PROLOGUE

9.8K 174 11
                                    

PROLOGUE

"Uy Ali, congratulations dean's lister ka na naman. Sipag mo ah. Baka maging Suma Cum Laude ka na nyan ha." Pagbibiro ng isa sa mga classmates ko na for sure eh gusto ko lang ding batiin sya dahil kasama sya sa dean's lister.

"Naku second year palang tayo. Matagal pa yang sinasabi mo. Congratulations din naman sa'yo. Kasama ka rin oh, nakita ko yung pangalan mo." Nagkibit balikat sya at nagpapahangin na akala mo sobrang init.

"Maliit na bagay. Sa susunod talaga magrereview na ako para sa exams tsaka magpapasa na ako ng papers on time para naman mas tumaas ang grades ko. Ay kaso nakakatamad magaral. Effortless pa nga lang ako ang taas na ng grades ko. Dapat pala ikaw ang magsipag kasi scholar ka di ba? Kaya naman kasi naming magbayad." Nanliliit na ang mga mata ko sa mga sinasabi nya. Sabi sa inyo sobrang daldal nya at ubod ng yabang. Kung pwede ko lang 'tong suntukin ginawa ko na. Di nya lang alam na pinapatay ko na sya sa isip ko.

"Ooops! Aalis na ako. Alam mo na working student, skolar. Kailangang kumayod kasi di kayang magbayad. Sanay sa hirap kayang mabuhay mag-isa. Dyan ka na. Hanap ka na lang ng kausap!!!" Dahan-dahan akong naglakad paatras tsaka mabilis na tumakbo. Hay buhay, di naman ako sa mamahaling school nagaaral pero ang yayabang ng mga tao dito. Kung mayaman pala sila bakit dito sila nagaral? Sigurado namang kapag pumasok sila sa mamahaling school eh sila ang pinakamahirap.

Ako nga pala si Ali, well Dalisay Liwayway talaga ang buo kong pangalan. Oo na, alam ko na ang panget. Hindi ko din alam sa mga magulang ko bakit yan ang ipinangalan sa'kin. Pero mas gusto kong tinatawag akong Ali. 18 years old na ako at working student. Maganda naman ang buhay namin kahit paano. Si tatay ay company driver at maayos naman ang sweldo nya. Si nanay naman ay may maliit na tindahan ng kakanin sa bahay habang nagbabantay ng inaalagaang bata. Dalawa kaming magkapatid, meron akong kuya pero wag na lang nating pagusapan kung anong klase syang tao.

Dito ako nag-aaral sa Liwliwa State College. Isang maliit na school dito sa lugar namin. Mura lang at hindi ganun kasikat. Mura nga dito pero di katulad ng mga ibang schools na sobrang mahal ng tuition. Dito kasi mura na nga sya pero di ko pa rin kaya. Tinutulungan ako nila tatay kahit paano pero nagta-trabaho pa rin ako sa isang fastfood chain, ang McJolli. Yung kinikita ko dun ang pinangbabaon ko sa school. Yung projects at other expenses kay tatay na nanggagaling at kay nanay. Pero minsan wala din silang mabigay kasi yung kapatid kong hudluman walang kasing sama. Kinukuha ang pera namin sa bahay.

Tulad ngayon papapasok na ako sa McJolli. Afternoon shift ako ngayon pagkatapos ng klase. Magtwo-two years na akong nagta-trabaho dito at masaya naman ako kahit paano. Libre kasi ang pagkain kaya nakakatipid ako.

"Congratulations!!!!" bati nilang lahat sa'kin habang hinagisan ako ng confetti pagpasok ko sa locker room.

"A- anong meron? Don't tell me dahil 'to sa pagiging dean's lister ko ha." Sabi ko sa kanila tsaka ko kinuha ang balloons na iniaabot sa'kin ng manager namin. "Mukhang ito pa yung balloons sa party kahapon ah." Pagbibiro ko sa kanila.

"Dean's lister ka rin? Hanep ka naman talaga Ali!!!!" Pagbati ng manager namin na si Neruson. May inilagay syang pin sa damit ko tsaka sa hat ko. "Ikaw ang employee of the year natin!!!!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Gusto ko laging ganito. Kapag naging employee of the year ka merong reward. Either cash or gift certificates.

"Sir, cash po ba ang ibibigay nyo?" excited kong tanong sa kanya.

"Sabi sa inyo sir wala syang pakialam sa title. Yung reward talaga ang gusto nya." Sabi ni Mikoy na crew din sa McJolli.

"Hindi naman. Alam nyo namang matindi ang pangangailangan ko. Dali na sir, sabihin mo na." Pangungulit ko sa kany.

"Cash!! Oh ayan!!" iniabot nya sa'kin ang sobre at binuksan ko kaagad. "Ingatan mo yan ha."

Nakita kong merong 4 thousand sa loob. "OH MY GOSH!!!!! Marami pong salamat. Salamat sa inyong lahat!!!!!!"

Sobrang ganda talaga nitong araw na 'to para sa'kin. Wala na akong ibang gugustuhin pang mangyari kundi ang mabuhay ng ganito kasaya.

"O sya time to work na. Mag-time in ka na." Sabi ni sir sa'kin at nagbalikan na lahat sa trabaho.

Inilalagay ko ang mga gamit ko sa locker ng lumapit si Adaline, ang inggitera kong kasama sa trabaho. "Nice one, Ali." Pagbati nya habang binubuksan ang kanyang locker.

"Thanks." Tipid lang akong ngumiti.

"Siguro kung sisipsip din ako kay sir baka employe of the year di ako no?" Isinara nya nang malakas ang locker nya. Magsasalita pa lang ako pero di na nya ako pinatapos. "Don't worry, hindi ko yan balak agawin sa'yo. May araw ka rin." Tsaka sya umalis.

"Yabang! Bakit ba ang daming mayabang sa mundo. Hindi na nga mga kagandahan mayayabang pa." Well hindi rin ako maganda ha. Kulot ang buhok ko na parang walistambo at makapal ang kilay. Di din ako ganun kaputian. Mahal kasi ang mga glutathione na sabon kaya antibacterial soap na lang ang ginagamit ko. Mas okay naman yung di ka maputi pero walang body odor kesa sa maputing mabaho, di ba?

Natapos ang shift ko at excited akong umuwi para ibalita kay nanay at tatay ang mga magagandang nangyari ngayong araw. Sobrang supportive ng parents ko sa lahat ng bagay at sobrang bait nila kaya mahal na mahal ko yung mga yun eh.

"Bye, Ali!" paalam ni Mikoy habang papalabas na ako ng fastfood.

"Bye." Sagot ko tsaka naglakad para mag-abang ng jeep. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha ko. Alam ko para na akong baliw. Eh ano naman ngayon? Masaya ako eh.

Nakuha ako ng pamasahe sa wallet ko ng biglang may mabilis na dumaan na sasakyan sa harapan ko mabuti na lang at may isang lalaking humigit sa'kin paatras. Hindi ko na pinansin yung lalaki dahil umalis na rin naman sya. Pero kinabahan ako. Parang may mangyayari masama. Well talagang may mangyayaring masama kung hindi ako nailigtas nung lalaki. Pero iba eh, kapag kinakabahan ako ng ganito proven and tested merong hindi magandang mangyayari. Ibang kaba 'to. Ano kayang mangyayari?

Nag-iisip ako sa kung anong pwedeng mangyari ng tumunog ang cellphone.

The club isn't the best place to find a lover

So the club is where I go

Me and friends at the table doing shots

Drinking fast and then we talk slow

Hinalughog ko sa bag ko ang cellphone at nakita kong tumatawag si nanay. "Hello, nay." Sagot ko.

[Anak, nasaan ka na ba?]

"Pauwi na po. Nagaabang ng jeep. May ipapabili po ba kayo?" tanong ko sa kanya.

[Wa – wala naman anak. Pero – pero wag ka na munang umuwi sa bahay.] Parang kakagaling lang sa iyak ni nanay.

"Nay, bakit po? Nanggulo na naman po ba si kuya? Alam nyo nay ipapabarangay ko na talaga yan. Nasaan po kayo?" ganun kasi lagi si kuya. Nagwawala kapag walang nakukuhang pera kina nanay at tatay. Napakawalang kwenta no?

[Nandito ako sa Liwliwa Goverment Hospital.] At biglang umiyak si nanay.

Hindi ako nakagalaw. Hindi ko gusto ang sinabi nya. Ito na yung masama kong kutob.

At doon nagsimula ang pababago ng aking buhay.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon