TWENTY EIGHT - SAVAGE-

786 26 2
                                    


"Ano ba kasi 'tong kalokohan nyo? Kapag ako lang nasaktan dito humanda yang mga itlog nyo!!!" Pagdating naming ng taping itong tatlo biglang tinakpan ang mga mata ko. Sabi nila may surprise daw sila sa'kin. Surprise eh nandito lang kami sa Bahay at talagang dapat nakablindfold pa. Wala akong tiwala sa kanila. "Ano malapit na ba tayo - ahhhhh" pakiramdam ko sumala ang pagtapak ko dahil naramdaman kong mahuhulog na ako pero may biglang sumalo sakin at pakiramdam ko binuhat ako. "Oy, sinasabi ko na nga ba! Ibaba nyo na ako!!"

"Bakit di mo kasi hinawakan?"

"Sira ka ba hawak ko yung pintuan! Ikaw yung nandyan."

"Baliw ka ba hawak ko sya."

"Tama na nga! Okay naman sya."

Hindi ko mabosesan masyado kung sino ang nagsasagutan dahil halos sabay sabay silang magsalita.

"We're here." Naramdaman ko na nakaupo na ako sa couch. Saan naman kaya nila ako dinala.

"Sinasabi ko sa inyo - ano magaling ako sa karate." Hindi ako mapakali dahil bigla silang tumahimik. "Aalisin ko na 'tong blindfold bahala kayo. Kapag lang ako iniwan nyo lagot kayo sa'kin." Hindi pa rin sila sumasagot kaya mabilis kong inalis ang blindfold pero parang ganun pa rin. Sobrang dilim at wala akong Makita. "Ah ah naman eh. Hindi na nakakatawa 'to. Pagod ako hoy!!" Tumayo ako pero di ako umalis sa pwesto ko. Sabi nila kapag wala kang Makita sa dilim pumikit ka lang then count 1 to 10. Nakaadjust na yung mata mo sa dilim. Teka, kanina pa ako nakablindfold bakit di pa rin nakaadjust yung mga mata ko?

Pagbukas ulit ng mata ko biglang bumukas ang ilaw at nabulag na ako - joke lang, nasilaw ako. "Surprise!!" Sabay sabay na sigaw nung apat habang may paconfetti at champagne pa.

"What is going on?" Tumingin ako sa paligid at hindi pamilyar sa'kin yung lugar. "Where are we?" naguguluhan kong tanong sa kanila.

Lumapit si Lann sa'kin at inabutan ako ng red cup. "Dito sa place mo."

"Huh? Place ko? Can anyone please explain it to me?" Ininom ko ang ibinigay ni Lann pero naibuga ko kaagad. "Ano 'to? Bakit ang pait?"

Nagtawanan naman silang apat. Lumapit si Ares sa'kin at kinuha ang cup ko tsaka pinalitan ng can of soda. "Ito yung basement na sinasabi ko sa'yo. Habang busy tayo kanina pinaayos ko na at pinalipat ko na rin ang mga gamit mo dito. Walang daan dito papunta sa taas from the inside kasi nandun sa loob ang code. So kung gusto mo kaming puntahan you have to use the main door. Alam mo naman ang code dun. Pero kami anytime pwede ka naming puntahan without using your entrance."

"And what's that supposed to mean?" I folded my arms over my chest at nagtawanan ulit sila. "So - wait mag isa na ako dito? Teka paano yung PA job ko? Tsaka wala pa kong down payment - " tinakpan ni Ares ang bibig ko.

"Ang daldal ni ALi kahit kelan hindi na nagbago. Wag ka ng mag-alala si kuya Atan muna ang PA ni Ares. Ayaw na nya ng babae dahil sobrang maligalig daw." Sabi ni Nik habang kumukuha ng pagkain.

"Umorder na kami ng food kanina pa. Ito yung welcome party natin para sa privacy ni Ali." Sinalinan ni Genesis ang lahat ng cups ng champagne. "Let's cheers to that."

Finally inalis na rin ni Ares ang pagkakatakip ng kamay nya sa bibig ko. Nagcheers kami pero soda lang ang sa'kin.

"Ali hanep yung interview mo, trending na naman." Umupo si Lann sa kabilang side ko so nasa gitna nila ako ni Ares. "Siguradong galit na galit na naman si Hope."

"Tss! Palagi naman yung galit akala mo lola." Pagbibiro ni Ares tsaka uminom ng champagne.

"Paanong hindi, ikaw na dalawin ni Ares sa interview. Never pang Nakita ng tao yun sa kanila ni Hope unless sabay ang interview nila." Sagot naman ni Nik na umiinom din.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon