloy ako sa Relo na suot ko. 10am palang pero maaga talagang nagluluto si mama para daw di malipasan ng gutom.

" Oh sige anak. Yung bilin ko ha? I-Hi mo nalang din ako sa kanila. " Tumango ako at bumeso na sa kanya " pati dun sa partner mo " Natawa ako ng ibulong iyon ni mama. Alam niya din kasi na iba na ang makakapartner ko. Hindi na si Tanner..

Nagpaalam nadin ako kay Ryu . Dali dali akong lumalabas ng bahay habang inaayos ko yung pagsuot ng backpack ko. Grabe na kasi yung pag ring ng phone ko at alam kong sila Kisses na yun. Tumakbo na ako papuntang terminal ng Jeep. Napatigil pa nga ako saglit dahil naalala ko dito yung una naming pagkikita ni Tanner pero salamat sa pagva-vibrate ng phone ko dahil nababalik sa wisho ang kaluluwa ko

" Oh? Oo na andito na ako sa Jeep " Sagot ko kay Bayb na kanina pa pala tumatawag gamit yung phone ni Kisses. Siya na daw kasi ang naunang ayusan nung mga mamang sa salon ni Laura. Yes, Sila daw ang mag aayos sa amin ngayon

" Buti naman. Si Fenech, Inaayusan na din eh. Manicure tsaka Pedicure. " Aniya kaya tumango tango ako kahit di naman niya makikita

" Oh sige na. See you. Kanina pa nag aantay dito yung Gown m- Oh, Rita, Andito ka na pala. " Hala! andun na si Rita. Ako nalang ang hinihintay

" Ahmm Te may, Sige na . Andito na si R-"

" oo alam ko . narinig ko. Osige, Malapit naman na ako sa gate ng Village nila Kisses e. " at Ibinaba ko na yung tawag

Excited na talaga ako para mamaya. Sa Gowns, sa Venue at sa mga partners nila. Siguro sobrang ganda at gwapo nilang tingnan. 

Sila Marco , Pupunta nalang daw dun sa bahay nila Kisses kapag one hour before time para daw di na sila mag aantay. si Edwardo lang ang di makakapunta dahil wala naman don ang makakapartner niya. Si Yong, buti nalang at napilit namin na silang dalawa nalang ni Rita kahit isang gabi lang silang mag bati, okay na kami don .

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon