chapter fifty three

1.4K 73 66
                                    

Maymay's Point of view

Revelations

" HUWAAAAT!? " And by her tone, Alam kong nagulat siya. Hindi ko pa pala naiikwento sa kanila yung nangyari samin ni Luke ..

Nakapamewang lang siya sa may pinto habang nag aantay ng sagot ko. " Pwede po bang papasukin mo muna kami? " natatawang sabi ko sakanya

Napakibit balikat nalang si Bayb sabay tumalikod samin para magpunta na ulit sa living room ko. Akala mo sa kanyang bahay  eno?

" Tara na nga. Yare ka don! " pananakot ko kay Luke habang naka akbay saakin " still all about five years ago? " bulong niya sakin

Tumango ako ng bahagya . Masyado kasi silang nasaktan nung nakwento ko na may kinalaman pala tong si Luke kay Heaven dati. Kaya galit din sila kay Luke. And now? Malalaman nila na mag kaibigan kami ulit? Alam ko ang mararamdaman nila

" Bat di mo sinabi samin na magkaibigan kayo ulit ng mokong nato? " bungad samin ni Bayb ng makapasok na kaming dalawa ni Luke sa loob ng unit ko

Nagkatinginan lang kaming dalawa na parang nag aantay kung sino ang sasagot sa tanong ni Bayboree

Napalunok ako ng tingnan ko ulit si Bayb na ngayon ay seryoso na. Akala mo kakainin na kaming dalawa ni Luke e

" A-ahm.  Sasabi-"

" sasabihin? Eh kung di pa to nagpakita" with matching turo pa kay Luke " wala ka naman atang balak sabihin " sabi ko nga. Hahaha! Ayan na! Galit na naman siya

I sighed.

" naghahanap lang ng bwelo. Kasi naman e.. " nakayuko kong sabi

" Umupo nga kayong dalawa dito at ikwento niyo ang nangyari. " seryosong utos ni Bayboree kaya naman sumunod nalang kami.

Feel ko tuloy, naanakan ako ni Luke tapos nakaharap kami ngayon sa nanay ko. Jusq po Bayboree!!

Naupo narin siya sa harap ko. Magsasalita na sana si Luke ng tingnan siya ni Bayboree ng masama

" Di ikaw kausap ko " untag nito sabay tingin sakin. Kaya ako nalang ang nag kwento




-FLASHBACK-

Isang taon na ako dito sa Japan. Sabi kasi nila Mama, hindi daw ako makakamove on kung nasa Pilipinas padin ako. Pero kahit anong gawin ko , siya at siya parin e..

Naglalakad na ako pauwi ng may biglang humatak sakin . Halos hindi ako makahinga dahil sa taong nakikita ko ngayon sa harap ko

" L-Luke? " untag ko . ngumiti lamang ito sabay yakap sakin.

Sandali akong napatigil pero agad din akong kumalas ng maalala kong hindi nga pala kami okay ng lalaking ito

" Bakit ka andito? Anong gina- "

" Hinanap kita. " putol niya sakin

Nagdadalawang isip ako kung paniniwalaan ko pa ba siya o hindi na dahil sa kasinungalingang ginawa niya sakin dati.

" So, bakit ka nga andito? " tanong ko habang inilalapag yung tray na may juice at sandwich para sa kanya

Andito na kami sa loob ng bahay, kahit papano kasi naging magkaibigan naman kami. Kaya may tiwala padin ako

Wala akong kasama dito, dahil may sarili akong tinitirahan. Pero malapit lang naman dito yung tinitirahan nila Mama.

" I need your help. " seryosong sagot niya . napakunot naman ang noo ko dahil don . Umupo ako sa tapat niya " Need my Help? Para san? "

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon