EIGHT-THE TANDEM JERKS NAMED LANN AND GENESIS-

1.4K 52 4
                                    

EIGHT

-THE TANDEM JERKS NAMED LANN AND GENESIS-

Nakakapagod din palang maging PA. Nakikita mo nga ang mga artista sa set kaso di naman lahat friendly. Di namamansin yung iba lalo na yung ibang beterano. Yung iba din naman makikita mo na yung driver eh PA na din. Yung iba naman walang make up artist. Baka mga nagtitipid. Samantalang 'to si Ares lahat bukod-bukod.

"Pack up na." Sigaw nung isang crew. Naglalakad na si Ares pabalik ng tent pero hinarang ko sya.

"Gusto mong masipa ng malakas sa mukha?" pananakot nya sa'kin.

"Eh masipa sa itlog gusto mo?" sagot ko sa kanya tsaka ko sya pinicturan. "Just wanna make sure na ganito pa rin ang itsura mo sa continuity." Tumalikod ako at nauna pa ako sa kanyang bumalik sa tent.

"Daming arte. Di ka naman yung make up artist ah!!" kasunod ko sya pero dami nyang sinasabi. "Akala mo naman ikaw yung manager ko."

"Hoy, kapag nakita ng fans mo na sala sala yung itsura mo sa pinapanood nila akala mo ba hindi nila yun paguusapan? Lalo naman ng mga bashers mo!" Sinigurado kong naka-save sa tablet ang mga next nyang isusuot sa continuity para hindi na ako mahirapan.

"Bakit ako ang sisisihin nila? Sinisisi nila kadalasan yung staff at cameras. Hindi ako!" naghubad sya sa harapan ko at hindi ako kaagad nakasagot. "Ano panonoorin mo akong magbihis? O heto na oh, maghuhubad na ako ng pantalon. Titig ka lang ha." Napalunok ako at agad napalabas ng tent.

"Bastos! Ang yabang!! Akala mo naman gwapo at macho!!!" Nagrereklamo ako habang naglalakad. Well, macho naman talaga sya. Sobrang toned ng katawan. Baka kapag inuntog nya ako sa dibdib nya pumutok ang ulo ko.

*TUG

"Aray! Ito na nga ba ang sinasabi ko." Para akong nauntog sa isang matigas na pader.

"Naku sorry!! Sorry!!" Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad ang malaki at matigas na dibdib. "Masakit ba?" Si Genesis pala ang nakabangga ko. Hinawakan nya ang noo ko habang hinihimas.

"Ha? Okay lang ako." Medyo lumayo ako. "Akala ko sa pader na ako nabangga, sa muscles mo lang pala." Sagot ko habang hinihimas pa rin ang noo ko. "Bakit ba kasi bigla bigla kang sumusulpot dito?"

"Ah, kasi may isang scene ako kanina. Di mo ako nakita kasi inuutusan ka ni Ares." Ngumiti sya at nakakalula ang dimples. "Pero sorry talaga ha. Gusto mo lagyan ko ng yelo?" Nakahawak pa rin sya sa noo ko.

"Landian pa more!! Kapal! Inuuna ang landi bago ang trabaho!!!" Sumulpot si Ares at dumaan sya sa gitna namin ni Genesis. "Kunin mo na kaya yung mga gamit sa loob!! Gusto ko ng umuwi!!! Pag wala ka pa sa sasakyan ng 5 minutes iiwanan ka namin!!!" sabi nya habang naglalakad.

"Eh di iwanan mo!! Ibebenta ko naman lahat ng gamit mo!!!!" Sumimangot ako tsaka ako bumalik sa loob. Sumunod naman sa kanya si Genesis. Landian agad? Pakialam naman nya sa ginawa ko? Bastos, sa gitna pa namin dumaan!!

"Ares!" May tumatawag sa kanya sabay pasok sa loob. "Uy, Ali si Ares nasaan na?" si Lann pala yung dumating.

"Ayun, papauwi na. Pinapadala 'to sa'kin lahat at kapag wala pa daw ako dun ng 5 minutes iiwanan nya ako. Kaya nga tinatagalan ko para umalis na sya eh!! Nakakapaginit ng ulo ang ugali ng pinsan mo!!!" Isinalansan ko ang mga bag tsaka ko inilagay sa bag ko ang tablet. "Naku hindi ko pa pala 'to naayos." Pagtukoy ko sa contract.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Lumingon ako kay Lann at pinagmamasdan nya ako.

"Huh? What do you mean?" Tumingin ako sa dress na suot ko. "Ah, ito. Kasi kaninang umaga nakapants ako at shirt. Eh di ba nga nabasa? Buti nga may damit yun si Ares eh. Di ko nga alam kung san nya 'to kinuha. Pero mabuti kasya sa'kin." Paliwanag ko sa kanya at parang hindi sya makapaniwala. "Bakit ba kasi?"

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon