Special Chapter: Kevin Charles Liam Montreal Arellano

4.6K 104 37
                                    

Ito na po ang last guys. Huwag malungkot, may iba pa akong stories. Haha, salamat sa support.

LIAM'S POV:

"Son? Kaya mo na ba ito lahat?" Tanong ni Daddy sakin. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti ng konti.

"I can handle this, dad. Sige na po, may date pa kayo ni mommy." Ani ko. Napangiti naman ito at napatango.

"Okay, thanks son." Tugon nito saka tiningnan ang kanyang wristwatch. Napatingin ulit ito sakin. "Bye, kailangan ko ng umalis." Paalam pa nito kaya nag wave na lang ako ng aking kamay sak bumalik sa pag-aasikaso ng mga papeles para sa mga proposals na napili ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpeperma ng biglang mag ring ang cellphone ko dahilan para mapatingin ako dito. Jhaira's name was written on the screen kaya kinuha ko na lamang ito at sinagot.

"Hello?" Bungad ko sa kanya.

"Yow! May gagawin ka ba ngayon?" Tanong nito sakin.

"I'm here at dad's company." Sagot ko dito. "Whay?" Tanong ko sa kanya.

"Eh kasi, gusto ko sanang magpaturo manligaw." Sagot nito dahilan para matigilan ako. Manligaw? The fuck! Tomboy na ba si Jhaira? Hindi maari!

"Para sa babae?" Tanong ko ng makabawi mula sa pagkabigla.

Natawa ito. "Hindi, sa lalaki. May mahal na kasi ako eh, kaso nga lang manhid. Patulong naman oh."

Para naman akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig mula sa kanya. Aaminin kong cold akong tao pero hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na mahal ko si Jhaira.

Ewan ko ba kung bakit siya pa ang nagustuhan ko. Parang lalaki kung kumilos at ibang-iba talaga siya kina tita Zhaira.

"Hoy! Andiyan ka pa ba?" Tanong nito ng hindi na ako sumagot.

Napatikhim naman ako. "Oo naman, mag effort ka. Maghanda ka ng date sa paborito niyang lugar. Kantahan mo kung gusto mo, sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo sa kanya." Saad ko sa seryosong tono.

"Ganun ba? Sige, salamat. Kitakits next time, best friend." Pagkatapos niyang sabihin yun ay binaba na niya ang tawag.

Halata sa boses nito ang excitement. Fuck! Sino ba kasi ang lalaking yun?

Hanggang sa bahay ay hindi mawala sa isip ko kung sino ba ang lalaking gusto ni Jhaira. Imposible namang ako dahil hindi naman siya nagpapakita ng interes, alam kong almost perfect ako pero hindi naman sa kung anong meron ka niyan eh. Sa kung sino tumibok ang puso mo dapat.

Tumibok nga ang malamig kung puso sa may mahal namang iba. Ang malas ko naman yata sa pag-ibig. Lahat na yata sila magiging couple eh, ako na lang ang natitirang single.

Napailing na lamang ako. Si France Kysler ay girlfriend na ni Raven. Mabuti pa yung isang yun eh.

Si Lendrei ay nililigawan ni Kenjake. Hindi ko alam kung sinagot na ba.

Si Zyler naman ay matagal ng magka mutual understanding kay Janfer.

While si Jhaira, may liligawang lalaki. Tsk, kung sakin na lang kaya siya para hindi na siya manligaw?

Tsk, hayaan na nga. Wala rin naman akong magagawa eh. Nakita ko naman agad si Raven na ngitingiti habang nanonood ng tv. Muntanga talaga itong isang 'to eh. Kailangan ko ba 'to naging kakambal? Ang sakit niya sa ulo, promise!

Lalagpasan ko na sana ito ng mapansin niya ako bigla. "Hey, bro!" Tawag nito sakin kaya hinarap ko na lamang siya.

"Bakit?" Bagot kong tanong sa kanya.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon