TWO-SCUFFLE IN DISTRESS-

2.4K 67 7
                                    

TWO

-STRUGGLE IS REAL-

Sobrang hirap ng test. Nakakaantok naman. Mabuti na lang natapos ko kaagad ng mabilis. Ako nga ang nauna kaya nakapaggala pa ako. Teka, bakit nga ba ako naggagala pa eh nasa ospital si tatay? Tsaka bakit nandito ako sa bathroom?

Napatingin ako sa salamin at halatang hindi pa ako naliligo. Kaya siguro ako dito. Teka nga makapagshower muna.

"Susunod na ako dyan, magrestroom lang ako. Nandyan na din ba sila Yassi? Okay sige. I'll be there in five." Narinig kong boses ng isang lalaki.

Bakit may lalaki dito. Mabuti na lang hindi pa ako nakakapaghubad.

"Excuse me miss, why are you here?" napaharap ako sa nagsalita at napanganga lang ako sa nakita ko.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" hindi ako mapakali. Kagat-kagat ko na ang damit ko. "JAMES REID!!!!!!!!!!!"

"Yes, who are you? Oh, sorry but I really need to use the bathroom. Okay lang ba?" Yung tingin nya na ganun nakakalaglag panty talaga.

"Sure." Tumalikod ako at sobrang kinikilig. Bakit nandito si James Reid? Nasaan ba ako?

"Sa Batangas ba tayo ngayon? Wag nyo na nga akong isurprise sa birthday ko Hopie. Ayoko ng ganun. Ikaw lang sapat na." Sabay tawa. Teka, teka parang familiar yung voice. "Sige itext kita. Wait lang." Bumukas ang pinto. "Oh f*ck! Sorry miss may tao pala hindi ko alam."

Tulala lang ako habang natulo ang laway.

"Miss, are you alright?" tanong nya sa'kin. Tanong ni Enrique Gil.

"Quen!! Quen!! Quen it's me!! Natatandaan mo pa ba ako? Si Ali!!!" talon ako ng talon habang kausap sya.

"No, I'm sorry. Pero gagamit lang ako ng bathroom ha." Pumasok sya sa loob. "O dude nandyan ka pala." Bati nya kay James Reid.

Nakasandal ako sa pintuan habang pinagmamasdan ang mga likuran nila. Sobrang hot.

"Don't worry, Bal. I'll take my medicine. Wag ka nang mag-alala. Okay lang ako. Sunduin kita dyan mamaya dala ko yung motor. Sige na, bye muna." May nagsasalita na naman sa labas ng biglang bumukas ang pintuan at natumba ako paatras.

"Ahhhhhhhhhhh!!" Napapikit ako pero may nakasalo sa'kin. "Da – Daniel P – Padilla?" Nakatitig lang ako sa mga mata nya. "AHhhhhhhhhhhhhhh!!! OMG!! DANIEL!!!!!" Tumayo ako at nagtatalon ulit.

"Okay ka lang ba?" tanong nya na parang baliw ang tingin sa'kin. "Sige ha, papasok lang ako sa loob." Isasara nya sana ang pintuan pero hindi ko hinayaang sumara. Kumunot lang ang noo nya sa pagtataka at pumasok sa loob. "Uy mga 'tol nandito pala kayo." Bati nya kay Enrique at James. "Kilala nyo ba yung babaeng yun?" narinig kong tanong ni Danile sa dalawa sabay tingin sa'kin.

"Ha? Hindi eh. Baka tagalinis ng kotse." Sabi ni James Reid.

"Hindi, baka pulubi kasi naninipa ng kotse." Sabi ni Enrique Gil.

"Baka naglalakad na walistambo!" sabi ni Daniel Padilla tsaka sila nagtawanang tatlo.

Habang pinagmamasdan ko silang tumatawa biglang nagbago ang itsura nila. Naging mga nakasalamin at nakasuot ng cap sabay tingin sa'kin.

"AHhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!"

"What's wrong Ms. Liwayway?" nakatingin sa'kin ang lahat pati si prof.

"Bes, okay ka lang? Natapos mo ba yung exam?" bulong ni Yumi sa'kin.

Exam? AHhhhhhh! Oh no!! Nakatulog ako!!! 10 items palang ang nasasagutan ko.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon