Sorry for the late update. Busy lang po talaga at wala akong maisip na isusulat. Kaya ngayon ito na po. Kung may mga typo pa po diyan, sorry po. I was just in a hurry para matapos na ito. Salamat sa naghintay!
BRYNEL'S POV:
Isang buwan na ang nagdaan mula ng umalis dito si Ellen. After that, wala na kaming narinig mula sa kanya.
Ilang araw na din ang nagdaan na laging busy si Kyler sa kompanya. I could say that I am busy too pero parang kakaiba naman yata ang pagkabusy nito. Maagang aalis, tulog na ako kung uuwi. Ayoko mang maghinala pero kasi, it's kinda suspicious, you know?
Pero I trust Kyler that much. Lalo na ngayong nakita ko ang mga efforts nito towards me and our kids. I know that many women out there is ready to steal him away from me but I am not a Montreal for nothing, I am not his wife if I let that to happen.
"Hey! You're spacing out, Brynel!" Untag ni Jaylen sa akin. Kaagad naman akong napatingin dito at napagtantong nasa isang girl's outing pala ako. Yeah, right!
Hindi ko man lang namalayan na nasa harapan ko na pala ito. "I'm sorry about that, Jay. May iniisip lang ako." Nginitian ko ito. "Halika, puntahan na natin ang iba." Aya ko dito saka tumayo at pinagpagan ang shorts ko. Umupo kasi ako sa buhanginan kanina.
"Sige, tara na!" Hyper na tugon nito sakin. Lihim naman akong natawa dahil walong taon na nga ang nagdaan pero heto sila, wala pa ring pinagbago except kina Justine at Zayne na hindi na ngayon babaero.
I'm quite happy dahil marami man akong itinago at mahaba man ang panahon na hindi ko sila nakasama ay nandito pa rin silang lahat para samahan ako pati na ang asawa ko sa lahat ng pwede pang mangyari.
Naglakad na kaming dalawa hanggang sa marating namin ang isang cabin kung saan nandun at nagtatawanan ang buong barkada. Nandito rin si Joyce at Cheryl na mukhang close na sa kanila.
"Brynel! Halika, sabayan mo kami!" Aya ni Zhaira sakin pagkalapit ko sa mga ito.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong naman ni Jaylen.
"About lang sa mga asawa natin. Alam niyo na." Sagot naman ni Kassy na nakangisi pa. Ayun nagtawanan na naman sila.
"Ano kaya ang ginagawa ngayon nila Kyler?" Biglang tanong ni Kendra dahilan para mapatingin ako sa kanya. Oo nga naman, may outing din kasi sila tulad naming mga girls.
Ang mga bata naman ay nasa eskwelahan at hindi na namin pinasama pa.
"Naku! Huwag lang talagang mangbabae yung Justine na yun. Puputulin ko talaga kaligayahan niya!" Gigil na saad ni Zhaira saka natawa pa sa sinabi nito. Nakitawa na rin ako, hindi dahil sa sinabi niya kundi sa itsura niya mismo. Hay, kawawang Justine.
"Malay mo naman, Zhai. Nag-eenjoy lang yun. Ikaw kasi napaka green ng utak!" Untag naman ni Joyce dito.
Kassy scoffed. "Tsk, kung kilala mo lang yun. Naku, baka ikaw pa mismo ang sumakal dun. Mabuti na lang at nagbago na si Zayne dahil kung hindi, babalatan ko talaga silang dalawa ni Justine ng buhay!" Nanggagalaiting saad pa nito. Ewan ko ba kung maaawa ako sa dalawang yun o matatawa. Ang brutal ng mga asawa nila!
Binaling naman ni Kendra ang kanyang atensyon sakin habang nakikitawa sa mga pinagsasabi nila Kassy at Zhaira. "Ikaw, Brynel. Kung sakali lang na nambabae si Kyler, anong gagawin mo?" Tanong nito.
Ngumisi ako. "Simple lang naman, magbabayad ako nang sampung milyon sa kung sino ang mas pinakabrutal na makakapatay sa mga babae niya. At least hindi na ako mahihirapan pa, manonood na lang ako." Balewalang sagot ko dito. Nakanganga naman sila habang nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Teen FictionPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...