THIRTY - THE AWKWARD ACQUAINTANCE

370 20 11
                                    

THIRTY - The Awkward Acquaintance

"Uy Ali okay ka Lang ba?" Tanong ni Lann Tsaka hinipo ang noo ko. "Kung masama ang pakiramdam mo magstay ka na Lang muna sa bahay." Pagpapatuloy nya at May iba pa syang sinasabi Pero Wala dun ang isip ko.

"Ali, wag mo ng isipin kung Ano yung mga nawala sa bahay. Ang importante safe kayo ni Ares. Isa pa pinapaimbistigahan na din namin yung nangyari." Sabi ni Gene.

"Huh? Okay Lang ako. Rehearsals Lang naman tayo today para sa prod sa Sunday. Kaya ko yun. I need to take my mind off of what happened." Nag-aayos kami Papunta sa rehearsals para sa prod sa Cool Vibes.

"Kung magstay ka sa bahay, sasamahan kita. Paano kung bumalik yung mga magnanakaw na yun!!" Lumapit si Ares sa'kin habang nakatitig sa Mga mata ko. "You saved me. Nakakahiya man Pero kung di ka dumating baka patay na ako bago pa tayo pasukin ng mga yun." Hinawakan nya ang kamay ko. "Hey, kung natatakot ka or Hindi mo makalimutan yung nangyari it's okay. We can go to a therapist for the trauma. You don't have to pretend." Ang hinahon ng boses nya. Nakakakalma Kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Thanks boys. But seriously, I'm fine. Mas magkakasakit ako kung magstay Lang ako dito sa bahay. I need to work, Hindi na ako PA remember?" Sinubukan kong pagaanin ang usapan, kahit ang totoo, ang Sakit pa din ng dibdib ko sa nangyari. Hindi ako makapaniwala.

Umalis kaming ng bahay at magkakasama sa sasakyan Papunta sa rehearsals. Dumaan muna kami sa Drive thru para Bumili ng breakfast. Wala naman akong ganang kumain. Napapatulala pa din ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong natawag si nanay. Mabilis kong sinagot dahil iba ang pakiramdam ko. "Hello Nay? May problema po ba?" Kinakabahan kong tanong.

"Naku anak, wala naman. Gusto Lang sana kitang kamustahin. Ay ang Sabi ng kapitbahay pinasok daw kayo ng akyat bahay, nasa balita daw. Hindi kami mapakali ng tatay mo. Kanina pa ako kinukulit na tawagan ka. Ayos ka Lang ba anak?"

Naririnig ko din si tatay sa background. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil okay Lang naman sila.

"Ayos Lang naman po kami. Papunta kami sa rehearsal para po sa show sa Sunday. Nakuha nyo na po ba yung padala ko? Bumili din po ako ng mga gamit sa bahay na idedeliver dyan. Nagpatulong po ako sa mga kaibigan ko Paano magorder." Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng May marinig pa akong isang boses sa background. "Nay, May bisita po ba kayo dyan? Sino po yung nagsasalita?" Hindi agad sumagot si nanay. "Nat, tay, May problema po ba?" Hindi na ako mapakali. Gusto kong biglang umuwi sa probinsya.

"Naku anak Ito pa pala ang sasabihin namin. Ang kuya mo kasi baka May Sakit." Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba, galit at pag aalala nang malaman kong ang kapatid ko pala ang nagsasalita sa background.

"Ano na naman pong ginawa nya? Wag kayong maniniwala na May Sakit yan. Kahit po May Sakit yan di yan agad mamamatay. Masama po syang damo!!!!" I clenched my fist dahil sa galit. Kung Nandito Lang sya sa harapan ko baka nasaktan ko na sya.

"Ay anak Hindi yun ang ibig kong Sabihin." Biglang Bumulong si nanay. "Nagbigay ng pera sa Amin anak. Tapos inaayos yung bintana dito ngayon. Ibinili din nya ng gamot ang tatay mo. Hindi ko nga alam kung saan sya kumuha ng pera. Pero ang Sabi nya May nagpasok daw sa kanya ng trabaho."

"Nay makinig po kayo sa'kin. Ibalik nyo po ang pera at lahat lahat ng ibinigay sa inyo ni kuya!! Wag nyong tatanggapin kahit ano. Ako na po ang bahala sa gamot ni tatay." Nangangatal ako habang kinakausap si nanay. Para akong nanghihina. Ang kapal ng mukha nyang magsinungaling.

"Anak nagsorry naman sya sa Mga kasalanan nya. Sabi nya babawi daw sya sa Amin ng tatay mo. Sya nga ang nga-aayos dito sa bahay ngayon. Bigyan naman natin sya ng pagkakataon anak. Alam kong madaming kasalanan ang kuya mo sa atin Pero baka nagbago na talaga sya."

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon