SEVENTEEN -SURPASSING THE HURDLE

760 33 3
                                    


"Bilisan mo na."

"Tae ikaw na ikaw  malapit."

"Sira kapag nahuli tayo nyan lagot tayo."

"Ako na nga."

Medyo naalimpungatan ako dahil sa ingay at may liwanag na parang flash ng camera kaya naman dumilat na ako. Nakita kong bukas na ang pintuan ng van at nakakaaninag ako ng tao. Sinubukan kong gumalaw pero parang nangalay ang kamay ko coz I can't move it - wait the minute. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam ang gagawin. Nakita kong tawa ng tawa ang tatlong kumag. Sila pala ang mga naguusap kaya ako nagising. Paano kasi si Ares nakahiga na sa lap ako habang nakahawak sa isa kong kamay. Ako naman nakayap sa isa nyang braso. Tumingin ako sa tatlo. "Gisingin nyo."

"Bakit kasi ganyan kayo matulog?" Tanong ni Nik na tumatawa pa rin.

"Aba malay ko. Hindi naman kami ganito kanina. Itanong nyo pa kay kuya Atan." Pero wala na si kuya Atan sa kotse. "Dali na gisingin nyo na." Hindi ako gumagalaw dahil ayokong Makita nya kung anong itsura naming.

"Mamaya na. May pupuntahan pa naman tayo." Sagot ni Genesis tsaka sila nagsisakayan sa van.

Dahan-dahan kong inaalis ang kamay ko ng bigla syang kumilos at biglang niyakap ang braso ko. Mas Lalo akong napalapit sa kanya. "Ares, Ares gising na." Tinapik ko sya pero hindi sya kumilos. "Laway mo natulo merong paparazzi." Biglang nagtawanan yung tatlo. Dumating na si kuya Atan at nagsimula ng magdrive. "Kuya Atan, Nakita mo ba kung bakit ganito na kami nakatulog?" Ngumiti si kuya Atan.

"Paano kasi Ali kanina nauna ka pang makatulog kaysa kay Ares. Nauuntog ka sa bintana kaya hinawakan nya yung ulo mo para di ka na mauntog. Kaya lang nakatulog na sya at natumba sa lap mo. Hinawakan nya yung kamay mo para kung matutumba ka paforward at hindi pabalik sa bintana." Palilwanag ni kuya Atan at hindi ko mapigilang tumitig kay Ares. "Antok na antok na sya kanina nagrereklamo pa nga na nauna ka pang nakatulog sa kanya." Dahil sa sinabi nya hindi ko na ginising si Ares at hinayaan ko na lang syang makatulog.

"Gigisingin ko na Ali kung hindi ka comfortable." Sabi ni Lann na nasalikuran lang naming pero umiling ako. "Are you sure?"

"Kasalanan ko naman kung bakit hindi sya nakaidlip agad. Siguro kapag nakarating na lang tayo sa pupuntahan natin." Bigla akong napaisip kung saan kami pupunta dahil wala naman kaming schedule today. "Saan ba ang lakad? Bakit dapat kasama pa ako?"

"That's for you to find out." Tinapik ni Lann ang ulo ko.

Halos napapaidlip na naman ako at nakasandal na ang ulo ko sa balikat ni Ares. Nakatalikod sya sa'kin habang yakap ang right arm ko. Nagigising ako dahil pauntog untog yung ulo ko sa balikat nya. Medyo masakit kasi ang tigas ng pinakashoulder nya. Pero sobrang antok na talaga ako. Naramdaman kong mauuntog na naman ako pero nasalo nya ang ulo ko. Teka, gising na ba sya? Bakit hindi sya nakilos? Ngayon hindi na ako makatulog. Ano ba naman yan? Ano bang dapat kong gawin? Sobrang bango nya. Nakakaakit ang amoy.

"Hoy Ares bumangon ka na!! Alam naman naming gising ka ulol!!!!!" Tinapik ni Nik ng malakas ang hita ni Ares at napabalikwas ito kaya nagkauntugan kami.

"Oh my Ali. Are you okay?!" Tanong ni Ares at mabilis nyang hinawakan ang noo ko. "Saan masakit?" Nakaupo na sya pero magkatabi pa rin kami.

"Hoy!!!!" Gulat ni Genesis sa'min at biglang napalayo ng upo si Ares. "Makaasta kayo parang wala kami dito ah. Nakakasakit ka na Ares!!!!"

"I'm okay." Tumingin ako sa ulo nya at Nakita na mas pula pa yung noo nya kaysa sa'kin. "I'm fine." Sabi ko ulit sa kanya dahil hindi pa rin naalis ang mga mata nya sa pagtitig sa'kin.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon