SIX-GETTING TO KNOW THE ALCANTE BOYS-

1.4K 49 9
                                    

SIX

-GETTING TO KNOW THE ALCANTE BOYS-

"Tingin mo normal sya?"

"Hindi. Sobrang panget eh."

"Grabe yung laway pwede nang makalunod ng isang barangay!"

"Ang laki pa ng bibig! Grabe, saan kaya 'to nahanap ni Ares?"

Pati ba naman sa panaginip nakikita at naririnig ko ang mga panget na yun – teka bakit sobrang lapit naman ng mukha nila sa panaginip ko?

"Ay nabuhay na!"

Sabay sabay silang napaatras sa pagbangon ko. "Ahhh di panaginip! Ang sasama ng ugali nyo no." Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko tsaka pinunasan ko ang bibig ko. Grabe tumulo na pala ang laway ko. "Oh anong tinitingin tingin nyo? Ngayon lang kayo nakakita ng natutulog?" Tumingin ako sa paligid. "Wala pa ba yung handler ni – sino nga yun? Aros Caldo ba?" Bigla silang nagtawanan.

"Aros Caldo daw!!" sabi nung moreno. "Lakas din nito eh no? Marinig ni Ares yun lagot sya."

"Bakit ako malalagot? Lastik ba ko?" Nagunat unat ako. "Ang tagal ha. Nagugutom na ko."

"Wow, gising na pala ang akala mo may taping kagabi." Biglang pumasok si Aros Caldo.

"Nagtrabaho naman talaga ako no!!" Bigla kong naalala yung nangyari kagabi at di ko akalaing mawawalan talaga ako ng trabaho. Bigla ulit akong napatingin kay aros caldo at sa mga kasama kong lalaki sa loob. Apat sila at wala silang shades or cap. Ngayon ko lang napansin kasi naman kanina antok antok pa ko. Mukhang FilAm pala 'tong si Aros Caldo. Tapos sino nga yung kumausap sa'kin sa sasakyan? Uhmmm yun atang pinoy ang itsura. Sino nga sya ulit? Ugh! Bakit ba kasi ang hina ko sa names?

"Hala mukhang nahihimasmasan na sya. Mamaya magsisisgaw na yan." Nung sobrang puti na parang German – German shepherd. Natawa ako sa naisip ko. "Ayan na nga."

"Sira! Bakit naman ako sisigaw? Rapist ba kayo?" at tumawa ulit ako pero hindi sila nagsalita. "Hala, seryoso? Masasama kayong tao?" dahan dahan akong umaatras sa kinauupuan ko. "Uhm ano kasi – kasi po – kasi bata pa ako at – " biglang may tumamang bola sa ulo ko, " – aray naman!!!! Bakit ka ba nambabato?!!!!" sigaw ko kay Aros caldo.

"Kapal din ng mukha mong pagkamalan kaming masamang tao no? Sa'ting lima dito ikaw pa 'tong mas mukhang manloloob!! Sa itsura mong yan!!!" Dinuro duro nya pa ako habang nainom sya ng di ko alam kung ano yun.

"Eh di ikaw na. Ikaw na. Ikaw na! Nasa iyo na ang lahat!!!" I rolled my eyes. "Oh bakit nakatingin pa rin kayo sa'kin? Hindi ako magnanakaw!!!!" Bigla silang nagpacute. "Duh!!!!"

"Di natalab." Sabi nung morenong malaki katawan.

"Di yan sisigaw. Di nyo naman sya tagahanga." Sagot nung pinoy look na tahimik. "Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong nya sa'kin.

"Ako?" tanong ko na medyo napatitig sa kanya ng konti.

"Hindi – hindi, yung figurine sa likuran mo. Okay lang ba kung tumabi ka para makausap namin sya?" sagot nya sa'kin.

"Aba't loko 'to ah." Sagot ko at tumabi naman ako. Nakita ko yung angel na figurine. "Nagsasalita ba 'to?" Tinitigan ko maige baka talking figurine 'to.

"HAHAHAHAHAHAHAHAH!! Lakas ng tama ng PA mo Ares!!!!" tumatawang sabi nung German shepherd.

Kumunot ang noo ko tsaka humarap sa kanilang lahat. "Joke lang yun no! Sinakyan ko lang kayo. Tuwang tuwa ka naman. Wag masyadong malaki bukas ng bibig ang panget mo lalo." Napatigil sya sa pagtawa at tumahimik ang paligid. "Bakit? First time sabihan ng panget?"

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon