Chapter 36: Best Day Ever!

4.4K 109 35
                                    

Guys! Here's the update. Sorry kong natagalan na naman. Examination kasi namin. Actually hanggang ngayong araw but I did my best para makapag update. I hope you will love this chapter.

KYLER'S POV:

Bakit pa ba kasi siya bumalik? Sinisira niya ang relasyon ko kay Rain eh. Alam kong nagseselos na ang asawa ko sa mga pinanggagawa niya. I'm doing my best to avoid her pero palagi siyang gumagawa nang paraan para mahanap ako. Sakit sa ulo talaga ang babaeng yun kahit nung kami pa.

Naglalakad ako ngayon sa hallway at hinahanap ang asawa ko. Nasaan na ba kasi siya? Kung hindi lang dahil kay Claire, hindi na sana siya nag walkout. Tsk, hahanapin ko ang asawa ko.

Papunta na sana ako sa cafeteria nang  makita ko si Ryndrei. Kaagad akong lumapit sa kanya upang magtanong.

"Ryn, nakita mo ba si Rain?" Tanong ko dito.

"Umuwi siya sa bahay niyo. Natarayan nga ako kanina pagtanong ko eh." Sagot nito saka tumingin sa relo niya. "Pano Kyler? Mauna na ako sayo, pupuntahan ko pa kasi si Jaylen eh." He tapped my shoulder and I just nod my head at him. Naglakad na siya paalis at ako naman ay naglakad na rin papunta sa parking lot.

I really need to talk to my wife right now. I don't want her to get jealous. Bakit ko pa kasi naging ex si Claire eh. Tsk, akala ko kasi talaga ay matino siyang babae nung unang kilala ko sa kanya pero hindi pala. She's a bitch and a totally different person from what I've expected before.

Pagkadating ko sa parking lot ay kaagad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito pauwi. Binilisan ko ang pagpapatakbo dahil gustong-gusto ko nang ayusin ang sa pagitan namin nang asawa ko.

Pagkarating ko sa bahay ay pinarada ko nalang sa garahe ang sasakyan saka naglakad papasok. Pagkapasok ay kaagad kong tinungo ang kwarto namin. Hindi na ako nag atubiling kumatok saka pumasok nalang.

Narinig kong may nag flash nang inidoro kaya alam kong nasa loob siya nang Comfort Room. Naupo ako sa kama saka hinintay siyang lumabas. Maya-maya ay bumukas ang pinto nang Comfort Room at lumabas ito.

Napatayo ako saka naglakad palapit dito. Akmang hahawakan ko sana siya nang lagpasan niya ako bigla at humarap sa kama.

"Bakit ka nandito?" Cold na tanong nito.

Napabuntong hininga ako. "Look hon, I'm so sorry pero wala naman talagang nangyari kanina." Paliwanag ko.

"Wala? And you exactly want me to believe that!?" Sarkastikong saad niya saka humarap sakin. "I saw you both hugging each other! I'm not blind nor dumb Kyle." Galit na sigaw pa nito.

"Siya yung yumakap sakin, kumakalas ako sa kanya pero pilit niya paring binabalik ang kamay niya para yumakap sa katawan ko. I'm so sorry wife, please forgive me." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata nito. May tumulong luha dito. Yayakap na sana ako sa kanya nang pigilan niya ako.

"Stop right there!" Sigaw niya sakin saka pinunasan ang mga luha nito. "Damn this tears! Hindi naman ako iyakin ah? Pero bakit ngayon? Tsk." Umupo ito sa kama saka tumingin nang masama sakin. "Kasalanan mo to! Pinapaiyak mo ako. Isusumbong kita sa kapatid ko." Parang batang maktol nito saka umiyak na naman.

Lumapit ako dito saka ito niyakap. Hindi naman ito pumalag pa kaya napangiti nalang ako. I really love this girl. Kahit minsan ay masungit siya at isip bata. Mahal na mahal ko pa rin siya.

"Wag ka nang magalit sakin hon. Babawi ako ngayon sayo. Promise yan." Malambing na saad ko dito.

"Paano naman?" Parang batang tanong nito saka kumalas sakin nang mahina at tumingin nang diretso sa mata ko. Hindi ko ito sinagot, bagkus ay may naisip ako para makabawi sa kanya.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon