FIFTEEN -FUN IN DISGUISE-

775 33 5
                                    

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ko kay Ares. Nandito kami ngayon sa mall pero nasa loob pa rin kami ng kotse nya. Nagsuot sya ng face mask na black tsaka nagcap. Pababa na sya ng kotse pero napigilan ko sya. "Nababaliw ka na ba talaga? Kukuyugin ka ng mga fans mo. Baka magkastampede dito oy. Wala kang escort." Tiningnan nya ako tsaka itinuro. "No, nope! PA ako hindi ako escort. Nakita mo ba kung gaano ako kaliit?"

"Ang daldal mo talaga kahit kelan! Kaya nga ako nakamask para hindi nila ako makilala. Naku, utak din minsan ginagamit." Tiningnan nya ang sarili sa salamin.

"Oo nga para nga matakpan ang mukha. Hello, sa itsura mo mukha kang koreano. Mapagkamalan kang member ng BTS, sige ka. Sikat pa naman sila sa buong mundo." Pananakot ko sa kanya. Pero hindi tumalab dahil bigla syang nagpapogi hindi naman gwapo.

"Sino sa kanila ang kamukha ko? Tae-Hyung Kim ba?" Tumagilid sya sandali. "How about ganitong angle? Pwede na bang Jeon Jung-Kook?" Ang kapal talaga ng mukha nya. Ako na nga ang gusto syang protektahan pero wala, bahala sya. Hindi ko alam bakit kasi nagpunta pa kami dito. "I'll be fine. Let's go."

"Ikaw ang bahala. Ikaw naman ang kukuyugin hindi ako." Bumaba na kaming dalawa. Sa basement kami ng mall nagpark. Dito nadaan ang mga artista kapag may mall show. Sinabi ko na sa kanya na wag dito magpark dahil for sure maraming fans ang nagaabang sa artista at hindi naman alam kung may mall show ba today for sure lahat ay paghihinalaan nilang artista. Sumakay kami ng elevator. "Sino ba kasing tatagpuin mo dito?" tanong ko sa kanya pero tiningnan nya ako ng masama. "Sorry, masyadong sensitive." Pagbukas na pagbukas ng elevator ang daming babae ang nag-aabang at nagsimula na silang magsigawan. Humawak sa'kin si Ares na akala mo ako talaga ang escort nya. "Excuse me po. Makikiraan meron po akong disabled person na kasama." Naramdaman kong kinurot nya ako. "Ikaw na nga ang nililigtas dyan." Nakayuko sya habang ako ang nagga-guide sa kanya maglakad.

"Sino kaya yan?"

"Hala bakit mukhang Korean?"

"Teka hindi kaya member yan ng BTS?"

"Oo nga bukas ang concert nila paano kung lumabas yung isa."

Nagsimula na silang magsigawan ulit. "Miss, BTS nga 'to BaTang Saltik. Kaya sige na padaanin nyo na kami ha." Mabilis kaming naglakad ng hablutin ng isang babae yung cap ni Ares.

"Si Ares ba yan?" at bago pa sila makapagreact mabilis na kaming tumakbo.

"Disguise pala ha! Palpak ka!" Sinusundan pa din kami ng mga fan girls then he grabbed my wrist at pumasok kami sa isang closet. Parang maintenance closet yun dahil may mop tsaka walis and vacuum. Yung pintuan parang closet na kita mo kung sino ang nasa labas kaya naman nakisilip ako. "Naku hindi pa rin sila umaalis." Halos sobrang hirap kumilos kaya naman sumandal ako pasideway at gulat na gulat ang mukha ni Ares. "Kasi ang tigas ng ulo mo. Tatanda ako kaagad nyan eh." Mabilis nyang tinakpan ang bibig ko ng kamay nya at sumenyas na wag maingay.

"Saan kaya sila nagpunta? Sayang naman."

"Ang bagal nyo kasi."

"May nakapagpicture ba?"

"Bakit kaya sya nandito?"

Medyo lumayo na ang mga babae pero hindi pa din ganun kalayuan. Inalis na ni Ares ang kamay nya. Sobrang siksik kami sa closet. Halos nagdidikit na ang mga katawan naming. "Lumayo ka nga." Bulong ko sa kanya.

"Ikaw ang lumayo. Kasalanan mo yan dahil mataba ka." Galit nyang bulong sa'kin kaya naman siniko ko sya. Inalis nya ang mask nya at bigla akong napatigil nang mapatitig sa mga lips nya. "Idedemanda kita ng physical abuse." Sabi nya pero hindi ko sya pinansin at umiwas na lang ako ng tingin. Sumilip ulit ako sa labas nang maramdaman ko ang hininga nya sa batok ko at bigla akong kinabahan. "Wala bang trabaho yang mga yan at nagsasayang ng oras buong maghapon kakahintay?" Napalunok ako at bumalik sa pagtayo ng sideways para hindi sya tumayo sa likuran ko. Ngayon face to face na kami. He extended his arms against the wall. But it looked like he trapped me in his arms. Ano ba yan ang feeling ko! "Hoy babae wag kang pilingera. I'm trying to balance myself bago pa kita madaganan dyan." Mas nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Bakit nagstutter sya? "Hoy stop overthinking!" Ako naman ang tumakip sa bibig nya dahil napalakas ang pagsasalita nya.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon