TWENTY THREE -LINES OF THE HEART-

782 29 6
                                    


Madaming nagbago nitong mga nakaraang araw. Isang beses nga may mga reporters na nagiintay sa sasakyan ni Ares pero laking gulat naming na ako pala ang gusto nilang interviewhin. Hindi naman ako nagsalita dahil sabi ni Ares kahit magsabi ako ng totoo iibahin pa rin nila ang kwento. Speaking of Ares, ang aga nya akong ginising at isinama na magworkout. Meron naman silang mini gym sa Bahay pero naisipan nya akong isama sa trainer nya. Kaya heto ngayon nangangatal na ang buo kong katawan sa pagod.

"Tinikling mo kasi. Ayusin mo nga." Kanina pa ako inaasar nitong lalaking 'to. Hindi kasi sya makausad sa next round dahil hindi ko matapos yung reps kahit modified na yung workout para sa'kin. "Akin na nga aalalayan kita." Nasa lat pull down equipment ako. Dalawang 5lbs bara lang ang nakalagay pero sobrang bigat na. Umupo si Ares sa likuran ko at humaka din sa bar. "Chin up, dapat relax lang. Don't pull with your neck, magkakainjury ka." Bigla akong kinabahan dahil naramdaman ko ang dibdib nya sa likuran ko. Hindi na ako nag-inarte at ginawa ko na lang ang sinasabi nya. "See, kaya mo naman pala gusto mo tatabihan pa kita dyan."

"Hoy!! Ikaw 'tong tumabi sa'kin no!!!" Mabilis akong tumayo. "Ikaw na lang ang magworkout dyan!!!!" Papalayo na ako nang hawakan nya ang braso ko. "Ano?"

"Kuha mo kong inumin." Utos nya tsaka ngumiti. Wala naman akong magagawa dahil wala akong ride pauwi kundi sya lang. Bumalik ako na may dala ng energy drink at umupo sa tabihan nya nang bigla nyang punasan ang pawis ko kaya napalayo ako. "Arte. Kapag ikaw natuyuan tapos nagkasakit at nagkaTB wag ka ng lalapit sa'kin."

"TB agad? Hindi ba pwedeng pneumonia muna?" Inagaw ko ang towel sa kanya at pinunasan ko ang sarili ko. "Hindi ka pa ba tapos? May taping pa tayo mamayang gabi. Sana naman wag ng mag-inarte yung jowa mo para makatapos agad. Antok pa ako no." Uminom ako ng tubig ng bigla nyang agawin tsaka uminom. "Hoy meron ka ng sa'yo ah!!"

"Energy drink 'to hindi tubig." Yun lang ang sinabi nya tsaka tumayo at itinuloy ang pagwoworkout. Pinanood ko na lang sya. Kahit payat sya Malaki pa rin ang muscles at kaya nyang magbuhat ng mabigat. Delikado pala ako sa kanya, kayang kaya nya akong ihagis palabas ng Bahay kapag nagkataon.

Habang naghihintay nagpunta ako sa twitter para sana makibalita nang Makita ko ang isang video. Mabilis akong lumingon sa paligid. Ang video ay video naming ni Ares na magkatabi at pinupunasan nya ako ng pawis. Then ang kadugsong na ay yung inagaw nya yung tubig ko. Lumapit ako kay Ares para sabihin sya kanya kaya lang parang nagging slow motion yung pagkilos nya. Yung pawis nya parang dahan-dahang pumapatak sa katawan nya. Bakit ganito sya bigla? Napatingin sya sa'kin at ngumiti. "Oh, ano uhmm meron tayong video sa twitter trending na naman. Ano ba yan? Hanggang kalian ba magiging una yung pangalan ko dito?" Inagaw nya ang phone ko tsaka ngumiti. "Hindi nakakatawa no."

"Bayaan mo lang sila." Dinampot nya ang towel tsaka nagpunas ng pawis at naghubad ng tshirt at napatulala ako. "Hoy, laway mo." Pang-aasar nya.

"Asa ka pa. Bakit ka kasi dito nagbibihis?" Tumalikod ako ng bigla nya akong akbayan. "Ewwww amoy pawis ka pa. Alisin mo nga yang kamay mo." Pero hindi sya nakinig. Lumabas na kami ng gym at nagpunta sa sasakyan. Sya lang ang nagdrive dahil hindi naman 'to part ng trabaho. Halos hindi ako makaupo dahil sa sakit ng legs ko. "Bilisan mong magdrive maliligo pa ako bago tayo umalis." Hindi nya ako pinansin at nagdrive na lang. Halos hindi pa kami nakakalayo ng biglang tumawag si Miss Cem kaya naman sinagot ko 'to. "Hi Miss Cem."

[Miss Cem] Ali, where are you?

"Nasa sasakyan po pauwi na." Tumingin ako kay Ares.

[Miss Cem] Magkasama ba kayo ni Ares?

"Yes, po. He's driving po ngayon. Gusto nyo po ba syang makausap?" Tinap ko ang balikat ni Ares.

[Miss Cem] So totoo yung nasa video? Kayo talagang dalawa yun?

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon