Maymay's Point of View
Happy Ending
" Whaaaat!? " Gulat na tanong ni Bayb sakin ng ikwento ko yung nangyari saming dalawa ni Heaven nang mawala na si Edwardo para sunduin si Keisha
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa labas. Andito na kasi kami sa loob ng sasakyan ni Bayb, On our way Home.. Hindi ko kasi talaga inaasahang magagawa ko ang makipagsagutan sa kanya at sampalin siya
" Hindi lang dapat sampal ang ginawa mo sa babaeng yon no! Kulang pa yun sa kabaliwan ang kasinungalingan niya sayo, Sainyong dalawa ni Edward! Nako talaga!! Kung hindi lang talaga ako nagpipigil baka matagal nang nasa por-"
Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla ko siyang tingnan . Kahit naman ganon na ang ginawa ni Heaven, Ayaw ko naman na may mangyaring ganon. Gusto ko patas lang ang laban. Ayokong gayahin ang ginagawa ni Heaven dahil wala narin akong pinagkaiba sa kanya kung gagawin ko yun diba?
Hindi na nga kami nakapag paalam ng maayos kay Edwardo at Keisha dahil sa pagpipigil ko kay Heaven e. Ang totoo nun, Wala naman akong balak isumbong siya agad agad kay Edwardo. Tinakot ko lang siya, At mukha namang effective dahil kitang-kita sa mukha niya ang takot
" So what's your plan? " Tanong ni Bayb
" Nakakuha ka na ba ng pwede nating gamitin pang DNA kay Keisha? " Tanong ko pabalik
Tumango siya at may kinuha sa bulsa niya. Nakangiti niyang inabot sakin yung dalawang maliit na plastic sealed bag. Napakunot ang noo ko
" I know hindi mo kayang kumuha ng pwedeng gamitin kay Edward.. Kaya ako na ang gumawa" Nakangiti niyang sabi
Kaya sobrang blessed talaga akong naging kaibigan siya eh. Kundi dahil siguro sa kanya, Mahihirapan ako ngayon.. Well, Lahat naman sila Blessed ako pero kay Bayboree lang talaga ako super Blessed at Thankful dahil never niya akong iniwan sa problema kong to
" Ang Creepy mo Ate May ha.. Anong ngini-ngiti ngiti mo jan? " Nagtataka niyang tanong
I shook my head habang nakangiti padin sa kanya. Kinuha ko narin yung Dalawang maliit na plastic na hawak niya. Sandali ko itong tinitigan hanggang sa makaisip ako ng isang Idea
Kinuha ko yung selpon ko mula sa purse na nakalagay sa likod ng inuupuan namin ni Bayb kaya naman napatingin na naman siya sakin
" What are you doing? " Usisa niya
" I'll text Heaven.. "
" What!? " Gulat na tanong niya
Bakit parang gulat na gulat siyang itetext ko si Heaven ? Minsan naiisip ko na baka nagpalit kami ng soul . Baka siya si Maymay dati tapos ako naman ang Bayboree ngayon, G na G kasi siya eh! Akala mo sa kanya gumawa ng kasinungalingan si Heaven..
Hindi ko muna siya sinagot. I texted Heaven through her social medias .. Instagram, Twitter at Facebook. Wala naman akong number niya kaya dun ko nalang sinend. Her Insta was still active dahil yung latest post niya eh yung si Keisha at si Edwardo na may 14K Hearts. Tss
My Everything <3
Yan ang caption niya. Pati tuloy yung ibang tao naniniwala dahil sa kasinungalingan niya. Ano bang makukuha ni Heaven sa ginagawa niyang ito?
" Stalk pa sige. Saktan mo pa ang sarili mo " komento ng katabi ko kaya agad ko din itong ni lock
She looked at me " Ang Tanga mo din eno? Sorry Ate May ha? But you deserve it. Grabe na kasi! Ang bait bait mo. Pwedeng pwede mo na ngang sabihin kay Edward yung totoo. Pwedeng pwede mo na ngang saktan si Heaven pero ni Isa, Wala kang ginagawa .. " With matching hand gesture pa. Kung san san na nga nakakarating yung kamay niya but in the end, nag crossed arm nalang siya sabay sandal sa inuupuan niya
BINABASA MO ANG
Somebody To You √
Fanfiction| C O M P L E T E D | Sabi nila.. Pag mahal mo gagawin mo ang lahat . Ibibigay mo kung ano ang dapat.. Para lang sa ikasasaya niya Handa ka bang magparaya para sa kanya? What if destiny finds it's own way for the both of you ? Will you take the ri...