KYLER:
Nandito ako ngayon sa isang Italian restaurant kasama sina mom. Kailangan daw kasi nilang makipagkita sa kaibigan nila. Tsk, kung gusto lang pala nilang makipag chismisan. Bakit pa ako nandito?
Marami na nga akong pinoproblema on my own. Tapos dadagdag pa to? Kainis!
"Pare?" Tawag nang isang panlalaking boses. Hindi na ako nag atubiling tumingin sa likuran dahil busy ako kakatingin sa phone ko.
Tinawagan ko kasi kanina si Sky at halatang galit ito. May nagawa na naman ba akong kasalanan? Parang wala naman ah? Siya nga tong pinagtatabuyan ako eh.
"Anak?" Tawag pansin sakin ni dad kaya nabaling ang tingin ko sa mga tao na nasa aking harapan. "Meet your tito Justine and her wife Samantha." Nakangiting dagdag pa nito.
"Hello po tita, tito." Bati ko sa kanila sabay tayo at shake hands kay tito at halik naman sa pisngi ni tita as a sign of my respect to them.
"Hello din hijo, last time we saw you is when you are only 10 years old." Nakangiting saad ni tito sakin.
Naguguluhang tumingin naman ako sa kanila. "I'm sorry tito pero hindi ko po kayo maalala eh." Hinging paumanhin ko nalang sa kanila. Tama naman kasi, hindi ko naman talaga sila naaalala.
Natawa naman silang dalawa dahil sa sinabi ko.
"Maybe hijo, dahil hindi naman kami namamalagi dito sa pilipinas. We have so many businesses around the globe, that's why." Nakangiting saad naman ni tita sakin.
"Baka nga siguro." Nag-aalangan kong tugon dito. Inaya ko nalang silang dalawa na maupo na kaagad naman nilang pinaunlakan. Ngumiti silang dalawa at sabay na naupo kasama namin.
"So, pare. Where's your daughter, Rain?" Nakangiting tanong ni dad pagkaupong-pagkaupo nang dalawa. Sandali, Rain? Ibig sabihin siya ang mapapangasawa ko? No way!
Magsasalita sana ako nang magsalita si tito habang nakatingin sa aking likuran. "Andiyan na pala siya pare eh."
Hindi pa rin ako tumitingin sa likod ko dahil sigurado akong magiging miserable ang lahat kapag siya ang napangasawa ko.
Pero laking gulat ko nang hindi si Rain na inaakala ko ang aking makikita ngayon kundi ang taong kanina ko pa iniisip.
"Sky?" Gulat na sambit ko.
"Kyler?" Naguguluhang saad niya. Bakit siya nandito? Siya ba ang sinasabi ni tito na Rain?
Ito ba ang dahilan kung bakit wala siyang maayos na info sa university? Ngayon alam ko na at talagang nakakagulat.
"Anon--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita bigla si tita Sam.
"Mabuti naman at nandito ka na Rain."
Bumaling ang tingin niya sa mga ito. "Yeah." Bagot na tugon niya kay tita. Sandali, magkaaway ba sila?
Naupo ito sa katapat kung upuan at sandaling nagkatinginan pa kami bago ito nag-iwas nang tingin.
"Para saan ang dinner na to?" Bored na tanong nito habang nakatingin kina tita.
"Ito na yung araw na sinasabi namin nang mom mo na makikilala mo ang iyong mapapangasawa, Rain." Sagot ni tito.
Tumingin ito sakin nang walang emosyon habang halata sa mukha nito na wala itong pakialam.
"Ayoko." Sambit niya. Bakit ba ayaw na ayaw niyang magpakasal sakin? May nagawa ba akong kasalanan?
"Bakit naman ayaw mo sa anak ko, hija?" Takang tanong ni mom.
"Dahil hindi kami pwede." Sagot niya. Para namang tinusok nang milyon-milyong karayom ang puso ko dahil sa narinig.
BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Teen FictionPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...