Ngayon nalang ulit nakapag update. Sorry guys kung matagal, marami kasing ginagawa. So, since malapit na birthday ko. Pag advance gift ko na ito sa inyo. Enjoy!
RAIN'S POV:
Simula ng makauwi ay hindi lingid sa akin na parang may iniisip na malalim si Kyler. Palagi siyang tulala at hindi makatulog. Gustong-gusto kong magtanong ngunit baka hindi rin siya sumagot sakin. Ramdam ko rin na medyo dumidistansya siya sakin. Ayoko ng ganito ngunit kailangan dahil marami na naman akong aatupaging trabaho.
Nandito ako sa balkonahe ng aming kwarto, nakaupo habang nakatingin sa langit. I let out a soft sigh dahil sa mga iniisip ko ng biglang tumunog ang aking phone. Kinuha ko na lamang ito sa center table saka sinagot ng hindi tinitingnan ang screen nito.
"Hello?" Tanong ko.
"Rain? Kailangan na nating umalis." By the sound of it. Si Joyce itong kausap ko.
"Sige, pupunta na ako diyan. Sakto at wala si Kyler ngayon." Sagot ko at binaba na ang tawag.
Tumayo ako saka nagbihis ng isang black jagger pants, white croptop at isang white airmax shoes. Sinuklay ko ang aking buhok habang suot pa rin ang fake kung wig. Hindi ko pa napapakita ito kay Kyler at wala akong balak ipaalam. Hindi pa sa ngayon.
Kinuha ko ang aking bagahe na kanina ko pa hinanda saka lumabas na ng bahay.
Tumingin pa ako sa kabuuan nito saka ko natandaan bigla si Kyler. Hindi na ako magpapaalam sa kanya dahil alam ko narin naman ang sitwasyon namin, kahit ayoko nito ay kailangan kung sumunod sa kung ano ang pwedeng mangyari. Maaayos ko rin ito, hon. Pangako ko yan sayo. Bumuntong-hininga lang ako saka sumakay na sa aking kotse at pinatakbo ito papuntang airport.
Pagdating ko dun ay bumungad kaagad sa harapan ko si Joyce. Lumapit naman bigla ito sakin at niyakap ako. Maya-maya ay medyo lumayo rin ito ng kaunti para makita ang mukha ko.
"Nagpaalam ka ba sa asawa mo?" Tanong nito sakin. Umiling lang ako dito.
"Hay naku, hayaan mo na nga yan." Saad na lamang nito. "Halika na dahil marami ka pang trabaho." Aya niya sakin saka ito nauna ng naglakad. Sumunod naman kaagad ako sa kanya saka kinuha ng mga flight attendant ang mga bagahe ko at inilagay ito sa private airplane na gagamitin namin.
Pagkapasok ay agad akong pumunta sa pwestong nakalaan para sakin. I get my phone and put an earphones in my ears. I feel the music at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Maya-maya ay naramdaman ko nalang na may isang mainit na kamay ang nakahawak sa mga palad ko. I open my eyes at bumungad sakin si Cheryl. She smiled at me saka binitawan na ang pagkakahawak sakin.
"Young lady? Kailangan na po nating bumaba." She said. Tumango na lang ako saka tumayo na at nauna nang maglakad palabas ng eroplano saka ako pumasok sa kotseng nakahanda para samin.
Pagkapasok ko ay nandun na pala si Joyce na may kausap saka sumunod naman si Cheryl na siyang umupo sa driver's seat.
"Let's go, Che." Narinig kung saad ni Joyce saka umandar ang sasakyan.
Nang tumigil kami sa harap ng kompanya ay kaagad akong bumaba mula sa kotse saka pumasok sa kompanya ko.
Everyone is looking at me as if hindi nila ako kilala. Sino ba naman kasing makakilala, eh hindi ko tinanggal ang wig ko?
"Si boss ba yan?" Narinig kong tanong nang isang empleyado ko habang bumubulong pa sa kapwa empleyado niya.
"Siya nga siguro. Nagpakulay siguro nang buhok." Sagot naman ng kausap nito.
BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Teen FictionPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...