RAIN/GABBY'S POV:
Mahimbing ang pagkakatulog ko ng biglang may baliw na sumigaw dahilan para maalimpungatan ako. Takte talaga!
"Wah! Sunoggggg!" Sigaw nito ulit. Napatakip naman ako bigla sa aking tenga dahil parang sasabog na yata sa lapit ng pagsigaw nito.
Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga tapos tinapunan siya ng unan, ayun sapol sa mukha. "Letse! Buminta na yan, Ken!" Naiinis kong asik dito. Tsk, istorbo na naman 'tong baliw na 'to.
Nagpeace naman sign naman siya sakin habang hawak-hawak ang unan na itinapon ko sa mukha niya.
"Sorry naman, princess. Eh, tulog mantika ka kasi." Nakangiwing tugon pa nito saka napalitan ng malaking ngiti ang expression ng mukha niya. Baliw nga, di ba?
Napangiti naman kaagad ito pagkatapos. "I miss you so much!" Tili nito kasabay ng pagyakap niya sakin habang ako naman ay napapaikot na lamang ng mata.
"Pwede ba, Kendra? Tumahimik ka nga. Hindi ako bingi for pete's sake." Untag ko dito at inalis siya mula sa pagkakayakap nito sakin saka umalis na sa harapan nito. Tumayo naman ako hindi kalayuan sa kanya habang nakaharap pa rin dito.
Naupo naman ito sa dulo ng kama ko saka alanganing tumingin sakin. "Princess?" Tawag nito kaya tinaasan ko ito ng kilay. "Kasi ano, kamusta na kayo ng girlfriend mo?" Alinlangang tanong nito sakin.
Matagal naman akong natigilan pagkarinig ko nun. So, nalaman na rin pala niya. Napayuko na lamang ako but I still manage to utter some words.
"Ito, iniwan ko siya kahit masakit para sakin. Ginawa ko to para hindi siya saktan nina Daddy, para hindi siya maipit sa gulo namin." Sagot ko sa malungkot na tono. Ramdam ko naman kaagad ang paglapit nito sakin at pagyakap sa bewang ko.
"Okay lang yan, princess. Maging matatag ka lang dahil nandito lang ako para sayo." Saad nito sa malambing na tono kasabay ng kalas niya mula sa yakap.
Ngumiti ako ng konti. "Salamat talaga, Ken." Pagpapasalamat ko dito hanggang sa may naalala ako.
Napakunot ako ng noo. "Why are you here, anyway? Paano ka nakapasok?" Nagtatakang tanong ko dito. "Lumabas ka nga!" Utos ko sa kanya. Halos magkasabay lang naman kaming dumating dito sa bahay kahapon pero dahil sa pagod ayun nakatulog. Kaya ngayong umaga ako binubulabog ng baliw na 'to. Tsk, kainis!
Ngumuso ito. "Eh, princess naman eh. By the way, maligo kana papasok pa tayo oh." Sabi nya sakin. Ew, mukha siyang bebe.
Napaikot na lamang ako ng mata. "Fine, labas." Sabi ko na lang sa mababang tono.
"Sige na nga." Nakabusagot na tugon nito at lumabas na. Bumuntong-hininga na lamang ako at pumasok na sa banyo para maligo.
KENDRA'S POV:
Pagkalabas ko galing sa kwarto ni Rain ay kaagad akong bumaba papuntang kusina para kumain.
Si Rain, ganyan talaga yan minsan. Kabaliktaran naman niya ang kanyang kakambal na si Ryndrei Markhin Sej Vaylle Villarama. Ibang-iba si Ryn kesa kay Rain, napakasweet kasi nito, maginoo rin at mahaba ang pasensya pagdating sa kakambal niyang pinaglihi sa sama ng loob.
"Kendra, tapos ka na ba?" Tanong ng isang boses dahilan para magulat ako. Napatingin naman ako sa aking likuran at nakita ang nakabusangot na mukha ni Rain. Naku naman oh, nakababa na pala 'to?
Napangiwi naman ako. "Ano ka ba naman, Rain. Nangugulat ka na naman eh." Saway ko dito dahilan para ikotan niya lamang ako ng mata na hindi ko na lamang pinansin. "By the way tito and tita left already at umuwi na sa isa niyo pang mansion." Nakangusong pahayag ko dito. Hindi naman ito sumagot bagkus ay hinanap na lamang ang butler niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/103669221-288-k349496.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Teen FictionPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...