ELEVEN-SWEET ESCAPE-

1.7K 72 20
                                    

ELEVEN

-SWEET ESCAPE-

[Hinahanap ka na ng tatay mo. Sabado naman ngayon, bakit di ka pwedeng umuwi?]

"Nay kasi po may team building po kami ngayon." Hindi ko na alam ang idadahilan ko habang kausap si nanay sa telepono. Ang bigat sa pakiramdam.

[Eh bukas? Linggo naman. Baka pwede kang sumaglit dito. Kahit dito ka matulog.]

"Susubukan ko po, nay. Pero ayokong mangako." Kausap ko si nanay habang bitbit ang ilang mabibigat na damit ni Ares.

[Ano ba kasing klaseng trabaho ang walang off?]

"Nay, with OT pay naman po yun. Basta pagdating po ni Yumi dyan kunin nyo na yung pera. Magdala kayo ng two valid IDs ha." Nakarating na ako sa room kung saan magbibihis si Ares. "Sige na nay tinatawag na ako ng boss ko. Itext nyo na lang sa'kin kung nakuha nyo na yung pera. Pasabi kay tatay pagaling sya." At ibinaba ko na ang phone.

"Di naman kita tinatawag ah!" Napatalon talaga ako ng magsalita si Ares sa likuran ko na sobrang lapit.

"Don't do that!!!!" Pagrereklamo ko tsaka ko inilabas ang isusuot nya.

"Sus, gusto mo naman." Umupo na sya sa harap ng salamin.

"Gusto? Umasa ka naman!!!!" Ipinakita ko sa kanya ang isusuot nya.

"BAKIT YAN?!!! AYOKO NYAN!!!!! PAPALITAN MO YAN!!!!!" sigaw nya sa'kin.

"Eh bakit ba ako ang sinisigawan mo? Taga-ayos lang ako!! Ito ang dinala para sa'yo!!!" Kinuha ko ang kamay nya at inilagay ang damit. "Isusuot mo yan! Wala akong pakialam kung ayaw mo basta isuot mo yan!!!!" Tinulak ko sya sa cubicle para magbihis at isinara ko ang pinto. "Bilisan mo ha!!!"

"Ano ba?!!! Di na ba ako pwedeng lumabas!!!!" kinakatok na nya ang pintuan sa loob.

"Sinuot mo ba?!!!" tanong ko sabay bukas sa pinto. Suot nya ang pang prinsipeng costume. May event kasi ng network company at mala-prince charming and Cinderella ang peg.

"Pangit di ba?!!!" yung mukha nya halatang nahihiya na naiirita. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa.

"Hmmmm." Inalis ko ang necktie nya.

"O san mo dadalhin yan?" tanong nya sa'kin.

"Papalitan ko. Panira ng porma mo. Wait ka lang dyan." Sumilip ako sa kabilang nagbibihis at nakita ko ang ibang talent dun. "Uy, ang ganda naman ng costume mo." Sabi ko sa kanya. "Kaso bakit parang patay yung color ng necktie? I mean, no offense ha pero mas astig kung may dating yung color. Like this oh." Ipinakita ko yung hawak kong necktie at nauto naman ang loko. Bago pa sya makahalata eh bumalik na ako. "Tenen!!! Bagay 'to sa'yo. Ilagay mo na." Ngumiti ako at iniabot sa kanya habang sinusubukan nyang ilagay. "Ano ba yan di marunong! Ako na nga!" Lumapit ako sa kanya tsaka ako ang nagayos. "Ayan okay na."

"Eh ikaw? Dito ka lang ba?" tanong nya sa'kin pero di sya sa'kin nakatingin.

"Oo naman. Si Cinderella ako no! Mamayang 12 midnight pa dating ko dun sa ball. Intayin mo ko ha!!!" Tinapik ko sya sa pisngi at iniabot ang maskara nya. "Gwapo mo kapag may maskara!!!"

"Aba't loko ka ah!! Parang sinabi mo naman na ang panget ko!!!!!" Inayos nya ang maskara. Kalahati lang naman ng mukha nya yung may cover.

"Oh, hi baby!" biglang sumulpot si Hope at yumakap kay Ares. "Naghihintay na sila sa'tin. Dapat sabay tayong lumabas. Goal natin ang couple of the night." Ang laki ng ngiti nya pero bakit parang di naman masaya si Ares? Ano kayang problema? "Ali, pakidala naman nitong isang shoes ko sa dressing room ko." Iniabot nya sa'kin yung sapatos nya at umalis na silang dalawa.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon