ARRIANA'S POV:
Dito kami tumambay ni Gabby sa park dahil natapos na kaming mag arcade, shopping at kumain ng ice cream. Ang saya nga eh, dahil magkasama na naman kami. Niyaya niya kasi akong makipag date kanina. Pumayag naman agad ako kasi baka maging busy rin ako this week. Tahimik kaming nakaupo sa isang bench ng basagin niya bigla iyon ng isang weird na tanong.
"Babe, kung sakaling mawala ako sayo. Anong gagawin mo?" Tanong nito. Hinarap ko ito ng nakakunot ang noo. Imbis na sagutin ang tanong niya ay ginawaran ko na lang siya ng isa pang tanong. "Bakit? May balak ka bang iwan ako?" Humarap naman siya sakin saka ngumiti ng pilit.
"Wala naman." Simpleng tanong nito pero may nahihimigan akong kakaiba sa tono ng pananalita niya. "Ngunit kong may magawa man akong kasalanan, sana maintindihan mo. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita at hindi ako gagawa ng isang bagay na alam kong hindi makabubuti para sayo." Mahinahong sagot nito sakin ngunit bakas ang kaseryosohan dito.
Naramdaman ko naman kaagad ang paglakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, parang may itinatago siya at parang hindi ko rin gusto ang tunog ng usapang ito.
"May problema ba, Gab?" Tanong ko ulit dito. Nag-aalala na kasi ako, at the same time ay kinakabahan sa pwedeng mangyari.
Ilang minuto siyang natahimik bago makapagsalita ulit. "Wala, huwag mo ng isipin yun." Tugon lang naman nito sakin saka ako hinawakan sa kamay. "Gusto mo ba magsleep over ako sa inyo?" Tanong na lamang nito sakin.
Ngumiti ako ng konti sa kanya para medyo maibsan ang pag-aalalang nararamdaman ko. "Sige babe." Tanging natugon ko sa sinabi nito dahil binabagabag talaga ako ng mga tinatanong at mga sinasabi niya kanina.
Napabuntong-hininga ako. Hihintayin ko na lang siguro na siya mismo ang magsabi sakin kung meron man. Kung dumating man ang araw na iwan niya ako. Di ko na alam, siguradong masasaktan ako ng husto. Subalit, kung yun nga ang mangyari sana naman ay may mabuti siyang rason doon. Bago dumiretso sa bahay ay pumunta muna kami sa apartment niya at kumuha ng mga damit kasi doon siya matutulog sa amin.
"Uwi na tayo, babe." Nakangiting aya ko dito. Ngumiti naman ito ng konti at napansin kong hindi ito abot sa kanyang mata. Nalungkot naman ako sa isiping may bumabagabag sa kanya pero ayaw niyang sabihin sa akin.
Sumakay na lamang kami ng Jeep saka nagpahatid sa bahay. "Magandang gabi po tito, tita, kuya!" Bati ni Gab habang nakangiti sa mga ito ng dumating kami sa tapat ng pinto. Kita kong sincere naman ang pagkakangiti nito ngunit parang may kulang, ewan ko ba.
Nabaling naman ang atensyon nina mama samin saka kami nginitian. "Magandang gabi, hija. Kumain na ba kayong dalawa? May pagkain doon sa mesa." Ani mommy.
"Busog pa po kami, mom." Tugon ko dito. Andami naman kasi naming kinain kanina habang namamasyal. "By the way, dito po matutulog si, Gab ah?" Paalam ko naman sa mga ito.
Ngumiti si dad samin. "Sige mga hija, magpahinga na kayo sa taas." Saad ni Dad na prenteng nakaupo sa sofa habang nakayakap kay mommy.
Sabay naman kaming nagkatinginan ni Gab at napangiti na lang sa mga ito. "Sige po, salamat." Wika ni Gab saka kami nagpaalam at sabay na napahawak sa kamay ng isa't isa. Hinila naman niya ako ng mahina papunta sa taas.
"Pupunta muna ako sa banyo ah. Kailangan ko kasing magshower." Paalam ko dito.
"Sige, hihintayin na lamang kita dito." Malumay na tugon nito saka ako naglakad papasok ng banyo at iniwan muna siya sa labas.
GABBY'S POV:
Pumasok na sa banyo si Yana at naiwan naman akong namomroblema dito sa kama niya. Ayaw na ayaw ko talaga sana siyang iwan kaso kailangan eh. Ayokong maging selfish sa kanya at hayaan siyang maipit sa pagtatalo namin nina mom and dad. Ayoko ring masira ang buhay niya dahil doon. I checked my phone, baka kasi may text na si mommy. Pagkabukas ko ay kaagad bumungad sakin ang dalawang mensahe sa loob ng inbox ko.

BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Teen FictionPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...