Paano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka?
Tung...
Hay naku, mahirap mang tanggapin at gawin pero wala akong choice. Ngayong gabi na talaga ang bwesit na pageant na yan.
Kung pwede lang mag back out, kanina ko pa ginawa pero hindi nga kasi pwede. Magagalit sakin sina mommy, langya naman oh!
Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa matinding frustration. "Hoy Sky! Ano ba naman yang ginagawa mo?" Iritableng tanong ni Gail na kakadating lang.
"Nasaan ang mag-aayos sakin?" Walang ganang tanong ko dito. Hinarap naman niya ako.
"Parating na siya. Hay naku, Ano ka ba naman Sky?, masisira ang mukha mo niyan eh!" Singhal niya sakin. Napa roll eyes nalang ako.
"Oh my gosh ma'am!!! Sorry kung natagalan po ako!" Tili nang isang bakla. Pagtingin ko sa pinto ay literal na tumaas ang kilay ko. Bakla ba talaga yan?
Parang lalaki pa nga kina Justine eh. Ang laki kasi nang katawan. Langya naman! Oh well, I don't care.
"Ikaw yung mag aayos sakin?" Walang ganang tanong ko sa kanya. Napangiti lang naman siya.
"Yes ma'am aketch ang mag- aayos sayo." Sabi niya sabay labas nang make up set niya.
Tumango nalang ako. Nilagyan na niya ako nang make up.
"Ma'am wag po kayong bumusangot diyan, just smile." Advice sakin nang baklitang to. Pagkatapos nang make up ay inayos na rin niya ang buhok ko.
After 10 minutes ay natapos na rin lahat. "Tingin ka sa Mirror ma'am." Sabi niya. Nang tumingin ako sa salamin ay napangisi ako.
"Ang ganda mo insan!" Biglang tili naman ni Gail. Napaismid nalang ako.
"I know I'm fab!" Sabi ko sabay flip hair. Natawa nalang siya saka umupo sa couch.
Tumayo na ako saka nagpunta sa CR para magbihis. Hindi naman hassle kaso lang, so girly. Tsk!
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na kaagad ako at natawa sa reaksiyon nilang dalawa.
"Wahhhhhh!!! Ang ganda insan!" Tili ni Gail. Napa roll eyes nalang ako.
"Tumpak ka diyan ateng. Oh ha!" Saad naman ni Bakla. Nag apir pa silang dalawa. Mga baliw! Napailing nalang ako at tiningnan ulit ang repleksiyon ko sa salamin. Napangiti ako.
Here's my Hair do and my Dress for the Fantasy or Mythical attire:
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nabalik lang ako sa reyalidad nung may kumatok sa pinto. Kinausap ni Gail ang kumatok at maya-maya ay umalis rin naman ito.
"Guys! Magsisimula na." Sabi ni Gail. Tiningnan niya ako at nginitian.
Lumabas na ako sa dressing room at nagpunta sa backstage. Habang papasok ako, hinarangan ako ni epal. Alam niyo naman siguro kung sino yun diba?
Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Bakit naman hindi diba? Natalo ko lang naman siya sa lahat nang sports na sinalihan naming dalawa. So desperate bitch!