Sorry kong natagalan na naman ang update ko guys. Busy lang talaga ako. Kahit ngayon busy parin pero ayokong maging paasa kaya gumawa parin ako. Sana magustuhan niyo.
RAIN'S POV:
Nagising ako bigla sa hindi ko malamang dahilan kaya tumingin nalang ako sa phone ko. I saw the time, it was just 5 o'clock in the morning kaya napagdesisyonan kong matulog nalang ulit.
I close my eyes again pero hindi na talaga ako makatulog. I try so many times hanggang sa mairita na ako kaya napilitan nalang akong bumangon mula sa higaan.
Pumasok ako sa banyo at naligo lang saka nagsuot nang isang over-size shirt at itim na shorts. Bumaba ako sa hagdan at nakitang hindi pa pala gising si Kyler.
Napabuntong-hininga nalang ako saka pumunta nang kusina para magluto. Naghanap ako nang pwedeng lutuin sa ref at sakto din naman palang may karne pa kami kaya nagluto nalang ako nang adobo at nagsaing nang kanin.
Habang nagluluto ay naisip ko na naman ang nangyari nung honeymoon namin. Yung part na kasalanan pala nang mga magulang namin kong bakit may nangyari samin. I sigh, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin sila kinakausap. Maybe kapag hindi na parehong mainit ang ulo namin.
Iwinaksi ko nalang sa isipan ko yun at nag focus sa niluluto ko. Pagkaluto nang adobo ay kaagad ko itong nilagay sa isang lalagyan at inihain sa mesa kasama nang kanin.
"Good morning!" Bati sakin nang isang boses kaya kaagad akong napatingin sa pinanggalingan nun. There I saw my husband standing at the staircase with a messy hair at a smile plastered on his face.
"Good morning too honey!" I replied. Lumapit ito sakin saka ako niyakap at hinalikan sa noo.
"Ang aga mo naman yatang gumising?" Tanong nito sakin saka bahagyang lumayo nang konti.
"Wala naman. Nagising kasi ako kanina at hindi na muling makatulog pa kaya napagdesisyonan ko nalang na magluto. Tutal may pasok na naman tayong dalawa eh." Sagot ko dito. Inalalayan ako nitong makaupo sa silya saka siya umupo rin sa tabi ko.
"Oo nga pala, 6:10 pa lang naman. Pwede pa tayong kumain saka mag ready na sa pagpasok." Saad nito. Ngumiti nalang ako saka tumango. Pagkatapos naming kumain ay kaagad na kaming naghiwalay.
Pumasok ako sa kwarto ko saka pumasok rin ito sa sariling kwarto. Pagpasok ay nagbihis lang ako nang aking uniporme, nag toothbrush saka nag ayos nang buhok.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Tininggal ko ang aking wig saka hinamas ang natural blonde kong buhok. Napabuntong-hininga ako.
Hindi pa ito alam ni Kyler. Siguro kapag nasa tamang panahon na ay ipapaalam ko na sa kanya ang totoo lalong-lalo na ang pagkatao ko.
Napangiti nalang ako nang mapait saka inayos muli ang pagkakasuot nang wig sa ulo ko.
Inayos ko ang aking sarili saka lumabas na nang kwarto. Pagkababa ay nakita ko namang naghihintay pala sakin si Kyler kaya dali-dali akong lumapit dito.
Sinalubong ako nito saka hinalikan sa pisngi. Kahit meron na kasing aksidenteng nangyari samin ay pinangako naman nitong uunti-untiin muna namin ang lahat at hihintayin nitong maging handa ako.
"Let's go."Aya nito saka hinawakan ako sa kamay at sabay kaming lumabas nang bahay.
Pinasakay ako nito sa kanyang kotse saka niya pinaandar ang kotse at pinaharurot papuntang eskwelahan.
Pagdating namin doon ay kaagad siyang lumabas nang kotse at pinagbuksan ako nang pinto. Nginitian ko siya, he is such a gentleman!
Naglalakad kami papasok at lahat nang madadaanan namin ay pawang nagtataka, kinikilig, at nagbubulongan.
Hindi nalang namin pinansin saka dumiretso nalang papuntang classroom. Pagdating ay sinalubong agad kami nang mga kaibigan namin. My twin and my cousin hugged me while my other friends just kiss me on the cheeks except the boys, of course.
"Yow guys! Kamusta na?" Nakangiting bati at tanong samin ni Zayne habang nakaakbay kay Kassy. Napangiti ako, lumalovelife na yata ang dalawang to eh. Well, I'm happy for them anyway.
"Okay lang naman. Masaya yung bakasyon." Nakangiting sagot ko. Naging masaya naman talaga except the fact that our parents did something horrible to us. Tsk, gusto ko na talagang kalimutan ang bagay na yun.
Nag-usap lang kaming lahat hanggang sa dumating na ang professor namin kaya napilitan kaming tumigil at umupo nalang. Nagturo lang siya habang ako ay nakatingin lang sa mga sinusulat niya sa board.
Maya-maya ay tumigil na rin ito dahil oras na para sa recess.
"Good bye class!" Paalam nito saka lumabas na. Tumayo naman ako saka si Kyler pati na ang mga kaibigan namin.
"Tara na sa cafeteria guys!" Aya samin ni Jaylen. Kasama nito si kambal na sa pagkakaalam ko ay kasintahan na nito. Oo, sila na. Ang bilis di ba? Pag-alis namin, yun din kasi ang time na sinagot na ni Jaylen si kambal.
Well, I'm happy for them. Lalong-lalo na kay Ryndrei. May tiwala naman ako sa kanya eh, may tiwala akong hindi niya sasaktan si Jaylen at kapag sinaktan niya ito, ako mismo ang babalat sa kanya nang buhay.
Pero syempre, joke lang. Mahal ko kaya yang kakambal ko.
"Ano order niyo guys?" Nakangiting tanong naman ni Justine samin pagkaupong-pagkaupo palang namin sa bakanteng mesa dito sa canteen.
Sinabi naman namin ang mga order namin saka ito umalis na kasama si James.
Nag-uusap usap naman kami tungkol sa mga lovelife nila nang biglang may magkagulo bigla sa labas kaya napunta ang atensyon namin doon.
"Anong nangyayari?" Takang tanong ni Kendra.
"Hindi din namin alam Gail." Sagot naman ni Zhaira dito saka ito tumayo at lumapit sa mga nagkukumpulan.
"Saan pupunta yun?" Tanong ni Justine na may dalang pagkain. Kasunod naman nito si James na marami ding bitbit.
"Ano ba kasi ang nagkukumpulan na yan?" Tanong naman ni James habang inilalagay sa mesa ang mga pagkain.
Maya-maya ay lumapit samin si Zhaira na halatang nagmamadali. Problema nito?
"Ano daw yung nagkukumpulan Zhai?" Tanong ni Kassy dito.
"Ano kasi guys, may bumalik." Sagot nito sa nag-aalangang tono. Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito.
"Sinong nagbabalik?" Nagtatakang tanong naman ni Kyler na nasa tabi ko.
"Nagbalik na si--" Napatigil ito sa pagsasalita nang biglang may isang babaeng umagaw nang atensyon naming lahat.
Nanliit ang mata ko. Kilala ko siya. Siya si....
"Claire?!" Sabay na sigaw nilang lahat habang halata sa mga mukha nito ang pagkagulat.
"The one and only." Ani nito. "Hello again guys!" Hyper na bati nito habang nakangisi pa. Sinundan ko naman kung saan ito nakatingin at nahuli ko itong nakatingin sa asawa ko.
Pagtingin ko naman kay Kyler ay walang emosyon lang itong nakatingan kay Claire.
Napailing nalang ako at lihim na hinawakan ang kamay ni Kyler. Ayoko kasi nung tingin nang ex-girlfriend niya. Halatang may binabalak at hindi maganda ang pakiramdam ko doon.
Napatingin ang asawa ko sakin saka ako nginitian. I smiled back at him at mas hinigpitan ang hawak dito.
I know that, this will not be as easy as we thought because his ex is back. But I don't care because his mine.
BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Teen FictionPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...