chapter thirty

1.7K 69 16
                                    

Maymay's Point Of View

Red Gown


From Unknown:
Miss Panda. Kamusta Mata mo?

Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa ko. Sino na naman kaya ang isang to? Grabe namang Peymus ng number ko, Kung sino sino nalang nakakaalam. Una si Heaven, Ngayon eto na naman..

Hu U Po?

Reply ko sa kanya. Sandali akong nag antay sa reply nito.

From Unknown:
  Pinaka Pogi sa University.



Kapal naman ng mukha neto. Bahala ka jan. Matutulog na lang ako.

Inilapag ko na yung Phone ko sa gilid at pumwesto na sa higaan ko. Sila Mama at Ryu tulog na sa Kabilang kwarto.. Nakakapagod ang araw na ito.. Si Mama kanina pinaiyak na naman ako. Nagtanong kasi siya kung bakit daw ganto yung Mata ko. Eh ayun napa kwento ako, Kaya naalala ko na naman..



" From Unknown " Bulalas ko ng tumunog na naman ang Phone ko at nakita ko iyon. Kulit neto ha!


From Unknown:
Ano na ba? Hirap naman neto. Wala ka bang load?


Nilock ko na yung Phone ko pagtapos kong basahin iyon. Bahala siya! wala akong oras para replyan siya!

Ipipikit ko na sana yung mata ko ng tumunog na naman ito. Hay nakakainis talaga!

Di nako nag Effort para tingnan yun. Pumikit na ako pero nakailang tunog pa ito kaya tinalikuran ko na. Kung di siya magpapakilala ng maayos, Bahala siya.

dumapa ako para maging komportable ako sa pagtulog pero napadilat ako ng marinig kong nagriring yung Phone ko kaya padabog akong tumihaya sabay tingin sa phone kong nagriring hanggang ngayon. Sa sobrang inis ko, kinuha ko ito at sinagot ng di man lang tinitingnan kung sino

" Hello? Alam mo ang kulit kulit mo! Kung wala kang magawa pwede bang magpatu-"

" Te may? Sino na naman bang kaaway mo? " putol ng nasa kabilang linya sa sinasabi ko . Teka.. Parang pamilyar yung boses...

Inilayo ko sa tenga ko yung Phone para makita ko kung sino ung tumawag nagulat ako ng makita ko yung pangalan ni Kisses. Nah paktay nah!

" Ahh .. Hehehe ano kasi.. Ano .  " wala akong mahugot na paliwanag

" ano? Kaya ba di moko nirereplyan? Kanina pa ako text- "

" h-ha? IKAW UNG TEXT NG TEXT KANINA PA!? " putol ko sa kanya

" pwede ba te may, Hinaan mo naman yang boses mo. Sakit sa Tenga e! " Ani Kisses sa Kabilang Linya

Patay! siya pala itong text ng text kanina pa. Nako! malaman ko lang talaga kung sino yung nakakainis na lalaking yun malalagot talaga siya sakin!

" eh bat ka ba kasi text ng text? " Tanong ko sa kanya. Kalmado na ako kaya maayos na kaming mag uusap

" Ah oo nga pala. Napag usapan na kasi namin yun nila Viv. Bukas pupunta tayong Gown shop para sa Ball. Malapit na kasi e. " Nanlaki ang mga mata ko dahil don. Wala akong perang pambili!!

" te may? .. " Tawag niya ulit sa pangalan ko

" ay oh.. Ano yun? "

" Gown shop bukas.  " Ulit niya. Napakamot ako ng Ulo " Uhmm. Kisses.. " Tawag ko sa kanya

" I think alam ko na yan. Dont worry Ate May ako nang bahala dun. Since Tita ko naman ung may Ari ng shop na iyon, Pwede kita pahiramin nalang .. "

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon