GABBY'S POV:
"Babe!" Tawag nito sakin dahilan para bumalik ako sa wisyo. Napailing pa ako at napatingin sa kanya.
Nakapameywang na ito sa harapan ko at nakakunot na ang noo. "May sinasabi ka ba, babe?" Nag-aalangang tanong ko dito.
Napaismid ito dahil sa narinig. "Sabi ko bilisan mo na, magdate na kasi tayo." Sagot nito sa naiinis na tono. Magkatabi lang ang upuan namin kaya ayan, sinusungitan na naman ako.
Napangiwi ako dahil dito. "Ah, sorry babe." Paghihingi ko ng paumanhin dito at napahawak na lamang sa batok ko. "Sige, tara na." Aya ko naman kasi excited talaga si Yana para dito.
Pagkalabas sa eskwelahan ay kaagad kaming sumakay sa jeep. "Para po, manong!" Pahayag ko sa driver ng makita kong nasa harapan na kami ng isang restaurant saka naman ito tumigil.
Bumaba kaming dalawa at magkahawak-kamay na pumasok sa loob ng restaurant saka kami sinalubong ng isang hosting staff.
"Good evening, ladies." Nakangiting bati nito sa amin. "Any reservation?" Tanong pa nito.
"Reservation by Gabby Fernandez, table for two." Sagot ko naman dito. She just smiled at us saka kami iginaya papunta sa table namin. Pagkaupo ay kaagad akong napatingin kay Yana at nakitang para itong hindi makapaniwala.
"You did this?" Manghang tanong nito sakin. I just smiled at her at napatango. "But how? Napakamahal ng restaurant na ito." Hindi pa rin makapaniwalang saad niya.
Napabuntong-hininga ako. "Pinag-ipunan ko ito, babe. Kaya please, just enjoy the night and stop asking questions." Ani ko. Napabuntong-hininga na lamang ito at napatango.
"Fine, let's order na." Masayang aya nito sakin na kaagad ko namang tinanguan.
Nag-order lamang kami ng mga napili naming pagkain at nag-usap.
"Hala, babe. Gabi na pala oh, kailangan na nating umuwi." Aya nito sakin. Ngumiti na lamang ako dito at sumang-ayon saka kami lumabas mula sa restaurant na iyon.
Sumakay ulit kami sa jeep papunta sa kanila. Nang nasa harapan na kami ng pintuan nila ay napatingin ito sakin. "Babe, thank you for this night." Nakangiting saad nito saka hinawakan ako sa kamay.
"My pleasure, babe." Nakangiti ring tugon ko dito.
Napatingin ito sa pintuan nilang bumukas saka ibinalik rin kaagad sakin ang kanyang atensyon. "Babe, gusto mo bang ihatid muna ako sa loob?" Tanong nito sakin na tinanguan ko na lamang. Pumayag na rin naman ako kasi ka close ko naman ang pamilya niya at alam na nila ang tungkol samin.
Nung una ay di sila pumayag kasi pareho nga kaming babae at sa mata ng mga taong mapanghusga ay mali ang relasyon namin, puro panlalait lang rin naman ang alam ng ibang tao pero kalaunan naman ay natanggap din naman kami.
"Oh, andito ka pala hija." Bungad ng mommy nito pagkakita sakin.
I smiled at her. "Magandang gabi po tita." Bati ko naman dito.
"Magandang gabi din sayo, hija." Nakangiting tugon naman nito sakin.
Ngumiti ako dito. "Tita, aalis na po ako. Inihatid ko lang po si Arianna kasi gabi na po." Paalam ko pa, nasa kusina siguro ang kapatid at papa niya kaya naman ay hindi ko nakita ang mga ito sa sala.
Akmang aalis na sana ako ng pigilan ako bigla ng mommy ni Yana. "Sandali, hija." Saad nito dahilan para mapatingin ulit ako sa kanya. "Dito kana maghapunan at matulog dahil gabi na. Baka mapahamak ka pa sa daan, mahirap pa naman ang panahon ngayon." Malumay na alok nito dahilan para mapakamot naman ako sa aking ulo. Ang totoo, may kuto ba ako? Tsk, ano ba 'tong pinag-iisip ko? Wala akong ganun.
Napangiwi naman ako sa naging offer nito. "Pero tita na--" Aangal pa sana ako pero hindi ko na natapos dahil nagsalita na mismo si Yana sa tabi nito.
Ngumiti ito sakin. "Huwag ka ng magsalita, babe. Minsan lang mag-aya si mommy, pag bigyan mo na muna. Please?" Pangungulit nito kasabay ng pagpapaawa nito sakin. Ngumiti nalang din ako at napabuntong-hininga. May magagawa pa ba ako? Napatingin ako kay tita.
"Oh, tatanggihan mo pa ba ako?" Tanong na naman ng mommy niya sakin.
Napabuntong-hininga ako. "Sige na nga lang po tita." Natatawang sagot ko dito saka kami saka kami nito pinapunta sa loob ng kanilang kusina at tama nga ako, nasa kusina ang kapatid at papa ni Yana.
Napatingin naman ang mga ito samin saka ako bumati sa kanila at kaagad lang nila akong sinuklian ng isang ngiti.
Inaya kami nilang kumain pero tinanggihan na namin dahil galing naman kami sa restaurant bago kami umuwi dito.
"Pasok na po muna kami sa kwarto, ma, pa, kuya." Paalam ni Yana sa mga ito.
"Sige mga anak, magpahinga na kayo." Nakangiting tugon naman ng papa nito.
Ngumiti lamang ako sa mga ito at pumasok na sa kwarto ni Yana kasama siya sa taas.
"Magpalit ka na muna ng damit, babe." Saad nito sakin ng makarating kami sa loob ng kanyang silid.
Ngumiti ako dito. "Sige, babe. Pero huwag mo akong bigyan ng mga damit mo dahil ayoko talaga ng mga iyon." Natatawa namang ani ko dito.
Napanguso ito. "Fine, kukuha ako sa mga hindi pa nagagamit na mga damit ni kuya." Saad nito at lumabas na upang kumuha ng mga damit na pamalit ko.
Pagkabalik nito ay kaagad nitong ibinigay ang mga damit na kaagad ko rin namang isinuot. Maya-maya pa ay napagdesisyonan na lamang namin na mahiga dahil gabi na rin at kailangan na naming magpahinga.
"Babe, I love you." Malambing na saad nito sakin habang nakayakap pa sa bewang ko.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito habang nakapikit. Dinadalaw na rin kasi ako ng antok eh.
"I love you too, babe." Tugon ko na lamang sa mahinang boses.
ARIANNA'S POV:
Tinitingnan ko lamang si Gabby habang nakapikit pa siya. Isa siyang babaeng mala anghel kong matulog ngunit nung unang beses kaming nagkakilala ay puro pagsusungit ang natanggap ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung paano niya ako napabaliko eh. I'm straight as a pole pero sa kanya lamang ako nahulog ng ganito. Pero sa kabila ng mga katangian niya ay panatag parin ako dahil alam ko naman na ako lang ang mamahalin niya.
"Babe, matutunaw ako niyan." Nagulat naman ako ng magsalita ito habang nakapikit na rin. Maya-maya ay binuksan nito ang mga mata at ngumiti sakin.
"Sorry babe, na miss kasi kita eh." Natatawang saad ko dito. "Good morning." Malumay na bati ko dito.
"Sabihin mo nagandahan kalang sakin." Tukso pa nito sakin kasabay ng isang nakakairitang ngisi ngunit naging rason rin kung bakit nahulog ako sa kanya. "Good morning din, babe." nakangiting tugon naman nito.
Natawa na lamang ako sa tinuran niya. "Tama na nga yan, maligo ka na. Papasok pa kaya tayo." Utos ko na lamang dito. Tumango na lamang ito bilang tugon kahit siya ay natatawa na rin saka ito tumayo mula sa kama at pumasok sa banyo.
Tumayo na rin ako pagkatapos saka inayos ang mga damit na susuotin niya habang ito ay naliligo. Maya-maya lang ay narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto sa banyo. Pagtingin ko naman doon ay nakita kong lumabas na siya sa at isinuot ang damit na inihanda ko. Napangiti nalang ako dahil dito.
"Tapos na babe." Anunsyo nito pagkatapos niyang maisuot ang mga damit. Lumapit ito sakin saka ngumiti. "By the way, thank you for everything." Sabi nito saka hinawakan ang likod ng ulo ko kasabay ng paghalik niya sa noo ko.
Ngumiti na lamang ako sa kanya bilang tugon saka ito inayang bumaba na. Pagdating namin sa kusina ay nadatnan namin sina mommy na kumakain habang nakangiti pa nung bumaling ang atensyon nila saming dalawa.
"Sa wakas bumaba na rin kayo." Nakangising saad ni kuya. Ano na naman kaya ang nasa kukute nito?
"Naghanda pa kasi kami, kuya." Pahayag ko dito. Nginitian lang namin sila saka naupo na rin para sumabay sa kanilang kumain.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na kaagad kaming dalawa papuntang eskwelahan.
BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Novela JuvenilPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...