TWENTY SEVEN -TWGA PART 2-

827 27 5
                                    


Commercial break kami kaya nagpasukan ang mga make up artist para sa retouch. Halos kinakabahan pa rin ako kasi naman hindi pa kami tapos. Iniabot ulit sa'kin ang papel at binasa ko ng mabilis nang Makita ko si Ares na dumiretso kay tita Girl at bumati.

"Oh my gosh, Ares in the flesh." Bati ni tita Girl tsaka yumakap kay Ares. "When can I interview you?" She folded her arms over her chest habang nireretouch sya ng make up artist.

Inabutan ni Ares si tita Girl ng bottled seltzer. "Anytime naman po pwede." Pagbibiro nya ng tawagin si tita Girl ni direk. Dumiretso naman sa'kin si Ares at inabutan ako ng bottled drink. "Ang ganda mo ah."

Medyo naiilang pa rin ako after nya akong halikan at never na naming pinagusapan ang tungkol dun as if it didn't happen. "Thanks. Maganda yung taste mo. And thank you rin dito." Sabi ko tsaka ko binuksan yung bottled drink na ibinigay nya sa'kin. "Tapos ka na sa shoot mo?"

"Yeah, ikaw na lang ang iniintay ko." Nahiya ako sa sinabi nya kasi sya pa yung naghihintay sa'kin. "Wag kang kabahan. Take your time."

"Alright, on air tayo in 3 minutes! Clear the stage!!!" Sigaw nung crew at mabilis naman kinuha ni Ares yung iniinom ko at bigla syang uminom.

"Hey!!! Nainuman ko na yan!!!" Napalakas ang sabi ko at napatingin si tita Girl at iba pa sa'min.

"Mag on air  na naman kayo." Tipid nyang sagot tsaka umalis at bumalik na kami ni tita Girl sa pagkakaupo naming.

"And go." at umilaw na ulit ang on air na sign.

"Nagbabalik ang TWGA kasama pa rin natin si trending PA, Ali Yail. Ali, pumutok ang balitang hiwalay na sina Ares at Hope. Can you confirm it?" Seryoso bigla ang lahat. Hindi ko alam ang isasagot ko. Unang-una dahil nandito si Ares. Pangalawa, I don't think I have the right to confirm it.

"I don't know. Ares never talked about it so I can't confirm it po. Besides, I don't think I'm the right person to talk about this." Yun lang isinagot ko dahil alam kong mas safe yun. Iwas bashers na rin.

"I understand and we respect that. Let's say hiwalay na nga ang dalawa, ikaw ba ang dahilan at totoo bang niloko ni Ares si Hope? Once and for all Ali, liwanagin mo ang issue na ito para matuldukan na." Napatawa ako sa tanong ni tita Girl.

"Kung hiwalay man po sila, siguro naman po hindi third party ang dahilan. I don't think Ares is the cheater type. Hindi po sya pala-gimik at wala din po syang naikukwento na babae sa'min. And kung totoo man pong wala na sila hindi po yun dahil sa'kin. Hindi po ako yung tao na maninira lang ng relationship." Napatingin ako kay Ares na sumenyas ng okay at tumango naman ako.

"Dun sa nakaraang ambush interview sa'yo sa taping ng movie nila sinabi mo na going strong ang dalawa at Nakita pa kayo ni Hope na magkasama. What made you say na they're okay tapos biglang break na pala?" Halos hindi na ako makahinga sa mga tanong ni tita Girl. Marami syang follow up questions na hindi ko alam kung paano sasagutin.

"On my end po, I really thought they're doing good kasi I never saw them fight naman po. Sa set ko lang po sila nakikitang together so if they were not okay, I didn't know kaya po nasabi ko na going strong sila. Like I said, I am not the person to ask po." Hindi ako magbibigay ng sagot na pwedeng pagusapan ng marami na pwedeng ikasira ko o ni Ares.

"We respect that." Tumingin sa camera si tita Girl. "Kanina mga kaibigan nung off air tayo ay dumalaw dito si Ares at nag-usap sila ni Ali. Sa Nakita ko po ay Mabuti silang magkaibigan. Sana ay wag bigyan ng kahulugan ng mga taong nakakita. I know Ares, mabait na bata." Tumingin ulit si tita Girl sa'kin. "Ali, palagi bang ganito si Ares sa'yo?"

"Tita Girl nakakahiya nandito sya." Napatakip ako ng mukha dahil nahihiya talaga ako.

"Why are you shy? Is there something going on?" Nakangiting tanong ni tita Girl.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon