SKY'S POV:
Rinnnnggggg!!!!
Naalimpungatan ako dahil sa pag ring bigla nang alarm clock na nandito sa kwarto ko. Hay, istorbo talaga. Pang ilang araw na ba tong nang iistorbo sa tulog ko? Pagnaubosan ako nang pasensiya, itatapon ko na talaga yan. Tsk!
Bumangon ako sa pagkakahiga at saka pinatay na ang alarm. Tumayo na rin ako at napabuntong-hininga nalang.
Another day, another happenings and another problems. Kailan ba ako nilubayan nang problema? Buong buhay ko yata puro problema nalang eh. Well, that's life!
Pumasok nalang ako sa banyo saka naligo at pumasok sa walk in closet ko. Nagsuot lang ako nang uniform, cap saka wig and another pair of contacts.
Pagkatapos kung mag-ayos ay kaagad kong binitbit ang bag ko saka lumabas na nang kwarto.
Pagkababa sa hagdan ay nakita ko kaagad ang dalawa na kumakain.
"Good morning guys!" Masayang bati ko sa mga ito.
"Good morning kambal/Good morning Rain!" Sabay nilang bati sakin pabalik.
Ryn pulled out the chair beside him and let me seat there. I mouthed him 'thank you' saka naupo na.
Kumuha lang ako nang lasagna at pineapple juice saka sumabay na sa kanilang kumain.
"Let's go guys!" Aya samin ni Gail pagkatapos naming kumain. Tumayo na kaming dalawa ni Ryn saka sumunod na lang sa kanya palabas.
"Kukunin ko lang sa garahe ang kotse." Saad ni Ryn samin. Tumango nalang kami saka hinintay itong dumating.
"Saan ka pumunta nung isang araw Rain?" Tanong ni Gail sakin nung kami nalang dalawa ang natira.
"May pinuntahan lang ako, masyadong urgent kaya hindi na ako nakapagpaalam sa inyo." Sagot ko dito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanila ang tungkol sa arrange marriage namin ni Kyler.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nilang dalawa tungkol doon. Pero kung ano pa man, wala naman akong balak na itago sa kanila yun dahil malalaman at malalaman parin nila yun.
Nabalik ako bigla sa kasalukuyan nang tapikin ako sa balikat ni Gail.
"Ano na naman yang iniisip mo? Nagtatanong ako dito tapos di ka pala nakikinig. Naku naman!" Maktol nito sakin. Napailing nalang ako.
Magsasalita pa sana ako nang biglang may humintong sasakyan sa harapan namin.
Pagbukas nang bintana nito ay bumungad samin ang nakangiting mukha ni Ryn.
"Hop in ladies!" Aya nito samin. Seriously? Mukha siyang manyak. Hay, naku.
Umiiling na pumasok kami ni Gail sa loob nang kotse. Bali ako ang nasa tabi ni Ryn habang si Gail naman ay sa likod umupo.
Pinaandar na niya ang kotse saka ito pinaharurot papuntang eskwelahan. Pagdating namin sa parking lot ay kaagad kaming lumabas saka pumasok sa loob nang school.
Nagkatinginan kaming tatlo at halata sa mga mukha namin ang pagtataka.
"Saan papunta ang mga estudyante?" Tanong ni Gail. Kibit-balikat lang ang naisagot ko dito dahil kahit ako ay clueless rin sa nangyayari.
Pano ba naman? Kitang-kita namin ang mga estudyanteng nagmamadali papunta sa gym. Ano namang gagawin nila doon?
"Tara, sundan nalang natin!" Suggestion ni Ryn.
"Mabuti pa nga." Tugon ko naman dito. Sabay kaming naglakad na tatlo habang sinusundan lang ang mga tao papunta sa gym.
Pagdating namin doon ay naabutan namin ang principal na nasa ibabaw nang stage habang ang mga estudyante ay nakaupo lang sa mga upuan.
BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Teen FictionPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...