ONE
-The Hardest Part-
Humahangos akong dumating sa ospital at dumiretso sa information. "Saan po ang emergency room dito?" tanong ko sa nasa front desk.
"Yan pong pintuan na yan." Hindi pa sya tapos magsalita ay dumiretso na ako sa loob.
"Nay!" pagtawag ko kay nanay. Maraming higaan sa loob. Merong mga ibang pasyente din. "Nay!" Nakita ko ang isang higaan na may sara at lumabas si nanay kaya naman mabilis ko syang niyakap. "Nay!!! Nay ano pong nangyari!!" Papasok na sana ako para silipin si tatay pero pinigilan ako ni nanay at ng mga nurses na nandoon. "Nay ano pong nangyari?"
"Nabangga ang tatay mo ng malaking truck. Durog yung sasakyan ng kumpanya ng tatay mo." Umiiyak na sabi ni nanay.
"Ano pong sabi ng company nila tatay? May makukuha tayo dun nay. Tsaka yung nakabangga sa kanya? Nasaan na po?" Hindi na ako mapakali at nagiinit na rin ang ulo ko dahil sa mga nangyari kay tatay.
"Anak kasi, kasi nakatakbo yung driver nung truck. Pero naireport na naman sya tsaka hinahanap na kung sinong may ari nung truck. Pero ang sabi ng mga pulis mahihirapan daw silang mahanap ang may ari nun kasi walang plaka yung truck." Nanlumo ako sa sinabi ni nanay. Napaupo na lang ako at para akong mahihimatay. Nakakapanghina lang na may mga taong tinatakasan ang mga kasalanang tulad nito. "Anak, anak may pera ka ba dyan? Kailangan nating magbayad ng initial para tanggapin ang tatay mo sa ospital na 'to."
"Ano po? Nay public hospital 'to. Bakit kailangan nating magbayad?" napalakas ata ang sabi ko at lumabas ang isang doctor.
"Yun po ang standard procedure namin dito. Magdown muna po kayo para iadmit namin ang tatay mo. Kailangan na syang madala sa operating room." Paliwanag ng doktor.
Hindi na ako nakipagtalo at inilabas ko na ang lahat ng pera ko at iniabot kay nanay. "Ayan nay, okay na ba yan?" tanong ko sa kanya.
"Doc, ayos na ba 'tong walong libo?" tanong ni nanay sa kanya. "Ito lang po ang pera ko at pera ng anak ko sa ngayon pero kapag nakakuha na kami ng tulong sa pinagtatrabahuhan ng asawa ko magbabayad kami." Hindi pa rin matigil ang pagiyak ni nanay.
"Sige po, ayos na yan. Pumunta na lang po kayo dun sa admission window. Bibigyan po kayo ng form. Fillupan nyo lang then magbayad kayo sa cashier tsaka po kayo bumalik dito dala ang resibo at yung form na ibibigay sa inyo tsaka natin sya ipapasok sa operating room." Mahabang paliwanag ng doktor tsaka umalis.
"Ano? Nakita nyo naman ang kalagayan ng tatay ko tapos kailangan munang magbayad at kumpletuhin ang form form na yan? Alam ba ni Gov na ganyan ang palakad nyo dito?!!!!" Sigaw ko sa kanila pero pinigilan ako ni nanay.
"Tama na anak. Wala tayong magagawa. Maliit ang tingin nila sa'tin kaya hindi sila makikinig sa'tin. Sige na, magbayad ka na doon at maiiwan ako dito sa tatay mo." Iniabot sa'kin ni nanay ang pera tsaka itinulak ako ng marahan palabas ng emergency room. Nakatingin sa'kin ang nurses doon at ibang doktor na parang pinaguusapan ako at pinagtatawanan.
"Daming reklamo, gusto palang asikasuhin lahat dapat dun sa private dinala." Narinig kong sabi pero di ko alam kung sinong nagsalita.
"Kaya nga government hospital para sa masa." Sagot ko habang naglalakad para asikasuhin ang pagadmit kay tatay.
Pinigilan ko na lang magsalita. Pagod na rin kasi ako. Sobrang daming papers na dapat punoin. Tinanong ko pa si nanay sa iba. Pabalik balik ako dahil ang daming hinihingi.
"Dok!! Dok!!!" napalingon ako nang marinig ko si nanay. Mabilis akong tumakbo sa loob. "Ang asawa ko!"
Iniintay ko pa ang form mula sa counter. Hindi ko kayang mawala si tatay dahil lang walang nagasikaso sa kanya. Bakit ganun? Bakit?
BINABASA MO ANG
My Life With The Jerks
Teen FictionOrdinary student lang si Dalisay Liwayway nang dumating ang maraming pagsubok sa kanilang pamilya na sisira sa lahat ng meron sya. Paano kung tadhana na ang gumawa ng paraan para makapasok sya sa buhay na kahit kailan ay never nyang naimagine. Will...