E P I L O G U E

3.3K 116 48
                                    

Watch the full trailer of Loving In Tandem on ABS CBN official FB Page and starcinema Youtube Channel! Padamihin ang likes at mag iwan ng magandang comments! unli watch at unli promote tayo fam! 😊😊
--

Sabi nila kapag mahal mo daw ang isang tao, Ipaglalaban mo. Ayos lang kung hindi maganda ang magiging resulta sa dulo at least nagawa mo ang best mo dahil yun ang itinakda para sa inyong dalawa.. Pero kung kayo talaga ang itinakda para sa isa't-isa magiging maayos kahit marami man ang humadlang sa inyong dalawa

Apat na buwan na ang nakakalipas mula nung magpropose sakin ulit si Edwardo sa harap ng mga taong nagmamahal saamin at importante saamin. Sobrang saya ko talaga that night dahil akala ko panaginip lang pero ayun, Totoong totoo nga.. Ikakasal na ako sa kanya

Alas otso na ng gabi. Katext ko kaninang alas singko si Edwardo kaso biglang inagaw ni Bayboree yung selpon ko dahil hindi raw nila ako maka usap ng maayos. Buti nalang, Binalik niya din ito agad

" Ate May!! Nako. Bukas na ang Birthday Mo.. Tapos bukas narin ang Kasal mo. Grabeee double celebration eh! " napalinga ako kay Ritang naka salungbaba sa tapat ni Bayboree

Andito kami ngayon sa Kahuna Resort sa La Union. Dito na namin napag desisyunang ikasal dahil dito rin ang probinsya ni Edwardo.

Sila Mama at yung mga parents nila Edwardo nasa labas padin dahil sila na daw ang mag aayos ng lahat ng hindi pa na sesettle. Ewan ko kung kasali dun si Edwardo dahil kaming mga babae ay nasa suit lang.

Hindi na daw kasi ako pwedeng makita ni Edwardo simula ngayon. Nakakainis lang kasi namimiss ko na siya..

" Ginagaling din. May laman na din ang tyan. Naunahan pa kami ni Marco.. " Reklamo din ni Bayboree kaya napangiti ako saka napahawak sa tyan ko

Yes, Im sixteen weeks pregnant.  Nung January ko lang nalaman dahil narin sa Pregnancy test. Alam narin nilang anim maliban sa parents ni Edwardo at syempre, siya. Dahil ngayon ko pa lang balak sabihin at sa iba pang mahahalagang tao para samin na meron na kaming baby boy..

At Dahil payat ako, Maliit lang din ang tyan ko kaya hindi nahahalata. Mabuti nalang talaga ganon para maayos ang pagsusurprise ko bukas.

" Maaga kaming binigyan ng blessing e. Mabibigyan din kayo niyan Baybs. Tiwala lang " Nakangiti kong saad sa kanya

" Sino kaya sunod satin no? " Tanong ni Fenech saamin kaya nagkatinginan sila nila Kisses at Rita habang kami ni Bayboree ay nakangiti lang na pinapanood sila

" Uy! Imposibleng ako no! Wala pakong boyfriend!! " Sigaw ni Rita na nagpatawa saming lahat

Lah? hindi pa ba sila ni Yong? Pero bakit parang ang lapit na nila sa isa't-isa? May hindi sinasabi tong si Rita samin eh!

" Bat ba kayo ganyan makatingin sakin? " nakataas yung isang kilay ni Rita ng maitanong niya yan dahil nakangiti kami habang nakatingin sa kanya

Napabuntong hininga naman siya ng hindi parin nagbabago yung tingin namin sa kanya hanggang sa magkwento na siya about sa kanila ni Yong.

Nanliligaw na daw sa kanya ang Pinsan ko. Ayaw pa nga niya sana kaya lang daw ang kulit ni Yong kaya naman pumayag na siya. Halos isang taon na din daw nanliligaw sa kanya si Yong

" Ganda mo ha! Isang taon tas di mo pa sinasagot. Mahal mo ba siya? baka naman pinapahirapan mo lang -- "

" Syempre! Mahal ko siya! " Putol niya kay Bayboree na nagpagulat samin

Akala ko ba ayaw niya? Tapos ngayon mahal niya? Ano ba talaga??

" Omygad. We thought you didn't want to court by him.. But you'd just said you Loved him.. Ano ba talaga? " Tanong ni Kisses

Somebody To You √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon