chapter sixteen

1.6K 88 22
                                    


Maymay's Point Of View


Lasing .2




" Edward naman eh! Umayos ka nga teka! Kaylangan nating matanggal yang damit mo " Reklamo ko sa kanya dahil ang hirap kayang tanggalin ung Shirt niya. Bigat bigat!


Andito padin ako sa tabi niya habang siya eto tulog na tulog. Pinunasan ko muna yung mukha niya at mga kamay. Kaya ayun, Hirap na hirap na ako dahil tinatanggal ko na yung damit niya

" Hey .. Hey.. " nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hawakan ang mukha ko at sabihin iyon ng sobrang lambing


" Ano ba Edward. Manahimik ka nga. " Sabay tanggal ko sa kamay niyang nakahawak sa Mukha ko

Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina " You're so Cute Honey .. " Sabay talikod sa akin

Naramdaman ko namang biglang uminit ang aking pisngi. Omaygas! Sinabi ba niya talaga yon!?


Diko ba alam dito! Nagdedeliryo na ata. Ganyan ka ba talaga malasing Edward!? nakikita si Heaven kahit saan?? jusq ka!


" I really Love You .. " Narinig ko na naman sabi niya

Ay grabe siya! Ayaw pa talaga manahimik!


" Pwede ba Edwardo? Manahimik ka na. Matulog ka na. Ako nahihirapan sayo " Reklamo ko sa kanya habang pinupunasan na yung katawan niya

Dahan dahan ko siyang pinupunasan kahit mahirap hala sige! Pasalamat talaga to kaibigan niya ako! kung hindi nako!!


Nagulat ako ng bigla siyang tumihaya dahil ngayon.. kitang kita ko na ang kanyang katawan! nabuang na bai!


Kaya ang ginawa ko e, Habang pinupunasan ang kanyang katawan nakatingin lang ako sa mukha niya ..


" Ang gwapo mo din pala Edward no? " Sabi ko dito kahit alam kong tulog na siya

" Kaya bagay ka din sa maganda.. Di na ako magtataka kung .. Kung sobrang inlove sa iyo ni Heaven .  " Dagdag ko dito sabay inilagay na yung bimbong ginamit ko sa planggana


Saglit akong tumitig sa kanya .. Ay! di lang pala saglit, Tumitig na pala ako sa kanya .. tiningnan ko ang bawat sulok ng kanyang mukha na para bang minememorize ko ito..


Napakalaki talaga ng Noo mo Edward

Natawa ako ng isipin ko iyon.. " Pero iyan ang special asset mo. Ang gwapo mo padin kahit ganyan yan. " Nasabi ko ng malakas


Yung Kilay mong mas makapal sa akin..

Nasabi ko sa isip ko ng tingnan ko ang bandang mata niya " Haba din pala ng Pilik mata mo no? parang babae " Sabi ko at hinawakan iyon


Yang Ilong mo din na sobrang tangos! nahiya naman ang ilong ko sayo!

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon