Chapter 37: Trip to Villarama Resort

3.7K 113 19
                                    

Helloooooooo!!! Kaway-Kaway! Happy Sembreak! Sorry kasi ngayon nalang ulit nakapag update. Busy kaso ako mga besh at ito lang ang nakayanan nang utak ko. Hope you will love it. Please vote guyssssss!

RAIN'S POV:

Nagmamadali ako sa pag-iimpake nang sumigaw bigla sa baba si Kyler.

"Hon! Kanina kapa diyan. Male-late na tayo sa travel eh!" Mahina akong natawa dahil halata na talaga ang inis sa boses niya. Umiling-iling nalang ako saka kinuha ang bag ko at isinukbit ito sa kaliwang braso ko saka lumabas na nang kwarto namin.

Pagkababa ko ay sinalubong ako nang isang nakakunot-noong lalaki na hindi na maipinta ang mukha dahil sa pagkainis. Lumapit ako dito saka ito hinalikan sa labi.

"Wag ka ngang gumanyan hon. Para kang pinanganak sa sama nang loob eh." Natatawang saad ko pa sa kanya.

"Hindi na talaga nakakatawa hon. Male-late na talaga tayo. Halika na bago pa tayo mabulyawan nang mga kaibigan natin." Tugon naman nito habang nakakunot-noo na dahil sakin. Hinila ako nito palabas at pinasakay sa kanyang kotse.

Hinawakan ako nito sa kamay saka ito seryoso lang na nag drive papuntang eskwelahan. Pagdating namin ay sinalubong kaagad kami nang mga kaibigan naming napapabuntong-hininga nalang. Para silang nabunutan nang tinik nung nakita kami. Una siyang lumabas nang kotse saka ako pinagbuksan at inalalayan palabas.

Pagkalabas ay lumapit kaagad sakin ang kapatid ko saka ako hinalikan sa noo at niyakap. Nakipag beso na rin sakin si Kendra saka sina Kassy, Zhaira at Jaylen.

"Kanina pa namin kayo hinihintay. Ba't ba ang tagal niyo?" Nakakunot-noong tanong ni Ryn. Sasagot na sana ako nang unahan ako ni Kyler.

"Tanungin mo yang kakambal mo Ryn." Sagot naman nito sa naiinis na tono habang bitbit na ngayon ang mga bagahe namin. Natawa nalang ako sa kanila.

"Ang bagal na naman ba Kyler?" Natatawang tanong naman ni Kendra. Nawala ang ngiti ko at napalitan ito nang nakabusangot na ekspresyon. Hampasin ko kaya nang sapatos to? Tsk.

"Ano pa nga ba?" Sarkastikong tanong nito. Tsk, inirapan ko lang ang mga ito hanggang sa tinawag na kami nang aming professor para pumasok sa loob nang bus.

Pagkapasok ay kaagad na pumunta kami sa gitnang bahagi ni Kyler saka niya inilagay ang mga bag namin sa gilid at umupo. Pagtingin ko sa unahan ay lahat pala sila nakatingin samin, may naiinis, nagagalit, walang pakialam at may nagbubulungan pa. Tsk, umiwas nalang ako, ano bang mapapala ko kong titingin ako sa kanila?

"Gusto mo bang matulog muna? Mahaba pa naman ang byahe." Tanong nito.

"Mamaya na." Tanging nasagot ko nalang. Maya-maya ay pumasok bigla ang naka shades, black shorts at white crop top na si Claire. Wew, what a nice view and when I say shorts, literally na maikling-maikli.

Napapaikot nalang ako nang mata. Akala niya naman ikinaganda niya yan but knowing her, syempre lahat nang mata at paghanga ay nakatutok lahat sa kanya. Magpapalagay na ba ako nang spotlight para e career niya na? Tsk.

"Hey babe! Pwede ba tabi nalang tayo?" Nang aakit na tanong nito kay Kyler. Bulag ba siya at hindi niya makitang ako ang kasama nang asawa ko o sadyang tanga lang siya para ipagsiksikan ang sarili niya sa taong ayaw sa kanya?

"I'm sorry Claire pero mas gusto kong kasama ang girlfriend ko kesa sayo." Seryosong sagot ni Kyler. Everyone inside of this bus gasp in surprise. Of course they don't know anything about me and Kyler.

Nagkaroon kaagad nang bulong-bulungan sa paligid dahil sa kanilang narinig.

"So, you're saying that this cheap girl is your girlfriend?" Naiinis na tanong ni Claire sa asawa ko. But wait, what did she called me?

"Control your mouth bitch dahil hindi ako magdadalawang isip na saktan ka kapag pinagsabihan mo pa nang masama si Sky." Biglang sabi naman ni Ryn sa malamig na tono saka lumapit samin ni Kyler.

Tinaasan ito ni Claire nang kilay saka nginisihan.

"Sayang, gwapo ka pa naman sana Sej pero ginugugol mo lang ang oras mo sa walang kwentang babaeng to." Sabi nito habang nakatingin sakin mula paa hanggang ulo.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya pero sa totoo lang gustong-gusto ko na talaga siyang sapakin.

Tumayo ako sa pagkakaupo at tinapatan siya nang tayo. Mataas ako sa kanya kaya medyo tumingala pa siya nang konti.

Ngumisi ako saka bumulong sa tenga nito.

"Claire Johnson, 17 years old. Only child and your family is one of the most richest family all over the world. You have an ex-boyfriend in the state and you broke up with him when you flew back here in the Philippines." Sabi ko sa malamig na tinig dahilan para lumunok siya nang laway at tumingala na naman sakin. "You want me to say something more and serious about you?" Dagdag na tanong ko pa.

"S-shut up bitch! Hindi pa tayo tapos." Naiinis na saad na naman nito.

"Don't ever call Sky like that!" Galit na sigaw ni Kyler kay Claire.

Tiningnan niya nang masama si Kyler saka nginisihan. "Sa akin ka noon, sa akin ka rin ulit babagsak Kyler. Pangako yan!" Sigaw rin nito pabalik saka lumabas na nang bus. Siguro sa pangalawang bus nalang yun sasakay.

Napailing nalang ako at tumingin sa mga kasama ko dito sa loob. Lahat sila nakatingin sakin at ang iba ay nagbubulungan na naman. Sarap sakin eh!

"Go back to your seats, please." Malamig na utos ko dahilan para umayos silang lahat nang upo at umiwas nang tingin sakin.

Nilapitan ako ni Ryn saka tiningnan nang nag-aalala.

"Are you okay?" Tanong nito sabay himas sa pisngi ko.

"I'm fine Ryn. Uupo na ako." Sabi ko nalang sabay pilit na ngiti. Tumango lang siya at inalalayan akong umupo sa tabi ni Kyler.

"Hon? Wag mo nalang siyang isipin. Hayaan mo na si Claire. Wala naman siyang mapapala eh." Sabi sakin ni Kyler nang makaupo na ako.

Hinawakan niya ako sa kamay saka ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. He even kissed me on the forehead.

Maya-maya ay dinalaw na rin ako nang antok kaya natulog muna ako. Mga 3 hours siguro ang lumipas nang magising ako. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko para maka adjust sa sinag nang araw.

Bumungad sakin ang nakangiting mukha nang asawa ko. Hinalikan ako nito sa labi, it was just a quick kiss pero ramdam ko parin ang pagmamahal mula doon.

"Halika na, our friends are waiting us outside." Sabi nito saka tumayo na at kinuha ang mga bag namin.

"Nangalay ka ba hon? Sorry ah." Nage-guilty na tanong ko. Kasi naman nakita kong parang minamasahi niya yung braso niya eh, 3 hours pa naman akong nakapatong sa balikat niya.

"It's okay hon. No need to worry about it." Sagot nito saka binitbit na ang dalawang bag namin. "Let's go?" Nakangiting aya nito. Tumango nalang ako sa nauna nang lumabas nang bus.

"Ah, finally!" Parang nabunutan nang tinik na sabi ni James.

"Oh, bakit na naman?" Tanong ko dahil sa reaksyon nito.

"Kanina pa kaya kami naghihintay sayo Rain." Mahinang sagot naman nang nakabusangot na si Kassy.

"Halina nga kayo, pagod na ako eh." Tugon ko nalang saka lumapit kay Kyler.

Natawa lang ako nang mahina sa mga reaksyon nila saka kami sabay-sabay na pumasok.

This travel was a long day and many things will happen. I hope, no complications at all especially when Claire is involved because I will not going to tolerate that shit!

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon