TWENTY FIVE -THE CONTROVERSY-

761 30 3
                                    

Nakauwi na ako after ng appointment ko with Ces, and as usual ang dami nyang ibinigay na freebies na pampaganda. She did highlights to my hair tapos treatment after. So ngayon brown with blonde highlights na ang buhok ko parang ganito.

 So ngayon brown with blonde highlights na ang buhok ko parang ganito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 Ang sarap din nung spa massage kanina tsaka yung sauna. Sobrang nakakarelax. Nakatulog na nga ako. Then namili kami ng mga damit ni Ares. Meron naman pala silang private lounge para sa mga artista tapos yung staff na yung bibili for you. Dun sa ineendorse nilang clothing brand kami nagpunta at ang daming libre. Kinausap pa ako nung manager na gusto daw akong kunin na endorser ng company nila. Pero syempre hindi ako sumagot. Sinabi ko na lang na makipag-usap kay Miss Cem.

"Ali, balita ko artista ka na daw!!!!" Sumalubong sa'kin si Genesis.

"Does it mean aalis ka na dito?" tanong ni Lann at lahat kami nasa living room malulungkot.

"Ang layo ng Bahay namin dito. Tsaka ayokong tumira kasama yung kapatid ko for sure ibebenta lang nun lahat ng gamit ko." Huminga ako ng malalim tsaka sumandal sa couch at yumakap sa throw pillow. "Wala naman akong alam sa paghahanap ng apartment."

"You don't need to go anywhere." Biglang sumulpot si Ares. "You can stay here."

"I don't think that's a good idea. Hindi mo na ako PA. I didn't know mas hihirap pala kapag hindi na ako PA." I closed my eyes at sinubukang mag-isip.

"If you feel bad for staying here for free, don't be. Yung basement may sariling entrance. Yun can stay there if you want privacy and then you pay me rent. Not that I need it, but for your own ego's sake." Paliwanag ni Ares at tumingin ako sa kanya. "Don't worry, we'll help you, right boys?" Tumango naman silang apat.

"Bahala na. Thank you sa offer. Kinakabahan ako para sa interview. Ano bang dapat gawin?" Nanlalamig na ang mga kamay ko wala pa nga ako sa studio.

"Don't worry. Sa dressing room ipapabasa sa'yo yung mga questions na itatanong ni Tita Girl. Kung meron kang ayaw sagutin just marked it. But if you want to answer all of it, prepare for the follow up question. Si tita Girl is known for her straight to the point questions." Paliwanag ni Lann and I made sure na naintindihan ko sya.

"Turn the TV on!" Sumulpot si Nik sa tabihan ko. "Uy ALi congrats. But I think you'd be a better singer composer, no offense Ares." Ngumiti lang ako at nanood na sa sinasabi ni Nik.

At para naman sa showbiz balita. Usap-usapan ngayon ang break up ni Ares Alcante at Hope Buenaflor. Kumalat ang spekulasyon ng magpost ang parehong partido ng cryptic messages sa kani-kanilang Instagram account.

Una na ngang nagpost si Hope with a black picture sa kanyang social media account na may caption na  Your value doesn't decrease based on someone's inability to see your worth.

Inunfollow din nya ang ka-love team na si Ares. Kasunod nito ay nagpost naman si Ares ng black and white sunset na may caption na Be strong enough to let go and wise enough to wait for what you deserve.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon