Chapter 7: Friend Of A Nerd (EDITED)

5.8K 163 49
                                    

SKY'S POV:

May mas boring pa ba sa klase ngayon? Naman! Tumayo ako sa upuan at akmang lalabas na sana ng bigla akong tawagin ng aming professor.

"Miss Fernandez!" Napatingin naman ako dito ng malamig. "Where are you going, ?" Tanong nito sakin. Hindi ba niya nakikitang palabas ako? Ang boring kaya ng klase niya. I am wondering why this stupid classmates of mine are still staying here.

I snorted. "It's none of your fucking business." Malamig na asik ko dito at walang anu-ano'y lumabas na doon kahit patuloy ang pagtawag nito sa pangalan ko. Mukha ba akong may pake? Syempre, wala. Wala talaga akong pakialam sa professor na iyon kong magalit man siya o magwala dahil sa ginawa ko. 

Naglakad na lamang ako sa hallway at nakitang walang kahit na sino ang naglalakad kasama ko ngayon. Obviously, dahil class hours pa at take note, lumabas lang naman po ako ng walang paalam. I sighed, pumunta na lamang ako sa Garden at umakyat sa isang puno para matulog. Handa na sana akong umidlip ngunit may narinig akong ingay kaya tiningnan ko kung sino ito.

"Bakit ba?" Naiinis na tanong nito sa kausap. "Ayoko munang bumalik, wala namang nakakakilala pa sakin dito eh." Giit pa nito. "Sa tamang panahon na lang, ayoko nga eh. Gusto ko munang mag enjoy hangga't wala pang nakakaalam kong sino ako." Naiinis pa rin na giit nito sa kausap habang nakatingin sa kaliwa at kanan, mukha itong aligaga. "Shut up! I know what I'm doing!" Galit na saway nito at ibinaba na lamang ang tawag. Napaikot ako ng mata dahil sa mga sinabi nito. Walang nakakakilala? Eh, ano ang tawag niya sakin? Akala niya ba madaling malusutan ang mga mata ko? She put her phone on her pocket bago luminga-linga sa paligid, hindi niya yata ako nakita dito sa taas dahil natatakpan ako ng mga malalaking dahon ng puno, which is good. Lumakad na siya paalis kaya tumalon ako sa puno at palihim siyang sinundan. Naglalakad kami sa hallway habang siya ay nasa unahan at nakasunod naman ako dito mga ilang metro lang mula sa kanya nang may biglang humarang sa dito na ikinaikot ko ng mata.

"Hey, nerd!" Tawag ng impaktang nagpahiya sa kanya nung isang araw. Hindi ba talaga ito titigil? "Hindi ko alam kung paano ka nakapasok sa eskwelahang ito at wala akong pakialam ngunit you should know that you don't belong here, noong una pa lang sinabi ko na sayo yan pero hindi ka nakinig sakin. Umalis kana kasi dito!" Naiinis na saad nito sa kawawang babae. Kawawa nga ba? Saan nga ba ako maaawa? Sa babaeng nambubully o sa binubully? Sigurado naman kasi akong malalagot ang mga may sala kapag nalaman ito ng mga magulang niya. Knowing her parents, she's an only child at alam kung hindi nila gugustuhing malaman na may nambubully ng kanilang anak. Nakayuko lang naman si Kassy habang pinapagalitan ng babaeng pinaglihi sa espasol at tumatawa naman sa likuran nito ang dalawa nitong mga alipin. I just rolled my eyes towards them. Pathetic bitches!

"Pwede ba? Just leave me alone." Mahinahong pahayag ni Kassy sa mga ito. Iiwas na sana ito pero hinarangan na naman siya ulit ng isa sa mga alipores nung babaitang walang magawa sa buhay.

"No! We can't let that happen, mababahiran ng kapangitan ang school na ito kong nandito ka." Maarteng tugon ni Maxxine kasabay ng pag duro-duro pa niya sa babaeng kaharap. Nagsalita ang maganda, siya nga yata ang nagiging dahilan ng kapangitan nitong eskwelahang pag-mamay-ari namin.

"Hindi ako aalis dito at wala kayong magagawa doon!" The girl said firmly. Akmang aalis na naman sana ito ng makita kong bubuhusan na siya ng tubig nung isa sa mga kasama ni Maxxine. Dali-dali ko naman siyang hinigit at sinipa yung lalagyan ng tubig papunta sa mga walang kwentang nilalang kaya sila yung nabasa at hindi siya.

They gasp in surprise, then the surprise turn into rage while glaring at me. "WHAT DID YOU DO? YOU BITCH!" Nanggagalaiting sigaw nila sakin pero tinangnan ko lang sila ng walang emosyon. Maarteng mga palaka, hindi naman magaganda, tsk.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon