Chapter 10: Mesmerized (EDITED)

5.6K 139 19
                                    

KYLER'S POV:

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa inuupuan ko. Paano ba naman kasi? Magsisimula na ang performance naming dalawa pero hindi ko pa rin nakikita kahit anino niya dito.

Saan na ba kasi yun? Tinanong ko naman yung pinsan niya pero ang sabi lang nito ay umalis daw pero dapat nandito na siya ngayon eh.

"Mr. Arellano, where's your partner?" Tanong bigla nang prof namin. Napatingin naman ako dito ng alanganin.

Kaming dalawa nalang kasi talaga ang hindi nakakapag perform kaya ko siya hinihintay. Hindi man lang siya tumawag o nag text para malaman ko kung pupunta ba siya or hindi.

Napabuntong-hininga na lamang ako. I give up, kanina pa dapat siya nandito kung may plano pa siya magperform. "She can't make it." I just told him with a bored tone.

"Much better, Mr. Arellano." Masayang saad nito sakin dahilan para mapakunot ako ng noo. Nabingi yata ako, tama ba ang narinig kong sinabi nito?

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko dito. Bakit parang ang saya-saya niya pa?

"It's okay for me na hindi kayo makapag perform because you two will be our representative in Mr. And Ms. Intramurals 2017." Sagot nito sa tanong ko. Ano daw? Kaming dalawa ang sasali? Buti kung pumayag yun. Tomboy nga yun 'di ba?

"Iyan na yata ang pinaka worst idea na narinig ko prof." Bored na saad ko sa kanya. Totoo naman eh, napakaimposible ng gusto niyang mangyari. "She's a lesbian for Pete's sake at wala talaga siguro sa vocabulary niya ang mga pageants na ito." Dagdag ko pa.

Ngumiti lang ito sakin bago magsalita. "Papayag siya. I know she will." Makahulugang tugon nito sa sinabi ko. Napakunot na lamang ako ng noo. Isa pa 'tong si prof eh. He's weird!

Tumahimik na lamang ako kaya lumabas na lamang siya nang room namin.

"Ang confident niya ah, ewan ko lang kung saan siya dadalhin ng confidence niyang yan." Umiiling na saad ni Gail. Hindi na lamang ako nagkomento, ang importante sakin ngayon ay maipasa ang subject na ito.

"Guys, punta tayong mall!" Sigaw bigla ni Jaylen sa excited na tono. Napaikot na lamang ako ng mata dahil sa kaingayan nito.

"Shut up Jaylen! Hinaan mo nga yang boses mo!" Saway pa ni Zhaira dito dahilan para mag peace sign na lamang si Jaylen. Maya-maya ay ibinaling ng mga ito ang kanilang paningin samin. "Oh, ano sama kayo guys?" Tanong pa ni Jaylen.

"Sige na!" Pangungulit pa ni Zhaira at nagpuppy eyes sa harapan namin. Napapailing na lamang ako dahil sa pinanggagawa nila.

"Hey! Zhaira snap out of it!" Biglang sabat naman ni Justine sa naiinis na tono. Problema ng mokong na 'to?

Tinaasan ito ng kilay ni Zhaira. "Bakit ba?" Tanong nito. "Tsk, Inggit kalang eh palibhasa pangit ka, ako maganda. Bleh!" Pinalabas niya pa yung dila niya pagkatapos sabihan ito.

"Hindi ako pangit, gwapo ako. Palibhasa di ka marunong mag appreciate!" Kontra naman nung isa.

"Hoy! Hindi ka gwapo, ewan ko nga ba't andaming nagkakagulo sa tuwing nandiyan ka. Ew!" Mataray na saad ni Zhaira dito kasabay ng pagpapakita nito ng nandidiring mukha.

Tumawa na lamang yung iba naming kasama except sakin dahil hindi talaga ako natutuwa sa mga nangyayari. "Tama na nga yan. Alis na tayo." Saway na lamang ni James sa mga ito bago pa sila mag-away ng husto.

Aalis na sana kaming lahat nang biglang magsalita yung nerd. "Ahm, guys pwedeng mauna na ako?" Tanong nito samin.

"Bakit ka aalis agad? Ayaw mo bang sumama samin?" Nakangusong tanong ni Gail dito.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon