Chapter 50: The Revelations (Part 2)

3.8K 92 22
                                    

Hindi ko alam kung okay ito, but here's the update for all of you. Kung may typo pa ako diyan. Pagpasensyahan niyo na po. Thank you!

RAIN/BRYNEL'S POV:

"Kamusta na kayo?" Mahinahong tanong ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman sila habang ang hawak na anak ni Claire ay tahimik lang na nakaupo sa kandungan nito.

Unang tumingin sakin ay si Claire at ngumiti ng alanganin. "O-okay naman kami." Maikling sagot nito sakin.

Napangiti ako. "Mabuti naman." Tugon ko at tumingin sa anak nito. "Hi Darling!" Bati ko sa batang babae na nasa kanyang kandungan.

"Hello po." Nahihiyang tugon nito sakin. Napangiti naman ako at napatingin kay Arnold. Wala sakin ang atensyon nito kundi nasa bata lamang, he was looking intently to that child, his child.

Love, care, longing and sadness are visible in his eyes right now. Hinawakan ko ang kamay nito kaya kaagad na nabaling sakin ang kanyang atensyon. I smiled at him saying that it was alright and worth it. Alam kong gustong-gusto na nitong yakapin ang kanyang anak kaya naman ibibigay ko yun sa kanya.

Ibinalik ko ang aking paningin sa kanilang dalawa ni Kyler. Kakaiba ang tinging ibinibigay nito sakin, hindi ko mawari kung ano ang ipinahihiwatig nito.

"Claire? May gusto ka bang sabihin sakin?" Tanong ko habang nakangiti dito. Nag-alangan naman itong tumingin pero tumango pa rin.

"Gusto ko lang sabihin na, sorry sa lahat ng mga ginawa ko sayo. Sorry kasi naging makasarili ako, mahal ko pa noon si Kyler at kaya ko lang naman siya iniwan dahil kailangan kong pumunta sa states." Saad nito at tumingin ng konti kay Arnold bago ibinalik sakin ang tingin. "Doon ko nakilala si Arnold, he was a good guy back then. Naging close kami at umabot sa point na niligawan niya ako, aaminin kong nahulog nga ako sa kanya at naging kami ng hindi katagalan hanggang sa pinutol ko na ang namamagitan saming dalawa dahil kaikangan ko ng bumalik dito sa pilipinas." Humawak ito sa kamay ng kanyang anak at nagpatuloy.

"Nang bumalik ako dito ay hindi ko rin inaasahang babalik ang pagtingin ko kay Kyler noon kaya naman ay ginawa ko ang lahat para lang makuha ang atensyon at pagmamahal na ibinibigay niya sayo. Pakiramdam ko kasi para sakin dapat yun eh, kung wala ka lang sana." Malungkot itong yumuko at halatang humihikbi na.

"Hindi ko lubos maisip na susundan ako ni Arnold dito sa pilipinas. Nagkita kami at sinabihan niya akong balikan siya, naging confused ako that time kasi nga nahulog ako sa kanya at bumalik naman ang pagmamahal ko kay Kyler. Alam kong mali pero dahil sa matinding nararamdaman kong pagkamiss sa kanya ay sumama ako dito sa isang hotel kung saan siya tumutuloy ng yayain niya mismo ako. Uminom kami at nagpakalasing hanggang sa may mangyari nga saming dalawa." Pinunasan nito ang luha gamit ang kaliwa nitong kamay.

"Nagising ako nung umagang yun na hubo't-hubad, dahil sa pagkataranta ay madali akong nagbihis ng aking mga damit at isinuot ito saka umalis habang tulog pa siya. Kailanman ay hindi na ako nagpakita noon sa kanya dahil sa nangyari. Hindi ko naman kasi alam na hahantong ito sa punto na mabubuntis ako kaya naman ay itinuloy ko pa rin ang balak kong kunin mula sayo ang asawa mo." Nabaling ang tingin dito ni Kyler saka hinimas ito sa likod para pakalmahin. Naawa ako kay Claire at the same time ay naiinis dahil sa pagiging tanga nito. Alam naman pala niyang mali tapos nagpatuloy pa siya. Tsk, pero past na yun at nakita ko namang nagbago na siya dahil sa kanyang anak.

"Ipinaaku ko kay Kyler ang bata kahit wala naman talagang nangyari samin. Ginamit ko nalang ang pagkakataong yun para may gamitin akong pang blackmail sa kanya. Kahit ganun na ang nangyari ay ikaw pa rin ang kanyang bukambibig, Brynel. Mahal ka talaga niya eh." Tumingin na naman ito ngayon sakin at kitang-kita ko ang pagtulo ng madaming butil ng luha mula sa mga mata nito. "Maswerte ka at ikaw ang minahal niya." Ngumiti ito sakin, a genuine one pero bakas pa rin sa gilid ng mga mata nito ang mga luha na dulot ng kanyang pag-iyak.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon