chapter seventy

2K 95 131
                                    

Maymay's Point of View

Japan

" Ate May.. Mamimiss talaga namin kayo.. " Umiiyak na saad ni Bayboree habang nakayakap sakin

Andito na kasi kami sa airport. Hanggang ngayon nabobother padin ako sa sinabi ni Mama kanina. Paano kaya kung totoo?




* Flashback *

" B-Buntis po ako!? " Pasigaw kong ulit pero agad ko ding tinakpan ang bibig ko . Paano nangyari yon?

Nakangiti lang sakin si Mama. Parehas kaming tahimik. Kaya ba ganto ang nararamdaman ko? Gustong gusto ko rin nakikita si Edwardo. Omaygas.

" M-Maaa... " Tawag ko sa kanya " Wag mo munang sasabihin to sa kanila.. Kahit kay Edwardo. Hindi pa naman tayo sure eh.. Please Ma.. " Pagmamakaawa ko sa kanya

Tumango lang si Mama sakin. Alam ko namang safe sa kanya yung sikreto kong ito. Bushak talaga! Hindi kasi sinabi ni Edwardo na kaylangan pa ng trust na yon. Edi sana .. Hay nako! Pero kung totoo man yun, Blessing narin to.

" Masaya ako para sayo Anak.. Alam kong magiging mabuti kang ina . " Pagdadrama ni Mama kaya napangiti ako sa kanya saka siya niyakap

Bahala na.

* End of Flashback *




" Ay oh? Nakakahurt ha. Ako umiiyak na dito pero ikaw tulaley ka jan. Ano na naman bang iniisip mo? Alam kong maganda ako pero-- "

" ang baho mo. " Komento ko sa kanya

Kaya nagtawanan na yung mga kasama ko. Si Bayboree naman biglang umalis sa harap ko at kunwaring nagtatampo. Si Marco at Edwardo lang ata ang naamoy kong mabango. Ano bang nangyayare sa pang amoy ko?

" Ate May! itong tatandaan mo. Maliligo nako ng tatlong beses pagkasundo namin sa inyo ulit. Tanggap kong mabaho ako ngayon dahil hindi pa talaga ako nakakaligo " Saad ni Bayboree

Pero hindi na ako nagsalita, Niyakap ko nalang ulit sila isa-isa kahit na nababahuan talaga ako. Mamimiss ko naman kasi talaga sila. Pagtapos ko, Si Edwardo na ang nagpaalam sa kanila . Si Mama ang sunod , Nasabihan pa ni Mama si Bayb na mabaho nga daw talaga siya

" Ay grabe si Tita oh! Mag ina nga po kayo ni Ate May .. " Kunwaring paiyak iyak ni Bayboree habang nakayakap sa braso ni Marco

Natawa nalang kami. Sunod na pinaalaman nila si Laura at huli yung dalawang bata. Pinanggigilan pa nila lalo na si Keisha. Halos mangiyak ngiyak tuloy ng makabalik samin.

Sandali kaming nag-usap ng marinig na naming pwede na kaming pumunta sa loob. Kaya ayun, Nagsi iyakan na naman. Akala mo ang tagal namin eno..

" Marydale!!!! " Napalinga ako sa taong tumawag sakin . sa pangalang narinig ko, Alam kong si Luke iyon.

Hindi nga ako nagkakamali. Si Luke nga kasama si Yong. Patakbo siyang pumunta saamin. Saka ako niyakap . Si Yong naman kila Edward nakipag batian

" Buti nalang naka habol kami.. " Saad ni Luke

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti. Akala ko hindi ko na sila makikita eh. Abnormal kasi, Akala mo naman kung anong pinagkakabusy-han nilang dalawa.

" Oy Luke. Andyan ang Fiance. Wag ka jang epal " Natawa ako dahil sa komentong iyon ni Aizan

Kaya wala nang nagawa si Luke , Binati narin niya sila Edwardo pati si Mama. Lastly si Laura. Ewan, pero may nafefeel ako sa dalawang to. Hindi ko lang alam kung ano..

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon