Chapter 49: The Revelations (Part 1)

3.8K 93 139
                                    

Hindi ko alam kong ano ang sumanib sakin at nagawa ko kaagad itong chapter na ito. Kayo na po humusga. Salamat po!

RAIN'S POV:

Tumingin ako sa kanila ng seryoso at napabuntong-hininga na lang. Alam ko na mismo na ganito ang mangyayari. Nakaka-pressure pa rin pala pero kailangan ko itong harapin ngayon. Nandito na ako, alam kong magagawa ko ito.

"Alam kong marami kayong katanungan sakin. Kaya para masagot lahat ng yan. I will tell you a story and you must listen to it. Pagkatapos ay pwede na kayong magtanong." Sabi ko at tumingin kay Bryne sandali bago ibinalik kina Ryn ang paningin ko.

"Bata pa lang ako ay nagtataka na ako sa mga kilos at pakikitungo sakin ng mga kinikilala kong magulang. Lahat ng kanilang mga gusto ay sinunod ko kahit labag man sa loob ko. Lahat ng kanilang mga galit sa tuwing gumagawa ako ng ayaw nila ay tinatanggap ko kahit alam ko mismo sa sarili ko na wala akong ginawang masama." Tumingin ako kay Ryn at malungkot itong nakatingin rin sakin. Hinayaan ko lang yun saka ipinagpatuloy ang sasabihin ko. Kailangan na nilang malaman, ayoko ng magtago pa ng kahit anong sekrito ngayon.

"Hanggang sa isang araw ay narinig kong nag-uusap sina mommy at daddy sa sala ng aming bahay tungkol sa pagkatao ko. Ayaw pa ni mommy na sabihin sakin ang lahat pero huli na dahil rinig na rinig ko na mismo mula sa kanilang bibig na hindi nila ako tunay na anak, na si Ryn lang ang biological son nila. Nasaktan ako sa aking nalaman, I feel betrayed like all this time lahat pala ng akala kong totoo sa buhay ko ay mali pala. Akala ko dahil lamang sa gusto nila akong disiplinahin kaya ganun ang naging trato nila sakin. Kaya para malaman ko kung ano ang nangyari sa mga totoo kung mga magulang ay hinanap ko mismo ng mag-isa kung sino ang tunay na ako at kung sino ba talaga ang totoong pamilya ko.

Mahirap hanapin ang lahat ng mga impormasyong kailangan ko tungkol sa mga totoo kong pamilya. Dahil din sa labis na sakit na aking naramdaman ay mas pinili ko na lamang na magalit sa mga magulang ni Ryn at napagdesisyonang umiwas na lang kahit pa sa utinuturing kong kapatid dahil ayokong masangkot pa sa kahit anong sasabihin at gagawin nila. Tama na yung malaman kong iba ako sa kanila. Hinanap ko naman ng matiwasay ang totoo kong pamilya kahit marami na akong kabiguan na natamo dahil sa paghahanap na yun.

At nahanap ko nga sila, medyo matagal na proseso pero hindi ako tumigil kaya naman sa pamamagitan ng pagbayad ng isang private investigator ay nahanap ko nga sila, nagawa ko nga ito at nagpapasalamat ako na nahanap ko rin sila. I did found them pero si lola at si Bryne na lang ang nakilala ko.

Namatay daw kasi ang mga magulang namin noong gabing pumunta sila sa party ng isa nilang kasosyo sa negosyo at ako lang ang dala nila nung gabing yun, pinotrektahan daw nila ako hanggang sa may mag-asawang nakakita sa amin at kinupkop ako. Hindi naman kasi nila kilala ang mga magulang ko dahil masyadong masekrito ang pamilya namin at ang mag-asawang yun ay ang mga magulang ni Ryn. Nakita ito sa CCTV footage na nasa lugar lang na yun.

Sa lahat ng yun, hindi ko lubos maisip na maaaksidente sila dahil lamang sa isang baka na tumawid bigla sa daan.

Hindi na rin ako nahanap nila lola dahil hindi naman laging nandito sa pilipinas ang mga kinilala kong mga magulang.

Namatay naman bigla si lolo dalawang buwan pagkatapos nilang maaksidente. Iniisip ko nga kung malas ba ako o talagang ito ang nakatakda na mangyari samin?

Namatay rin siya pero hindi sa aksidente kundi sa sakit at lungkot na hindi man lang nila ako nakita habang ang mga magulang ko ay nawala rin.

Due to this things, I ask my freedom from Ryn's parents. Nung una ay ayaw nila pero ginawa ko ang lahat para makuha ang gusto ko.

Umalis ako sa bahay, lumipat sa isang apartment at nag-aral sa isang public school habang itinatayo ang sarili kong kompanya sa tulong na rin ni lola. At a young age ay naging successful ako at nakapagpatayo pa ng iba't ibang businesses under my name pa rin ng patago. Nakilala ko din doon si Yana." Tumingin ako sa asawa ni Bryne at ngumiti ng konti saka ibinalik ulit sa kanila ang aking atensyon.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon