Hello people! Another update. Matagal guys kasi walang maisip si ako. Sana magustuhan niyo. Don't forget to click the star. Bye!
RAIN'S POV:
Nandito kami ngayon sa kanya-kanya naming kwarto. Bago pa ako pumunta dito ay pinagsabihan ko na anwg mga staff dito na huwag na huwag magsasalita tungkol sakin at kay Ryn. Sumunod naman ang mga ito kaya naging panatag ang kalooban ko.
Magkasama kami nila Zhaira, Jaylen, Kassy at Kendra sa iisang kwarto samantalang sina Ryn, Justine, Zayne, James at Kyler naman ang magkakasama.
Nagpapahinga lang kami nang biglang may kumatok sa pintuan. Nagkatinginan naman kaming lahat.
"Ikaw na ang magbukas Zhai." Utos ni Kendra dito. Tumayo naman ito saka binuksan ang pinto, bumungad samin ang isang waitress.
"Good morning everyone, I just want to say that your prom will be held at the Grand hall this evening at exactly 8 pm sharp and your gowns will be here at 7 pm including the make up artists." Sabi nito saka nagpaalam samin.
Sinarado na ni Zhaira ang pinto saka ito tumingin samin.
"Prom pala mamayang gabi. Hindi man lang sila nagsabi." Nakangising saad ni Kassy. Tsk, umandar na naman.
"Wait, are you showing that wild Kassandra back then?" Natatawang tanong ni Kendra sa kanya.
"Haha, hindi naman. I'm just excited for tonight." Nakangiting sagot pa nito saka nag wink samin.
"For sure excited lang yang maka date ang soon to be boyfriend niyang si Zayne." Kutya sa kanya nina Jaylen at sinabayan pa nito nang isang nakakabinging tili.
"Oy, hindi ah!" Pagtatanggi pa nito pero halatang namumula ang mukha. Asus, in denial pa.
Napailing na lamang ako saka narinig na tumunog ang cellphone ko. I checked it out saka napangiti dahil sa nabasa.
From hubby,
Hey hon! Prom na pala tonight. I want you to be my date hon and I am not accepting any no answer from you. See you and I love you!
To hubby,
Okay hon, I'll be your date. I love you too!
--Sent
Nagulat naman ako bigla nang magtitili silang lahat sa likod ko. Napatakip na naman ako nang tenga dahil sa kanila.
"Ang ingay niyo!" Nangingiting saad ko sa mga ito saka tumayo na at akmang lalabas na sana nang magtanong si Kendra.
"Saan ka na naman pupunta pinsan?" Naka smirk pa ito habang nakatingin sakin. Sira ulo talaga 'to oh!
"Saan pa ba pupunta yan? Eh, di sa asawa niya." Kinikilig na sagot naman ni Jaylen.
"Shut up Jay! Baka papuntahin ko si Ryn dito." Nakangising tukso ko pa dito. Titili na sana ito pero nung tinukso ko ay biglang natahimik saka namula. Hay, ang hirap talaga kapag in love.
"Oh siya, bye guys I need to go muna." Paalam ko sa mga ito saka lumabas na nang room namin.
Nang makalabas ay naglakad kaagad ako papuntang kwarto nila Kyler nang makita ko sa hindi kalayuan si Claire kasama ang mga kaibigan niyang mga mukhang clown.
Aalis na sana ako nang marinig ko ang pinag-uusapan nila. Ayoko mang makinig pero narinig ko kasi ang pangalan namin ni Kyler kaya nakinig muna ako. Napailing na lamang ako at napangisi dahil sa mga pinag uusapan nila.
Nang matapos silang mag usap ay umalis na rin ako dun bago pa ako makita.
Pumunta ako sa room nila Kyler. Nang nasa harap na ako nang pinto ay kumatok muna ako. Bumukas ito saka bumungad sakin si Ryn.
BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Teen FictionPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...