First update guys in this month of love. Hope you like this chapter, wag niyo akong sabunutan kung magagalit kayo sa mangyayari ah. Lovelots😂
RAIN'S POV:
Pagkatapos naming sumayaw ni Kyler ay bumalik na kaagad kami sa table naming magbabarkada. Naabutan pa namin sina Zhaira at Justine na masayang nag-uusap habang magkahawak-kamay.
Nabaling naman ang tingin ng mga ito samin. "Tapos na kayo?" Tanong ni Zhaira ng makalapit kami sa kanila.
"Tapos na." Sagot ko naman saka napangiti. "Kanina pa kayo dito?" Balik na tanong ko sa mga ito habang inaalalayan ako ni Kyler paupo. Umupo na rin ito sa tabi ko at napatingin rin kina Zhaira.
"Yup, tinamad ako eh." Sagot ni Justine samin hanggang sa unti-unti ring bumabalik sa table namin ang iba pa naming mga kaibigan.
"Kapagod naman!" Saad ni James habang natatawa pa at nakakapit ang pinsan ko sa kanya.
"Sinabi mo pa bro." Ani Zayne habang inalalayan rin si Kassy paupo dahil sa suot nito.
"Kambal?" Tawag pansin sakin ni Ryn kaya napatingin ako dito. "Magpahinga ka na lang kaya?" Suhestiyon ni Ryn sakin.
"Oo nga naman, hon. You look pale pa naman." Malambing na saad naman ni Kyler saka nito hinawakan ang kamay ko.
"Ayoko pa, mamaya na siguro." Sagot ko nalang sa mga ito saka napatingin sa stage ng kinuha nung emcee ang atensyon naming lahat.
"Good evening ladies and gentlemen! Tonight is a big night and I am going to announce na King and Queen of this prom." Excited naman ang lahat sa magiging resulta nun kaya tutok na tutok talaga silang lahat sa stage.
"Our prom king is Mr. Kyler Kaydeen Zaniel Drake Arellano!" Sabi nito kasabay ng pagpalakpak at paghiyaw ng mga classmates namin. Hinawakan nito ang kamay ko saka pinisil kaya napatingin ako sa kanya.
Kita sa mga ito nito na ayaw nitong umalis sa tabi ko. "Go for it hon. Get your crown." Nakangiting saad ko dito para naman malaman niyang okay lang ako.
"Is it alright if I'll leave you here?" Nag-aalangang tanong nito. Natawa naman ako ng mahina saka kinurot siya sa pisngi.
"Oo naman, sige na. Hindi naman ako mawawala eh." Sagot ko dito.
Bumuntong-hininga ito saka napapikit pero agad ding napamulat. "Alright." Nginitian ako nito saka tumayo na at naglakad papunta sa taas ng stage.
Pagdating niya doon ay kaagad na ipinatong sa kanyang ulo ang korona at binigyan siya ng iba't-ibang gifts and trophies. Pagkatapos ng pag-award dito ay kaagad itong humarap sa akin saka ngumiti ng malapad.
"And our prom queen for tonight is Miss..." Pambibitin ng emcee. I'm not expecting my name to be called kasi sinabihan ko na ang organizer ng event na ito na hindi pwedeng e include ang name ko sa magiging prom queen. Of course, my husband didn't know anything about this at wala akong balak ipaalam. My enemy has her own plan this evening and I have my own too. I hope that he will forgive me.
"...Miss Claire Johnson!" Todo hiyawan naman ang mga classmates namin habang ramdam ko ang nag-aalalang tingin nang mga kaibigan ko habang nakapoker-face naman si Kyler sa stage.
"Bagay talaga kayong dalawa!"
"Oo nga, go KyleClaire shippers!"
"Ang ganda niyo at ang gwapo!"
Mga sigawan yan ng mga tao dito. Marami pa nga yang iba eh pero hindi ko na binigyang-pansin. Ang sakit kaya!
Hindi ko rin namang gustong maging ganito ang mangyari pero kailangan. Magiging busy rin naman ako kapag nasa Manila na kami eh. Marami akong gagawin para sa mga kompanya ko at kailangan kong lumayo muna kay Kyler para hindi siya makahalata. I'm sorry hubby, kailangan ko talagang gawin ito.

BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Teen FictionPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...