Hindi ko feel ang naisulat ko ngayon pero sana magustuhan niyo pa rin naman. Thank you for the support guys.
RAIN'S POV:
Kakagising ko pa lang ng maramdaman kong may katabi akong matulog at nakayakap pa sakin. Pagdilat ko ng mata ay kaagad bumungad sakin ang maamong mukha ni Raven. Napangiti naman ako dahil dito saka hinimas ang malambot nitong buhok. Gumalaw ito ng konti kaya akala ko ay magigising na ito pero hindi, mas lalo lang nitong isiniksik ang sarili sa katawan ko. Napailing nalang ako at natawa ng mahina.
Sa kanilang dalawa ay mas sweet na tao si Raven kahit tamad minsan pero mabait naman silang dalawa kahit magkaiba ang ugali. Gayun pa man ay tanggap ko sila dahil galing sila sakin at mahal ko sila.
Magkamukha si Raven at ang daddy nito habang ako naman ay kamukha ni Liam. They were both talented katulad namin ng daddy nila, matalino rin sila pero si Liam lang ang nakamana ng photographic memory ko.
Napaisip naman ako, magiging masaya kaya si Kyler kapag nalaman niyang may dalawa kaming anak? Kamumuhian kaya niya ako kapag nalaman niyang itinago ko ito ng walong taon mula sa kanya?
Napabuntong-hinga ako, natatakot ako sa pwedeng kalabasan ng lahat pero kahit ano pa man ang mangyari ay alam ko namang maiintindihan ako ng mga anak ko kung bakit matagal ko silang hindi ipinakilala sa daddy nila.
Habang nakatingin ako minsan kay Raven ay para akong nakatingin sa lalaking minahal ko ng totoo. Kamusta na kaya siya ngayon? Pinutol ko naman kasi lahat ng pwedeng maging koneksyon ko sa kanila including news about him. Ginawa ko ito dahil alam kong baka may posibilidad na hanapin niya ako at hindi ko hahayaang mangyari yun, hindi pa ako handang harapin siya noon pero ngayon ay masasabi ko nang handang handa na talaga ako.
Nasa kalagitnaan naman ako ng pag-iisip ng may biglang kumatok sa pintuan kaya napatingin ako doon. Alam ko na kung sino ito kaya napangiti na naman ako.
"Come in, son!" Sigaw ko na medyo mahina pero sapat lang para marinig nito. Bumukas naman ang pinto saka bumungad sakin ang cute na cute na mukha ni Liam.
Ngumiti ito ng konti saka inayos ang suot nitong salamin. Pagkatapos ay lumapit ito sa pwesto namin ng kakambal niya at inakyat ang kama para tumabi samin ng kakambal niya.
Hinalikan niya ako sa pisngi. "Good morning, mommy." Bati pa nito sakin. I used my free hand para hawakan ang kanyang maputing pisngi.
"Hello, sweetheart. How was your sleep last night?" Tanong ko naman dito habang nginingitian siya.
"It's fine, mom. Not until I saw Kurt here again. I told him that he was already big to sleep beside you but he was so stubborn." Reklamo nito sakin saka napabusangot na lang. Mahina naman akong natawa dahil sa inasta nito. Ayaw niya talagang natutulog sa tabi ko si Raven dahil malaki na daw sila para doon.
"You know your brother, he wants to sleep with me rather than sleeping alone in his room. Just understand him, okay?" Tumango naman ito sa sinabi ko hanggang sa unti-unti namang binuksan ni Raven ang kanyang mata.
"Good morning mommy, good morning brother." Bati nito saming dalawa ng kapatid niya. Napangiwi na lamang si Liam at napabusangot.
"Get up now, Kurt! Let's pack our things." Utos ni Liam nito saka bumaba na sa kama.
Napakusot sa mata si Raven saka napabusangot na rin. "Arghhhh, I'm so tired. Pack your things first, Kevin. Mamaya na ako." Tugon naman nito sa kapatid.
Napailing na lamang ako. Mga anak ko ba talaga ito? Hay naku naman. Sa totoo lang, minsan ang sakit nila sa ulo.
"Halika na kasi, ang tamad-tamad mo talaga!" Naiinis na saad ni Liam dito saka napa cross arms nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/103669221-288-k349496.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Teen FictionPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...