FIVE-THE ALCANTE BOYS-

1.6K 59 14
                                    

FIVE

-THE ALCANTE BOYS-

"O anak bakit pawis na pawis ka? Wag mong sabihing naglakad ka lang mula school papunta dito?" tanong ni nanay habang sya ay kakapaligo palang. Akalain mo yun sya nakapaligo habang ako sa pawis naliligo. Kung alam lang nya na sa kotse ako nakasakay at tumakbo lang ako para makaiwas sa kanila.

"Hindi naman po. Sadyang mainit lang sa labas." Kumuha muna ako ng inumin. "Kumusta po si tatay?"

"Ayun, na-check na sya ng doctor." May kinuha syang papel sa bulsa. "May bagong mga gamot na pinapabili. Tig-iisa palang nabibili ko. Tira pa dun sa perang bigay mo. Kailangan nya ulit uminom ng gamot." Pinupunasan ni nanay si tatay. Napalitan na rin nya 'to ng damit.

"Wag na po kayong mag-alala tay." Hinawakan ko ang kamay nya. "Nakagawa na po ako ng paraan para sa inyo." Kinuha ko ang sobre sa bag ko. "Ayan po nay." Iniabot ko kay nanay at kinuha naman nya.

"Jusko po anak, saang lupalop mo naman ito kinuha?" yung itsura nya mas mukhang nerbyos at takot kaysa sa matuwa.

"Buti nga po yan na lang eh. Dapat mas marami pa dyan. Kanina kasi may pumick up na sa'king lalaki dun sa may school. Isinakay na ako sa kotse. Ang kulit, pinipilit pa ako sinabi na ngang ayoko. Binabayaran ako ng 10,000 ata o 15,000 kaso di ko na kinuha. Pagod na din kasi ako tsaka ayoko na munang tumanggap ng bayad. Okay na po – " nagulat ako ng bigla akong yakapin ni nanay, " – ba – bakit po?"

"Anak, anak hindi mo kailangang gawin yun para lang magkapera. Iningatan ka namin ng tatay mo. Hindi sa ganitong paraan ang tamang pagkita ng pera anak. Hindi!!!" Naramdaman kong umiiyak si nanay.

"Huh? Nay, ano bang sinasabi nyo?" hindi ko sya maintindihan.

"Anak, anak sinong pumick up sa'yo? Bakit sa school? Bakit mo ginawa?" Hinawakan nya ako mula ulo at chine-check nya ang buo kong katawan. "Anak!! Anak naman!! Pinilit ka ba? Sabihin mo lang!!" Hinawakan nya ang kamay ni tatay. "Jun, Jun ang anak mo."

"Nay ano bang sinasabi nyo dyan? Bakit umiiyak pa kayo?" Lilinawin ko palang ang sinasabi ko sa kanya ng biglang nagkikisay si tatay. "Tay? Tay!!!!! Tulong!! Tulong dok!!! Dok ang tatay ko!!! Tay!!!!!" biglang bumukas ang mga mata ni tatay at hinawakan ko ang kamay nya. "Tay, tay tumawag ka ng doktor!!"

Nabatukan pa nga ni nanay. "Sira ka bakit ang tatay mo ang uutusan mo!! Ikaw ang tumawag dun!!"

Papalabas palang ako ng lumapit ang gwapong doktor na tumulong kay tatay. Tiningnan nya muna ang mata at pulse at tumigil sa pagkikisay nya. May itinurok lang si dok sandali. "Naririnig mo ba ako?" Tumango si tatay. "Nakikita mo 'tong ilaw?" tumango ulit si tatay. "Ilan 'to?" Nakabukas ang buong palad ni dok.

"Li – lima." Sagot ni tatay at napaluha ako sa tuwa.

"Lord thank you po!" Napadasal ako sa sobrang tuwa.

"He's okay. Nalampasan nya ang critical level. Kailangan nyo lang kumpletuhin ang gamot na nireseta ko at gagaling na sya. Sabihin nyo sa'kin kung may iba kayong mapapansin." Muling tiningnan ni dok si tatay. "Kung meron kayong nararamdaman na kahit ano ipatawag nyo lang ako." Sabi nya.

"Salamat po dok. Maraming marami pong salamat." Sabi ni nanay at mabilis kong nilapitan si tatay.

"Tay!!!! Tay!!!!!" Iyak ako ng iyak. "Tay buti gising na kayo!!!!!"

"Jun!!" Napahawak din si nanay sa kabilang kamay ni tatay. "Salamat sa Diyos at gising ka na."

Ngumiti si tatay. "Paano ba naman ako hindi magigising? Narinig ko ang lahat ng sinasabi ng anak mo." Nagulat ako at biglang hinigit ni tatay ang buhok ko. "Ano't nagpapapick ka na ngayon?!!!" Nawala ang ngiti nya at naiiyak na sya. "Anak kasalanan ko 'to. Pero sana di mo ibinenta ang sarili mo para magkapera."

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon