SIXTEEN-BRINGING OUT THE SOUL

664 27 3
                                    

Sobrang aga naming umalis ng Bahay para sa taping ni Ares. Imagine 1am ang call time nya. Bakit kasi naisipan pa nyang gumala at hindi na lang kami nagpahinga? Buti sya nakakatulog sa byahe ako sinisigurado ko na tama lahat ng mga dala kong gamit nya. Mabuti na lang merong free coffee at pandesal sa set. Nakakakain ako. Eksena nila ni Hope ang kinukuhanan. Pinapanood ko sila ewan ko kung bakit. Halos naka-ilang take na sila kasi hindi makuha ni Ares ang gusto ni Direk. Kissing scene dapat pero sabi pepekein yung kiss at sa cheek lang talaga hahalik si Ares. Tuwang tuwa naman si Hope na paulit ulit yung scene pero halatang galit na si Ares. Nakakailang retouch na rin sya kasi ang laki ng eyebags. Siguro nagXbos na naman yun kaya hindi nakatulog.

Umupo ako malapit sa tabi ng camera man habang nainom ng kape at pinapanood sila. "Ares, ilabas mo yung emotions!!! Ipakita mo na in love na in love ka sa character ni Hope!" Sigaw ng assistant director. "Alright, rolling!!!!" Huminga ng malalim si Ares. "Action!"

Ang eksena hinahabol ni Ares si Hope dahil akala ng character ni Hope na niloko sya ng character ni Ares. Then batuhan ng lines then uulan, then hahalikan nya si Hope. Yung ulan peke naman. Ang daming hose na nakapalibot sa kanila. Nakataas yung hose tapos may sprinkle yung dulo para pagbagsak mukhang naturan na ulan. Kaya nila ginawang ganitong oras yung taping para walang araw.

"Cut! Ano ba naman Ares!!!! Wala ka ba sa sarili mo? Bakit hindi mo magawa?!!! Break nga muna!!!!" Galit na galit na si direk at lumabas na ng tent nya. Sobrang bigat ng tension sa set ngayon.

"Babe, are you not feeling well?" Tanong ni Hope kay Ares habang nakahawak sa braso nito. Napatingin sa'kin si Ares at kumaway ako. Lumapit ako sa kanya para bigyan sya ng towel. "Go away, panget." Pang-aasar ni Hope pero hindi ko sya pinansin.

Kinuha ni Ares ang towel sa kamay ko kasabay ng coffee na iniinum ko. "Uy, sa'kin yan - " bago pa ako nakatanggi nakainom na sya tsaka umalis at iniwan kami ni Hope. Ang sama ng tingin ni Hope sa'kin na akala mo kasalanan ko kung bakit basang sisiw sya. Mabilis akong sumunod kay Ares papasok sa tent nya. "Gusto mo ba ng mainit na pandesal - " at mga pandesal nya ang bumungad sa'kin kaya naman tumalikod ako, " - uhm ikukuha kita ng pagkain." Lumabas muna ako para kumuha ng coffee tsaka food then dumiretso na ako sa tent nya. Nadatnan ko sya na naglalagay ng salonpas sa likod nya pero hindi nya maabot kaya naman nagprisinta na akong tulungan sya. "Akin na nga yan! Pwede namang magsabi na kelangan mo ng tulong nagpapakahirap ka dyan." Kinuha ko ang salonpas sa kanya at pinatalikod sya. "Saan ba dito?" Itinuro ko kung saan hanggang sa sumagot sya nang di ko namalayan na hinahawakan ko na pala ang bare back nya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil baka isipin nya pinagsasamantalahan ko sya. Ang laki kaya ng muscles sa likuran nya. Ano ba yan di ako makapagfocus! "Kumain ka muna bago ka ulit sumalang. Dinalhan kita ng garlic knots para kapag hinalikan mo si Hope amoy bawang ka." Pang-aasar ko at mabilis nyang kinain yung tinapay. "Oh ayan na okay na." Pinunasan ko yung part ng likod nya na basa pa at napatigil sya sa pagkain at mabilis humarap sa'kin. "So - sorry na. Baka kasi matuyuan ka - never mind." Umupo na lang ako ulit tsaka kumain kasabay nya. "Bakit ba hindi mo magawa yung sinasabi ni direk?"

