Another chapter guys! Hope you will love this <3
SKY'S POV:
Nagising ako dahil sa pag ring bigla nang aking cellphone. Nakapikit ko itong kinapa sa aking bulsa at pinindot nalang agad ang answer button.
"Hello?" Tanong ko.
"Where the hell are you lady?" Tanong nang nasa kabilang linya. Bigla namang napamulat ang mata ko dahil sa boses na yun.
"Why do you care?" Cold kong tanong kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko na siyang sigawan.
"Nag-aalala na ako sayo, kahapon hindi na kita naabutan dito sa tambayan namin!" Halatang naiinis na siya. Ayan na naman, bumalik na naman ang sakit dahil sa nakita ko kahapon. Langya, talaga tong lalaking to!
"Wala kang pakialam." Tanging nasagot ko at pinatay na ang tawag.
Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil bigla iyong sumakit. Tsk, naka inom pala ako kagabi at nandito pa rin ako sa bar. Hindi pa nga ako nakapag bihis eh.
Tumayo na lang ako sa sofa saka pumunta sa banyo. Kompleto naman lahat nang kakailanganin ko dito eh, except the school uniform.
Pagkatapos kung maligo ay kumuha lang ako nang black T-shirt at black ripped jeans saka white shoes sa cabinet na nilalagyan ko nang mga damit dahil baka sakaling pumunta ako sa isa sa mga opisina ko, tulad ngayon.
Nagbihis lang ako at naglagay nang black contact lense at bagong wig. Naglagay na rin ako nang black cap saka pinusod muna ang buhok ko.
Pagkatapos ay lumabas na ako doon pero sa fire exit ako dumaan para walang makakita sakin.
Kaagad akong sumakay sa aking kotse at pinaharurot ito pauwi. Pinagbuksan naman ako nang mga guard pagkakita nila sakin.
Dere-deretso akong pumasok sa bahay kasabay nang pagbati sakin nang magandang umaga. Binalewala ko nalang kasi wala ako sa mood. Well, araw-araw naman eh. Tsk!
Pagkapasok ko sa kwarto ay sakto ring tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko nalang ito sa bulsa ko at sinagot.
"Yes?" Bagot kong tanong sa kabilang linya.
"Rain! We need you here right now. May mga investors na gustong mag invest sa kompanya mo pero mas gusto nilang ikaw ang makipag-usap sa kanila." Langya naman oh!Napaka wrong timing talaga ni Cheryl. Ano ba naman yan!
"Hindi ba talaga pwedeng kayo nalang?" Tanong ko saka napahilot nalang saking noo. "Hindi ako pwede ngayon Che." Naiinis na dagdag ko pa.
"I'm sorry young lady but they can't wait. Were here at your restaurant in Laguna." Nag-aalalang sagot nito sakin. Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi ko naman to pwedeng tanggihan dahil without them, hindi rin naman lalago ang mga negosyo ko.

BINABASA MO ANG
Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)
Teen FictionPaano kong isang araw bigla ka nalang pinatawag ng mga magulang mo at nabalitaan mo sa kanila na ikakasal ka na? Okay lang sana kong babae ang ipapakasal sayo pero lalaki? Isang napakalaking nakakadiri. Paano ka magkakagusto doon eh, tomboy ka? Tung...