Chapter 23: Zayne Is Your What?

5.6K 125 18
                                    

This update po ay hindi masyadong maganda kaya wag po kayong mag-expect nang todo. Pero sana po magustuhan niyo pa din.
------------------*

SKY'S POV:

"My lady, wake up. Nandito na po tayo sa pilipinas." Panggigising sakin nang isang boses habang niyuyogyog nang mahina ang balikat ko.

Dinilat ko naman yung mga mata ko at bumungad sakin ang stewardess na laging naa-assign sa tuwing aalis ako nang bansa.

"Okay, bababa na ako." I said coldly. Nag bow lang naman siya at umalis na.

Tumayo na ako saka inayos ang buhok kong nagusot pati ang damit ko. I wear my cap and my shades saka bumaba na nang eroplano.

Hindi naman ako nagdadala nang mga gamit kapag aalis ako nang bansa eh kaya less hassle.

Pagod at inaantok pa ako, pano ba naman? Puro lang ako trabaho this past few days.

Sumakay na ako sa kotse ko sabay paharurot nito pauwi sa bahay.
Pagdating ko dito sa gate nang mansion ay kaagad akong pinagbuksan nang mga guards.

Ipinasok ko sa garahe ang sasakyan ko at pumasok sa loob nang bahay. Bumungad sakin ang nakahilirang mga maids and butler na kaagad naman akong binati.

Tumango lang ako saka dumiretso na sa kwarto. Wala si Gail dito dahil lunes ngayon at may pasok.

Hinubad ko ang suot kong cap at shades saka inilagay sa basket ang marumi kong damit.

Pumasok ako sa banyo at nag shower. Pagkatapos kung maligo ay lumabas na din ako at nagbihis nang pambahay na damit.

Hihiga na sana ako nang tumunog yung cellphone ko. I answer the call without even looking at the screen. Para ano pa? Its just a waste of time.

"Hello?" I ask coldly at humiga na sa kama kong malambot.

"Where the heck are you? One week kang hindi matawagan. Nag-aalala na kami sayo." Naiinis na sagot nang nasa kabilang linya. I guess si Gail to.

"Somewhere, don't worry nasa bahay na ako." Bored kong tugon sa kanya. Wala akong ganang makipag-usap ngayon. Pagod pa katawan ko.

"Kung ako sayo cousin, magbibihis na ako ngayon at pupunta nang school." Sabi na naman niya. Wala talagang konsiderasyon tong babaitang to. Bakit ko pa ba to naging pinsan? Tsk!

"Why?" Cold na tanong ko sa kanya.

"Basta, may kailangan kang makita." Sagot nito. Dahil curiosity kills a cat, I decided to go to school.

"Okay fine, I'll be there!" Sabi ko sabay baba na ng tawag. Tumayo na ako at Pumasok sa walk-in closet ko at nagbihis nang uniform.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong humarap sa salamin at ipinasok ang buhok ko sa cap.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon