SEVEN-ARES, THE KNIGHT IN SHINING ARMOR-

1.3K 52 7
                                    

SEVEN

-ARES, THE KNIGHT IN SHINING ARMOR-

[Anak, nagaalala ako sa'yo. Nasaan ka ba?]

"Wag po kayong mag-alala sa'kin nay. Okay lang po ako." Nakaipit ang cellphone sa tenga ko habang inaayos ko ang mga gamit dito sa likuran ng sasakyan. "Wala na naman po kasing pasok kaya po naisipan kong maghanap ng trabaho."

"Wag ka ngang maingay!" sigaw ni Ares.

[Dyan ba yun anak? Bakit parang may lasing dyan malapit sa'yo? Nasaan ka ba talaga?]

"Ah, hindi po nay. Kasi po uhm may pila po ng applicants so marami po kami dito." Napahawak na lang ako sa mukha ko. "Kumusta na po si tatay?" Iniba ko na lang ang usapan para mawala ang baling sa'kin.

[Yun nga anak, pwede na daw lumabas ang tatay mo kaya lang kailangan munang mabayaran yung utang dito tsaka mabili ang kumpletong gamot. Naubos na yung ibinigay mo sa'kin at naipambayad ko na kaya lang kulang pa rin. Hindi ba't susweldo ka naman bukas? Mga 7000 kasya na yun. Babayaran ka na lang namin ng tatay mo kapag nakuha namin yung tulong ng kumpanya nya.]

Halos gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. Hindi ko masabing hindi na ako susweldo bukas dahil natanggal na ako at hindi na rin ako makakapagaral next sem dahil natanggal din ako. "Uhm, sige po nay subukan kong gawan ng paraan. Ano po kasi – di ba nanghiram ako kay boss tsaka kay Mikoy, baka po hindi ako makasweldo pero gagawan ko po ng paraan. Wag mo kayong mag-alala ni tatay. Ikamusta nyo na lang po ako sa kanya ha."

[Ay sandali anak, kailan ka ba pupunta dito? Kailangan ko kasing pumunta dun sa kumpanya ng tatay mo para ipasa yung mga kailangan nya para makuha nya yung dapat nyang makuhang pera. Kailangan kita dito anak.]

"Basta nay gagawan ko ng paraan promise. Sige po turn ko na po dito. Bye!" bigla kong ibinaba ang phone. "Kapag minamalas ka nga naman." Bulong ko sa sarili ko.

"May problema ba?" nilingon ako ni Lann.

"Hindi naman nauubos ang problema." Sagot ko sa kanya at naisipan kong tawagan si Yumi. "Hello, bes!"

[Ano na hindi ka na sumagot dun sa tinatanong ko kanina!!]

"Heto na nga. Sasabihin ko na sa'yo. Sila nga yun. Totoo yung nasa balita." Hindi nya napigilan ang sigaw. "Sandali lang bes, may favor sana ako sa'yo."

[Ano naman yan? Ay naku bes kapag pera sorry pero wala. May pinagiipunan akong importate.]

Nakareklamo na sya kaagad wala pa nga akong sinasabi. "Hindi pera, grabe ka naman makareklamo. Kasi naman si nanay kailangang pumunta sa company ni tatay so walang magbabantay kay tatay. Hindi naman ako pwede kasi nasa work ako."

[Work? Work? Saan nga yan? Anong work yan? Tsaka ako ba ang anak ng tatay mo para bantayan ko sya?]

"Kapag ba may kapalit papayag ka?" sinusubukan ko syang kumbinsihin. "Sandali lang naman si nanay babalik din yun agad."

[Ano namang kapalit?]

Nagisip ako at napatingin ako sa natutulog na si Ares. "How about a fan sign from Ares Alcante?" Tinawanan nya ako. "Seryoso."

[Bes ayoko ng ganyan, pwede yang iedit eh. Wag nga ako.]

"Okay fine, video greeting from him or any of the Alcante boys, okay lang ba?" bigla na naman syang nagsisigaw. "Ano?"

[DALISAY LIWAYWAY KAPAG ITO HINDI TOTOO HUMANDA KA SA'KIN!!!] sigaw nya sa'kin.

"Totoo 'to promise. Isesend ko ang proof sa'yo pero wag kang maingay ha." Sabi ko sa kanya.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon