EIGHTEEN -I'M WITH THE JERKS -

729 28 1
                                    

We've been busy these past few days dahil ang daming raket ni Ares. Halos gusto na ngang kumuha ni Miss Cem ng isa pang PA kaso ayaw ni Ares. Sobrang mapili nya. May topak pa rin sya madalas Lalo na kapag pagod sya sa trabaho. Medyo nababasa ko na din ang ugali nya. Matigas ang ulo nya kapag gutom sya at pagod. Pero nakikinig naman sya kapag ordinaryong nilalang sya. Nasanay na ako kaya hindi na ako masyadong nahihirapan pagdating sa kanya. Ang mahirap ngayon ay yung projects at events nya dahil kung saan saan kami napunta.

Tulad ngayon, merong photoshoot ang Alcante boys para sa clothing endorsement. Ilang beses silang dapat magpalit ng damit pero mas marami si Ares kasi sya ang lead celebrity kumbaga. Madami ding fans sa labas hindi ko alam kung paano nila nalaman na nandito sila.

"Yes, miss Cem. Noted po. I already booked that day for him." Halos hindi ko na alam ang gagawin dahil sa pagbibigay ni Miss Cem ng schedule.

[Miss Cem] Just make sure he gets there on time. Makakalimutin at tamad si Ares when it comes to road show pero nandun naman ang road manager nya to help you.

"Sige po. I'll let him know po. How about po dun sa meet and greet nya? Pending pa rin po kasi." Nakaipit ang phone sa right ear ko habang nagtatype sa iPad na hawak ko.

[Miss Cem] Yun ba, naku mukhang para sa love team nila ni Hope yun. Hindi ko pa kasi nakakausap yung handler ni Hope. Ayaw kasi ni Hope makihalubilo. Masyadong maarte kaya palaging nasa blind item.

Napatawa ako sa sinabi ni Miss Cem. Hindi lang kasi maarte si Hope, matapobre pa. Hindi bagay sa kanya ang pangalan nya. "I'll mention it na lang din po kay Ares. Is there anything pa po ba?" Lumingon ako sa mga boys na kinukuhanan na ang last shot before the next outfit.

[Miss Cem] I'll let you know kasi medyo ang dami ko pang inaayos. Ang daming pasaway na talent. Anyway, Salamat Ali at hindi ka nagquit.

"Ano ka ba naman Miss Cem? Sino bang magquit sa ganitong klaseng work? I'm totally fine. Sige na po at mag next set na po ang kamahalan. Alam nyo na po kapag pagod yun nagiging dragon." Tumawa si Miss Cem at nagpaalam na kami sa isa't isa nang mabangga ako ng isang nilalang na pinaka ayokong Makita.

"Ooops, sorry. Akala ko kasi garbage kaya sisipain ko sana." Her voice irritates me to the deepest. "Woah, snob hindi naman artista." Hindi ko sya pinansin nang harangin nya ako. "Why are you still even here?"

"I don't need to explain myself to you, Hope. You're not my boss." I smiled at her kahit halata sa mga mata ko na bad trip ako sa mukha nya. Gosh, parang naamoy ko yung kinain nya kahapon everytime she opens her mouth.

"I'm the girlfriend of your boss. I'll tell him to fire you. Nakakasira ka ng mood sa set. Sobrang panget mo!!!" Tinulak tulak nya pa ako pero ayokong patulan dahil alam kong isa na naman 'to sa mga pakuno nya. "I'll give Ares the best PA. Yung mabait at maganda sa paningin. He doesn't need an ugly woman."

Hinawakan ko ang kamay nya tsaka pinigilan sa pagtulak sa'kin. "Tell him whatever you want to tell him. If he listens to you, good for you. Pero kung hindi, ikaw lang ang masasaktan."

Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. "How dare you tell me that my boyfriend won't ever listen to me!!!" Itinulak nya ulit ako pero bumangga ang likod ko onto something - or at least someone.

"Hope, that's enough." Si Lann pala ang sumalo sa'kin. Nakahawak sya sa mga balikat ko. "Ali are you okay?" Tumango naman ako sa kanya. "Let's get you going. Set 4 daw si Ares after his solo shots."

"Hang on a second!" Hinarang kaming dalawa ni Hope. "Are you defending her?" Dinuro duro nya ulit ako. "She just told me that Ares won't ever listen to me!"

"I didn't say that - " pero iniharang nya ang kamay nya na mapanghe sa mukha ko kaya hindi ko na natapos ang sinasabi ko.

"No one would ever believe you. Isa ka lang hamak na PA, panget mula ulo hanggang paa." Yung panlalait nya sa'kin tumatawag na ng attention ng mga tao sa set. "I don't know why Ares hired you. Look at yourself, yung buhok mo mas matigas pa sa gulong ng kotse ko." Tinulak tulak nya ulit ako habang nakaharang sya sa gitna naming ni Lann.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon