Maymay's Point of View
Worth Fighting For
Para akong sinasaksak ng paulit ulit dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maimagine na parehas kami ng nararamdaman ni Edwardo pero hindi pwede.. Hindi pwede dahil pwede kaming makasakit ng ibang tao ..
" Marydale, I'm Hoping that you'll gonna be the queen of the night " Napatingin ako kay Luke na nakaakbay saakin dahil hinahawakan niya yung coat na isinuot niya saakin dahil baka daw nilalamig na ako
Sobrang thankful ako dahil dumating si Luke doon dahil kapag nakarinig pa ako ng isang salita na galing kay Edward.. Feeling ko babagsak ako
Ngumiti ako sa kaniya pero nagstop siya sa paglalakad at iniharap niya ako sa kanya " I'm about to ask if you're okay but it's a silly question cause I know you're not. I'm here lang ha? Don't believe on what you see.. " bahagya siyang nakayuko ng sabihin niya iyon. Nakahawak din kasi ang dalawang kamay niya sa mga pisngi ko.
Saglit niya akong niyakap. Gustong gusto ko nang umiyak pero dahil kay Luke, nakakakuha ako ng lakas..
Nginitian niya ako nang magkalas ang yakap naming dalawa. " Smile na. Di bagay sayo ang nakasimangot " Kahit tuloy ayokong ngumiti e diko mapigilang ngumiti dahil sa kanya
" Baliw. Tara na nga. " Yaya ko sa kanya. Sumunod naman siya agad. Nakasuot padin saakin yung Coat niya habang nakahawak ako sa braso niya.
Nang makapasok na kami sa loob, tamang tama kauumpisa lang daw magsalita nung Emcee sabi ni Kisses
Nakatingin ako kay Bayb habang may binubulong kay Luke. Napakunot ako ng noo ng tumingin saakin si Luke ng matapos siyang bulungan ni Bayb. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at nagpunta sa tabi ni Marco
" So ... What Happened? " Panimula ni Bayb ng makaupo siya sa upuan ni Luke. Kaya ba niya pinalipat si Luke para magtanong?
Umiling lang ako habang nakangiti sa kanya pero mukhang diko talaga kaya magtago ng nararamdaman..
" CORNER! CORNER! " Sabay sabay kaming napatingin sa gitna. Inilibot ko yung mata ko sa mga estudyanteng isinisigaw ang pangalang corner..
" Sus. Di sila pwede maging Queen and King of the night no " Rinig kong komento ni Kisses
Nakatingin lang ako sa gitna dahil inaantay ko na yung resulta para sa magiging queen and king of the night pero ramdam ko na nakatingin padin saakin si Bayb
" Our King of the night is .... " Sino kaya? Siguro si Tanner nga . Gwapo naman kasi talaga e.
" Tanner Mata! " Malakas na palakpakan at mga sigaw ang narinig namin ng sabihin iyon ng Emcee . Napatingin don si Bayb " Omg! No! Ayoko nang maging Queen kung siya lang din ang magiging King ko! " Komento niya
Wala na akong ganang makinig kung sino man ang magiging queen niya. Dahil mukhang alam ko na kung sino ito
Kinuha ko nalang yung phone ko mula sa loob ng purse ko. Napakunot ako ng noo ng may makita akong text doon..
Unknown:
I saw and heard everything. Kung di ka talaga lalayo sa kaniya, Pasensyahan tayo. You dont know what I can do Maymay..Nakatitig lang ako sa text na iyon. Kahit walang pangalan, alam kong kay Heaven ito galing. Ano pa ba ang gusto niyang gawin ko? Lumalayo na nga ako. Nagsasakripisyo na ako para sa kaniya..
Luke:
You okay? You look so Upset.Napatingin ako kay Luke ng mabasa ko yung text niya. Nakatingin din siya saakin na may halong pag aalala. Umiling ako sa kanya habang nakangiti.. Saglit niya akong tinitigan saka yumuko. Maya maya tumunog na naman ang phone ko
![](https://img.wattpad.com/cover/102128768-288-k180716.jpg)
BINABASA MO ANG
Somebody To You √
Fanfiction| C O M P L E T E D | Sabi nila.. Pag mahal mo gagawin mo ang lahat . Ibibigay mo kung ano ang dapat.. Para lang sa ikasasaya niya Handa ka bang magparaya para sa kanya? What if destiny finds it's own way for the both of you ? Will you take the ri...