"Hindi naman ganun kadali no." Tipid nyang sagot at halatang bad trip pa rin sya.

"Then make it easy." Nagisip ako at napansin ko na iniinuman nya pa rin yung coffee na kinuha nya from me. Hindi man lang nagpakuha ng bago. Ganito ba talaga sya? Ginawa na nya 'to dati. "How about this? Close your eyes and imagine that Hope isn't Hope. Imagine she's the person you really want to kiss. Try that. It might work." Nakatitig sya sa'kin and I just smiled at him ng ipatawag na ulit sila ni direk. "Kaya mo yan. Hold your breath for one minute while thinking of that person." Pinapalakas ko ang loob nya kasi naman after nitong scene pack up na. Kaso kung hindi nila magagawa ng ayos wala na. Uumagahin na kami.

Isinuot ulit ni Ares yung basa nya na damit at binasa ulit naming ang buhok nya. Tumayo sya sa same spot at nandun na rin si Hope. Huminga ng malalim si Ares at tumingin sa'kin. Sumenyas naman ako ng okay at nagsimula nang magroll ang camera.

Sobrang hirap mag artista kasi buong lakas mo ibinubuhos mo na sa isang scene eh sobrang daming scenes ng isang pelikula. Nandun na sa part na nagbabatuhan na sila ng lines ng biglang tumingin sa direksyon ko si Ares bago nya binatawan yung lines nya. Sumenyas ako ng go go kaya nya at pumikit sya. Ginagawa nya ang sinabi ko. Unti unting naglapit ang mga lips nila pero sa cheek lang talaga humalik si Ares dahil tinakpan nya ng kamay nya ang lips ni Hope. "And cut!!! Bravo! That's intense!! Do it like that next time!!' Sigaw ni direk. "Pack up na!!!"

Lumapit ako kay Ares at inabutan ko sya ng towel and shirt. "Ang galing mo dun!!" Pagbati ko sa kanya ng itulak ako ni Hope ng bahagya.

"You're getting too close to my boyfriend. And FYI he was good kasi ako yung kaeksena nya, right babe?" Yumakap sya sa braso ni Ares pero nakatingin lang sa'kin si Ares. "Do you want to change in my tent with me?"

"I have an appointment to go to." He pulled his arm back at iniwanan si Hope na hopia na naman. Halos gusto kong tumawa dahil sa itsura nya pero di ko na ginawa. Baka mawalan ako ng trabaho kapag inaway ko ang girlfriend ng boss ko.

Dinala ko na ang mga gamit sa sasakyan at ginising si kuya Atan. Dapat kasi talaga may tulog sya dahil hindi pwedeng Puyat ang driver, ako parang artista na rin na napupuyat.

"Kuya Atan ikinuha ko po kayo ng mainit na kape at pandesal pampagising." Iniabot ko sa kanya tsaka sumakay na sa likuran. "Susunod na po si Ares nagbibihis lang." Papasara na ang pintuan ng may humarang na kamay at mabilis itong binuksan.

"Move." Si Ares ang sumulpot kaya napausod ako. Lilipat na sana ako sa likuran pero umupo na sya sa tabihan ko tsaka isinara ang pintuan. "Let's go." Utos nya kay kuya Atan. Isinuot nya ang sunglasses nya dahil papalabas na ang araw. "What you said back there?" Bulong nya hindi ko alam kung kausap nya ang sarili nya. "Imagine a special someone - " he looked at me, " - it really worked. Thank you." Tumango ako at ngumiti lang. Hindi ko na pinilit makipagtalo dahil wala akong energy. Gusto ko na lang umidlip kahit na gusto kong sabihin sa kanya na dapat naman talaga ganun ang ginagawa ng artista, internalization ang tawag dun. Pero dahil sobrang bigat ng mga mata ko nakatulog na ako.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon