chapter seventy one

2.3K 93 119
                                    


Maymay's Point of View

Mrs.Barber



" Are you pregnant? " Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa pabigla biglang tanong na iyon

" H-hindi .. " Hala sige May! Magsinungaling ka pa sa fiancée mo. Jusmeee! Ang totoo talaga hindi ko alam .. Si mama lang naman nagsasabi na buntis ako dahil nga sa mga sintomas na nararanasan ko ngayon. Hindi ko naman alam na pati si Edwardo ganun din ang mapapansin.

Kung kanina may mga pag asa pa sa mukha niya, ngayon naman nagseryoso na at parang may halong lungkot na sa mukha niya.

" Sayang.. " bulong niya pero kaya ko pa ding marinig. Tinanong ko siya ulit kung ano yung sinabi niya pero sabi niya lang wala lang daw. Akala daw kasi niya buntis ako dahil nga sa mga sintomas.

Wag na kayong magtaka kung bakit niya alam , si Heaven nakasama niya yun simula palang ng pagbubuntis niya kay Keisha.. Hindi na ako kumibo pa. Kung sakali mang buntis ako, Gusto kong isurprise siya. Gusto ko sasabihin ko sa kanya sa tamang oras. Yung tipong isang daang porsyentong totoo.

Kaya naman pinag intertwined ko nalang ang mga daliri namin habang nakatingin siya kila Keisha na masayang nakasakay sa pambatang ride kasama si Ryo at Laura . He just looked at me while his forehead creased kaya naman ngumiti ako sa kanya ng pa cute. Aba! Hindi niya ata kayang tanggihan ang pag papacute ko ano!

And there, lumiwanag na ang mukha niya at nakangiti na siya. Sabi sa inyo eh. Hindi niya ako matitiis

" Stop being so cute baby.. " saad niya saka niya ulit ibinawi ang tingin niya sakin at inilipat ito kay Keisha. Speaking of Keisha, She's full of energy. Grabe! Kanina pa siya ganyan ka hyper. Si Ryo,medjo mababa na. dahil kanina pa silang umaga hanggang ngayon, Alas quarto na ng hapon

" I saw you on Keisha. " Komento ni Edwardo kaya naman napangiti ako

Sabi na eh. Kahit ako.. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Walang kapagod pagod.

Magsasalita sana ako ng tawagin kami ni Keisha at saka nagtatakbong lumapit samin kaya naman kinarga siya ni Edwardo. Ako naman ay hawak ang kamay niya . She's so cute habang nagkwekwento kung gaano kasaya ang sinakyan nila kanina. Pero ang favorite niyang ikwento ay yung mga Disney Princesses na nag parade kanina. Paulit ulit..

Wala nang araw ng mapagdesisyunan naming magpunta na sa harap ng malaking castle dahil maya maya daw may fireworks na. Dun lang bumaba ang energy ni Keisha. Hindi na kasi siya bumaba mula sa pagkakarga ni Edwardo. Gusto ko ngang kunin para ako naman ang mag karga kaso ayaw din ni Edwardo. Kaya pa naman daw niya

Umalis din muna sila Mama at Laura. Sila na ang nag prisintang bumili ng makakain habang nanunuod kami ng fireworks mamaya. Kaya naman umupo nalang muna kami sa sahig para narin hindi na mahirapan tong si Edwardo

Asa tabi ko naman sila Kuya at Ryo na busy sa paglalaro ng mga selpon.

" The Best Vacation Ever " Napalinga ako kay Edwardo ng marinig ko iyon. He's already staring at me kaya naman napangiti ako. Hindi parin ako nasasanay sa mga titig at ngiti niya dahil sa mga simpleng ganun lang niya, napapakabog niya parin ang puso ko

Habang nakakandong sa kanya si Keisha, Nag lean naman ako sa braso niya saka ipinulupot ang braso ko sa braso niya hanggang sa magtama ulit ang aming palad sa isa't-isa

" The Best Vacation Forever .. " Ulit ko habang nakatingala sa kanya

Ramdam ko ang bawat hiningang lumalabas mula sa butas ng ilong niya. Amoy ko din yung pinakapaburito kong amoy sa kanya. Ganto ba talaga ang nag mamahal? Halos lahat ng sa kanya magiging paborito mo na?

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon