chapter twenty three

1.6K 79 12
                                    


Maymay's Point of View




Date


Talaga te may? buti nalang talaga iniwan ka namin sa kanya.


Kasalukuyan kong kausap si Kisses sa phone. At ikinuwento ko sa kanya yung nangyari sa amin sa park ni Edward. Kung gaano kaganda doon at kung paano naging maganda yung mood ko dahil sa tulong ni Edwardo.

Pasado 10 na kami nakaalis sa park na iyon kaya hinatid na ako ni Edward hanggang sa bahay. Di na siya pumasok dahil baka tulog na daw sila Mama at Ryu which is tama siya. I mean si mama tulog na dun sa upuan kahihintay sa akin.


" Oo nga galing niyo no." Komento ko. Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya


Sorry na. Napag utusan lang nila Aizan. Sabi kasi ni Aizan kaylangan niyo daw mag usap e.


Ha? ano bang dapat namin pag usapan?


" Mag uusap? Bakit naman? " Tanong ko sa kanya at humiga na ng tuluyan sa kama ko


Ah eh .. Gaano naman kaganda dun te may? I'm Sure sobrang nasayahan ka talaga don.

Pag iiba niya ng usapan. Ano bang pinagsasabi nitong babaeng to? kanina ko pa kinukwento na sobrang ganda at nag enjoy ako dun. tas eto magtatanong na naman?


" Nakikinig ka ba sa kwento ko kanina? " Tanong ko sa kanya . sandali siyang tumahimik at bumugtong hininga


Te may.. 

Tawag niya sa akin

" Ow? " sagot ko naman sabay tagilid at naghihintay ng sasabihin niya


May nararamdaman ka na ba for Edward?


Napabalikwas ako ng itanong niya iyon. Ano na naman bang tanong yun uy!

" Nah grabe bai! May Boyfriend ako diba? " sagot ko sa kanya . Pero kahit anong tanggi ko... Alam ko kung ano yung tamang sagot ..


Yung mga mata niyang nagniningning sa tuwing titingnan niya ako.. Yung mga ngiting iginaganti niya sa akin.. Yung mga malalambing niyang salita sa akin.. yun ang laging nagpapakaba sa akin .


Ahh ..

Ano ba talagang gustong itanong neto? Sandali akong nanahimik..


Te may? tulog ka na ba? Hays sige na nga bukas nalang tayo mag usap. Babye.


Di na niya ako hinayaan mag salita dahil agad na niya itong pinatay. Inilayo ko na sa tenga ko yung phone ko at inilagay ito sa tabi.

Masama bang mainlove sa taong alam mong hindi mapapasayo?


**

Tiningnan ko yung oras sa phone ko ng maalimpungatan ako. 6am pa naman. May isang oras pa ako para matulog ulit kaya pumikit ako at dumapa..

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon