Chapter 1: Knowing her (EDITED)

13.5K 289 52
                                    

This chapter was edited and revised by me. Don't forget to vote and comment when you're done, thanks.


"Manang!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan. Nakaligo na ako at kailangan na lang suklayin nitong buhok ko.

"Bakit, hija?" Rinig kong tanong ni manang Rosa sakin mula sa kusina. Hindi ko ito sinagot bagkus ay nagmadali akong bumaba papuntang sa kinaroroonan niya. "Bakit ka nandito?" Tanong ko dito pabalik. Don't get me wrong ah, I don't want to be rude pero ayoko nga kasing pinagsisilbihan pa niya ako dahil mapapagod lamang siya. Marami na ngang ginagawa sa mansion tapos pati ba naman dito?

Naabutan ko naman itong naghahain kaya napatingin na lamang ako sa likuran nito. Nabaling naman ang paningin nito sakin saka bumuntong-hininga. Alam nito ang ibig kong sabihin pero kalaunan ay nginitian pa rin ako nito. "Rain, hija. Ipinagluto lang naman kita ng makakain mo." Sagot nito sa magalang na tono habang inilalagay sa taas ng mesa ang panghuling niluto nito.

Napabusangot naman ako dahil sa tinawag nito sakin. "Manang naman eh, huwag mo nga akong tawaging Rain, baka may makarinig sayo." Maktol ko sabay upo sa maliit kung sofa na nandito sa sala. Ngumiti lamang ito sakin saka hinugasan na ang mga ginamit nitong panluto.

Tahimik naman akong nagsusuklay ng buhok habang siya naman ay nagpatuloy lang sa panghuhugas ngunit maya-maya ay lang ay binasag na nito ang katahimikan. "Hija, kamusta naman ang pag-aaral mo dito?" Tanong nito dahilan para mapaisip ako. Sa dalawang taon ko na ganito ang sitwasyon, masasabi ko namang maayos lang ang aking naging karanasan kahit wala ako sa tabi ng mga magulang ko.

Ngumiti ako dito kahit hindi niya nakikita dahil nakatalikod nga ito sakin. Ipinatong ko rin sa center table ang suklay na ginamit ko bago nagsalita.

"Okay lang naman po, top one pa rin out of top 100 sa school." Sagot ko dito na para bang paulit-ulit na lamang itong nangyayari sakin.

Humarap ito sa pwesto ko at pinunasan ang kanyang kamay dahil natapos na nitong hugasan ang mga gamit. Ngumiti ito dahil sa narinig saka siya bumuntong-hininga habang nakatingin sakin.

"Mabuti naman kung ganun, hija." She replied saka kinuha na ang wallet nito sa taas ng cupboard. "Sabi nga pala ng daddy at mommy mo, mag ingat ka daw dito." Paalala pa nito saka naglakad na papuntang pintuan dala-dala ang wallet nito.

Nangunot naman kaagad ang noo ko. "Aalis na po kayo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kailangan na po eh." Sagot nito sa tanong ko at humarap sakin ng nasa pintuan na siya mismo. "Sige po, alis na po ako ma'am." Paalam nito sakin habang nakangiti pa.

Wala naman akong magawa para pigilan siya dahil alam kong marami pa siyang gagawin sa mansion kaya ngumiti na lamang ako dito pabalik.

"Sige po manang, ingat po kayo. Ikamusta mo nalang ako sa kanila." Tugon ko na lang dito sabay ngiti at kaway sa kanya.

Pagkaalis nito ay umupo na kaagad ako sa harapan ng mesa saka kinain ang mga inihandang pagkain ni manang kanina. Pagkatapos kong kumain ay naghanda na kaagad ako para pumasok sa school dahil ayokong malate sa araw na ito.

My name is Rain Miracle Sky Venice Villarama, 17 years old, black belter, marunong mag kung fu, ninjitsu, at halos lahat ng sports alam, as in lahat.

Marunong kumanta at tumugtog ng kahit na anong uri ng instruments. Writer din ako, photographer, marunong sumayaw at meron akong photographic memory.

Anak ako ng pinakamayaman sa buong mundo. Siguro sa tingin niyo ay almost perfect ako pero hindi dahil sa kabila ng kayamanan ng pamilya ko ay mas gusto ko pang mamuhay ng walang karangyaan, kung pwede nga lang eh.

Anak ako nina Samantha Alexa Villarama at Justine Gabriel Villarama. Kahit mayaman kami ay hiningi ko ang aking kalayaan na gawin ang gusto ko, ang mamuhay ng walang karangyaan at makilala ng iba na isang hamak na scholar lamang.

Binago ko rin ang aking pangalan, ginawa ko itong Gabby Fernandez instead of using my real name. Naging top one ako sa aming school at itinago ko ang lahat ng tungkol sakin maliban na lamang sa kasarian ko.

Well, isa lang naman po akong babae na nagkakagusto rin sa kapwa ko babae. Enough of that, kakarating ko pa lang ngayon sa school at habang papasok ako ay may humarang kaagad sa dinaraanan ko, pagtingin ko dito ay ang salutatorian lang pala namin.

Masasabi ko namang napakakilala niya dito sa eskwelahan dahil bukod sa maganda na, part-time model pa. She's Arianna Reyes by the way.

"Look who's here." Taas-kilay na bungad nito sakin.

Napaismid na lamang ako dahil sa approach. "Ano ba kailangan mo?" Tanong ko naman sa kanya.

Mas tumaas pa ang kilay nito at kaagad akong sinamaan ng tingin. "Pakialam mo ba kong nilapitan kita? Bakit? Wala na ba akong karapatan o baka naman may bago ka na nung wala ako dito?" Tanong niya sakin saka napalitan ng pagiging malungkot ang ekspresyon nito.

Tiningnan ko naman ito na parang hindi makapaniwala. "Huwag mo nga akong sumbatan kasi baka ikaw ang may bago diyan." Tugon ko naman dito.

Medyo naguilty naman yata siya dahil sa narinig. "Galit ka ba, babe? Wala naman akong iba bukod sayo." Sabi niya sabay pout, ang cute talaga ng babaeng 'to.

Napangiti ako dahil sa inasta nito. "Babe naman, isang week lang tayong hindi nagkita eh. I miss you." Saad nito sabay yakap pa sakin. Niyakap ko naman ito ng mahigpit pabalik. Yeah, I miss this girl too.

"Akala mo ba madadaan mo ako sa payakap-yakap mo lang, babe?" Tanong ko sa malamig na tono. Syempre, gusto kong lambingin niya ako kaya pakipot mode muna ako ngayon.

"Alam ko babe, kaya nga ako babawi eh." Tugon niya naman sa mababang tono. Sorry babe, kailangan ko lang talaga ng lambing ngayon.

"Paano mo naman gagawin yun?" Tanong ko sa masungit na tono. Imbis na mainis ay ngumiti pa ito sakin at inabot ang isang box sakin, nagtataka man ay tinanggap ko na lamang ito sa kanya.

"Alam mo ba kong anong araw ngayon, babe?" Tanong niya sakin sabay ngiti pa ng napakalapad.

My brow furrowed. "Bakit? Ano ba ngayon?" Inosenteng tanong ko dito dahilan para mawala ang ngiting nakaukit sa mga mapupulang labi niya.

"Babe, bakit mo kinalimutan?" Tanong nito kasabay ng pagpadyak nito na parang bata. Napangiti naman kaagad ako.

"Ito naman, syempre di ko kinalimutan. Special day kaya natin 'to." Natatawang ani ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Happy anniversary mahal ko. I love you so much po." Bati ko naman dito na kaagad niya rin namang sinuklian ng isang matamis na ngiti.

"Ang daya mo, akala ko kinalimutan mo na." Naiinis na saad nito na tinawanan ko na lamang.

"Halika ka na sa room natin baka malate tayo babe, mamaya na yang emote mo." Natatawang saway ko dito dahilan para mapangiti siya bigla. "We will have a date later, okay? I love you." Dagdag ko pa habang nakangiti dito.

"Okay baby." Tugon nito saka ngumuso pa. "Tsk, ikaw kasi eh. Pasalamat ka mahal kita." Sagot nito at roll her eyes playfully. I laughed again saka kami naglakad papasok sa room ng sabay. Pagdating namin dito ay sumunod naman kaagad ang professor namin. Nag lecture lang siya habang ako naman ay nakikinig lang. Pagkatapos ng klase ay kaagad akong napatingin sa aking katabi.

"Babe, halika na. Date na tayo." Pag-aaya nito or should I say, pangungulit pala. Natawa na lamang ako dahil sa tinuran nito. Di naman siya excited, ano?

Bumuntong-hininga na lamang ako at napangiti. "Sige babe." Tugon ko. Pagbibigyan ko na nga lang siya dahil ilang araw rin naman kaming hindi nagkita saka anniversary naman namin ngayon kaya kailangan talaga naming mag celebrate.

What a lovely day to start.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon