Chapter 8: Confusing Chemistry (EDITED)

5.9K 160 24
                                    

I hope you like this chapter. Please vote po. Thanks!

KYLER'S POV:

Wala ng klase ngayon dahil may meeting bigla ang mga teachers. Kaagad kaming pumunta ng Canteen dahil dito. Ewan ko ba at sumama ako sa mga ito, tinatamad pa naman ako ngayon. Pagdating namin dito sa ay kaagad bumungad samin ang maingay na lugar at kaagad na natuon samin ang lahat ng atensyon. Lahat ay may kanya-kanyang paghanga sa kanilang mga mata at ang iba ay napapatili pa. Kaagad naman akong nainis sa mga ito kaya sinamaan ko silang lahat ng tingin dahilan para manahimik ang mga ito. Tahimik naman kaming umupo sa isang mesa hanggang sa napagdesisyonan na lamang nina Justine at James na bumili ng pagkain para saming lahat. 

"Guys, may project daw tayo sa Music." Biglang sambit nito dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.

"Sino naman nagsabi sayo niyan?" Tanong naman ni Justine dito habang ngumunguya ng pagkain nito.

"Narinig ko lang kanina na pinag-uusapan ng mga teachers." Sagot ni Zhaira dito. Napatango-tango na lamang ang iba naming mga kaibigan habang ako ay nakikinig lang.

Justine Snorted. "Kahit kailan talaga, tsismosa ka." Pangungutya pa nito sa kausap.

Hinarap naman ito ni Zhaira at tinaasan ng kilay. "Aba't hoy! Hindi kaya ako tsismosa, palibhasa tarantado ka lang talaga at hindi ka marunong magpasalamat sa mga impormasyong nalaman ko." Sigaw nito at ayon na nag-away na naman sila. Parang mga bata na naman, tsk.

Napahagikgik naman si Jaylen at Gail dahil dito. Nagkatinginan pa sila at napangisi dahil sa nakikita. They must be really enjoying this scene. Nagiging entertainment na din kami dito dahil sa ingay na ginagawa nila. Bakit ko nga ba sila naging kaibigan?

"Baka magkatuluyan kayo niyan,  ayieee!" Tukso pa ni Jaylen sa mga ito dahilan para sabay silang tumingin ng masama sa dalawang babaeng may mapanuksong ngiti.

"Siya?" Tanong ni Zhaira at itinuro ang kabangayan nito. "I rather die than to be with him." Dagdag niya.

"Mas lalo naman ako nuh. Hindi ikaw ang tipo ko, ayoko nang pangit katulad mo." Tugon naman ni Justine dito.

"Aba! Ikaw nga akala mo kung sinong gwapo, mukha namang chonggo!" Lait naman ni Zhaira dito.

Napapailing nalang ako sa kanila. Kailan ba titigil ang mga to? Ang iingay eh.

"Tama na nga yan, malalate na tayo oh." Saway naman sa kanila ni nerd. Oo, naging close na rin naman siya sa grupo eh. Mabait naman siya at madaling pakisamahan, pero wala naman akong hatred sa kanya kaya okay lang kung maging kaibigan namin siya.

Tumigil naman ang dalawa pero hindi pa rin nawala ang masasamang tinginan nila. "Pasok na tayo." Sabi nang isang cold na boses sa likod ko. Kahit na di ko tingnan alam kong si Sky lang rin naman yun.

Tumayo na lamang kami isa-isa sa aming mga inupuan at naglakad na palabas ng canteen. Pumasok kami sa room namin at nandun na kaagad ang aming professor. Tsk, mukhang na late pa kami ng konti. No choice, pumasok pa rin kami at umupo sa kanya-kanya naming seats.

"Guys, I will arrange your seats and you can't do anything about it dahil ako ang magdedesisyon kung sino ang magiging seatmates niyo." Sabi ni prof in an authority tone.

Tsk. Wala naman akong pakialam doon eh. Kahit sino naman ang makatabi ko basta hindi maingay, okay na rin.

Pero akala ko okay lang ang lahat para sakin dahil guess what? Sino ang seatmate ko?

Sa unang row ay magkasama sina Zhaira at Justine saka ilan sa mga classmates namin, magkaaway pa naman ang dalawang yan kaya good luck sa kanila. Sa pangalawang row naman si Jaylen kasama ang iba pa naming classmates rin. Sa pangatlong row ay magkasama sina Gail at James with some of our classmates again.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon